Confidential Files:
Profile: Princess Tamara Kendler
Age : 25
Date of Birth : 1995 / 12 / 31
"Nakikinig ka ba sakin Zylven? " pang apat na beses ng tanong ni Keros sa kaharap na mahigit 30 minutes ng nakatitig sa mga litrato at folder na hawak.
"Tangna! Tinamaan na yata ang loko lokong ito ah! Hoy Zylven!"
"Ha!"
"Pakingshet! Ayos ka lang ba ha? Para kang namaligno sa hitsura mo ngayon ah! Napapanu kana ba ha?"
Sunod sunod na tanong ni Keros sa bagong lipat na assassin agent galing Thailand.
"Ibig mo bang sabihin Boss K. magiging bodyguard ako ng babaeng ito?"
"Princess Tamara! Zylven, and yeah you will be her private bodyguard while she's staying here in the Philippines."
Hindi makapaniwala si Zylven na itong babaeng nang agaw ng taxi sa kanya sa Airport ang bago nyang misyon, at take note. Isa pa pala itong Prinsesa. Bababoombastic talaga! Ang galing galing naman ng kapalaran nya. Para bang pinagtatagpo talaga sila ng tadhana.
"Ano munang rules? Gusto ko kasing malaman kung hanggang saan lang ba ang boundaries ko!"
"Rules? Only one rule Agent Zylven, don't fall in love with Princess Tamara Kendler, it's f*******n. Understand?"
"Duly Noted. Boss K." Kaagad nyang sagot.
Forbidden! Hmmm.. Walang ganun sa rules ko kaya Aariba ako uramismo.
"Bakit parang nahihirapan akong paniwalaan ka ngayon? Sa paraan pa lang ng pagtingin mo sa pictures na hawak mo eh parang pinagnanasaan mo ng Princess Tamara na yan eh."
"Ay grabe ka naman makahusga Boss K. Bawal judgmental ika nga sa eat bulaga! nakalimutan mo na bang kapapanood lang natin ha!"
Tulak ng bibig kabig ng dibdib ang acting nya ngayon sa harap ni Keros. Mahirap ng sumabit lalo na sa Boss ng Asia malupit ang mga parusang pinapataw nito sa bawat pagkakasala ng hawak nitong mga assassin secret agents.
"Basta sinasabi ko sayo Zylven ha! Walang kai kaibigan pag nagkamali ka! Hindi kita maililigtas kapag pumalpak ka't mapasakamay ng mga tagaparusa, hindi ko na maaaring pakialaman ang mga desisyon nila. Tandaan mo yan!"
"Yes Boss K., recorded na lahat sa buong sistema ko!"
"Good! O! lumabas kana sa opisina ko at marami pakong trabaho. Layas na."
"Hahaha napaka rude mo talagang tukmol ka, dimu man lang ako pinakain o pinainom man lang kahit na kape."
Nangasim agad ang tabas ng mukha ni Keros sa narinig.
"At bakit naman kita pakakainin ha! May pinatago ka bang budget para sa pagkain at inumin mo sakin para mag demand ka ng ganyan na tangna ka? Lumayas kana nga bago pa kita ipatapon sa labas."
"Napaka kuripot mo talaga dimu man lang ba naisip na kagagaling ko lang ng airport ha! Ni wala pakong lunch at magdi dinner ng wala pang nakakain na kahit ano? Dika man lang marunong maawa sakin!"
Pagdadrama pa ni Zylven kay Keros nagbabakasakaling makaisa rin sya sa kuripot nyang kaibigan na ngayon ay Boss na nya.
"Tapos kana bang magdrama? Kung tapos na. Umalis kana bago ko pa ibato sayo tong hawak kong kutsilyo."
Naiinis na sabi ni Keros sa natitigilang si Zylven.
"Bilis ng kamay mo ah! San naman nanggaling yang patalim na hawak mo?"
Tumaas ang sulok ng labi ni Keros at matiim na tinitigan si Zylven.
"Hindi ako magiging Boss ng Asia kung mahina ako Zylven, alam mo yan!"
Syempre alam na alam ng bawat myembro ng Hainsha Assassin Secret Agent ang lahat ng patakaran, kaparusahan at training bago maging isang Boss ng kahit anong kontinente sa buong mundo na pinangangalagaan ng Organization nila.
"Alam ko! Nagbabakasakali lang naman ako na maisahan ka't mailibre mo rin ako hahaha."
"May 500 ka ba dyan?" Biglang tanong ni Keros.
"Ha! Bakit?"
"Bigay mo sakin dali!"
Nagtataka namang hinugot ni Zylven ang pitaka sa bulsa ng pantalon saka kumuha ng 500 pesos. Buti nakapag papalit na sya sa airport pa lang kaya may Philippine money sya ngayon. Inabot nyang 500 pesos kay Keros na nakangising kinuha agad sa pagkakahawak nya ang pera.
"Hindi kapa kumakain sabi mo diba?" Nakangisi pang tanong ni Keros.
"Hindi pa nga! Gutom na gutom na nga ako eh!"
Inabot ni Keros ang kamay ni Zylven saka inilagay sa palad nito ang 500 pesos na galing din dito.
"O ayan! Pangkain mo, sige lumayas kana dito.. Alisss.."
Awang ang labing napatutok ang paningin ni Zlyven sa perang inilagay ni Keros sa palad nya. Ang pera na mismong nanggaling din sa kanya. Napatawa sya ng malakas ng ma realize ang lahat ng pangyayari.
"Hahaha iba ka! Ibang iba ka talaga sa lahat Keros! Anlupit mo woooh hahaha."
"Hahahha I know right? At nag iisa lang ako sa mundo."
"Hanep! Makaalis na nga dito at baka matangay ako ng ipo ipong Keros hahahah."
"Eh di napaalis din kitang tangna ka! Hahah."
"Ulol, ngayon lang to, ala ng next. Dyan kana nga kuripot ka talaga kuripooottt.."
"Yeah ... Yeah... Hahaha.."
"Kuripoootttt..."
Pasigaw pang sabi ni Zylven bago lumabas ng office ni Keros na tawa ng tawa pa rin hanggang sa hindi na nito marinig ang boses ng baliw nyang Boss.
?MahikaNiAyana