Nine

1363 Words
Ng makapasok si Zylven sa loob ng Villa marami ng patay na nakakalat sa paligid. Nasulyapan nya pa sina Keros at Griffin na nakikipaglaban. Napatutok ang mga mata nya kay Keros, napakabilis nitong kumilos kahit na pinapalibutan ito ng sampong armadong kalalakihan parang wala lang dito, magaling humawak ng katana si Keros tila tali lang ang hawak nito kung makahampas sa mga sumusugod ditong kalaban, ni hindi man lang ito kumukurap. "Zylven!" Isang sigaw ang nagpabalik ng katinuan nya. At sa paglingon nya sa kanyang likuran isang putok ang umalingawngaw. "Blaire!" Nanlalaki ang mga mata nyang nakatitig kay Blaire na halos napayakap sa kanya. Nagulat sya ng may lalaking biglang humandusay sa tabi nila at sa likuran naman ng lalaki ay may nakatayong babae na nakasuot ng black leather suit, may takip ang mukha, hindi nakaligtas sa paningin nya ang magkaibang kulay ng mga mata nito, may hawak itong pana. Yun ang neregalo nya sa pinsan nung makahiligan nitong maglaro ng archery. 'Star'. "Ouch! Shit.." Sapo ni Blaire ang nabaril na balikat. Lumingon ito para sana pasalamatan kung sinuman ang pumana sa lalaking nakahandusay sa tabi nila ni Zylven. Nakatingin pa rin sa kanila ang tagapagligtas nya. Kumunot ang noo ni Blaire ng mapansing babae ito. Akma sana nyang lalapitan ito ng bigla na lang syang hilahin ni Zylven palayo sa lugar na yun. "T - Teka lang Bro, magpapasalamat lang ako dun sa nagligtas satin!" Panay ang piksi ni Blaire, pero hindi talaga sya binitawan ni Zylven. 'Hindi nito maaaring makita ang tunay na anyo ni Star, wala itong gamit na contact lenses kaya hindi maaari.' Kinaladkad na nya ito hanggang 2nd Floor. Dipa sila tuluyang nakakaakyat pinaulanan na sila ng bala kaya pareho silang napauklo sa hagdan para di tamaan. "Aeris, ilan ang kalaban sa 2nd floor?" Agad na tanong ni Zylven habang hinuhugot ang dalawang katana na nakatali sa likod nito. "Limampu lahat, pero dyan sa pwesto nyu, kense lang ang nakaabang sa pag akyat nyu." Imporma ni Aeris sa kanila. "Thanks Bro, " Pagkasabi nun ni Zylven kaagad syang gumapang ng ilang baytang pa sa hagdan at ng marating ang 2nd floor gumulong sya habang mahigpit na hawak ang katana. Ng maabot nyang gitnang bahagi ng ikalawang palapag, kaagad syang tumayo at ginawa nyang pananggalang ang sandata para makalapit pa lalo sa kanilang kalaban, panay ang wasiwas nya sa kanyang katana ganun din si Blaire na di alintana ang dumudugong balikat. Hindi sila tumigil hanggat may nakatayo pa sa kanilang mga kalaban. Ng ang lahat ay nakahandusay na sa lapag tinakbo nila ang pinanggagalingan ng ingay. "Zylven, ang sugat mo! Sigirado bumukang tahi mo, dito kana lang ako ng bahala. Baka maubusan ka ng dugo Bro." Nag aalalang pigil ni Blaire sa kaibigan. "Kaya ko pa, kaya halika na dali!" Tinakbo nito ang nagkukumpulang mga armadong lalaki. Tila wala na sa sarili si Zylven habang sinasagupa ang mahigit tatlumpong kalaban. "Zylven!" Natataranta namang sinundan ni Blaire ang kaibigan. Nahindik sya ng makita itong buwis buhay na nakikipaglaban. Nakatayo lang ito sa gitna habang walang tigil sa pagwasiwas ng katana, hindi nito masyadong ginagalaw ang katawan, tanging paa at kamay lang nito ang ginagamit. At sa kinatatayuan nito ay umaagos ang dugo mula sa sugat nito. Patakbong sinaklolohan na ito ni Blaire. Sinisigurado nyang sa bawat kalabang tamaan nya ay tigok na ito para dina makabangon pa. "Blaire, go! Hanapin mo si Tamara ako ng bahala dito." Hinihingal na sabi ni Zylven sa kaibigan. "Hindi kita iiwang mag isa dito. Tatapusin natin itong magkasama." Tuloy lang ang pakikipaglaban ng dalawa hanggang sa mga lima na lang ang natitirang kalaban. Akmang susugurin na sana ito ni Blaire ng sabay sabay na bumagsak sa sahig ang mga kalaban nila puro may tama ng pana sa ulo. "Zylven!" Di napigilan ni Star ang sarili ng makitang kalunos lunos na kalagayan ng pinsan. Nabuwal na lang ito bigla, buti maagap na nahawakan ito ni Blaire kaya hindi ito tuluyang bumagsak sa sahig. Kaagad nya itong nilapitan saka inalalayang makahiga sa lapag na ang kalahating katawan nito ay yakap yakap nya. Kaagad nyang sinuri ang katawan nito at ng makita ang bumukang sugat sa tagiliran nito, natutop nyang bibig. "S - Star, please find Princess Tamara!" Huling nasabi ni Zylven bago ito nawalan ng malay. "Star! Ikaw ba yan? Panun -" nanlalaki ang mga mata ni Blaire, di sya makapaniwalang si Star ang kaharap nya. "Blaire, pakiusap, dalhin mo sa hospital si Zylven ako ng maghahanap kay Princess Tamara." Matapos sabihin yun ni Star kaagad itong mabilis na umalis. Tila umiiwas ito sa kanya na kahit man lang ang tingnan sya ay hindi nito magawa. Naiiling na agad nyang dinaluhan ang walang malay na si Zylven. "Brent, pwede bang pumunta ka ngayon din sa Van, si Zylven unconscious!" Kausap nya sa ear piece. "Ok. Copy that. OTW na'ko." Hinihingal na sagot ni Brent sa kanya. "Anong OTW?" si Prince na halata sa boses ang pagtataka. "OTW means On The Way! tangnang 'to, ke tanda tanda na yun lang dipa na gets hahaha." si Gaelan na kahit hinihingal natawa ng marinig ang boses ni Prince. "Eh sa hindi ko alam eh, gagong 'to pagtawanan bang kainosentihan ko." Depensa ni Prince. "Inosente? San banda Prince? Hahaha." Sabay pang sabi ni Pyre at Griffin. "Men, nahanap nyo na bang Vernon?" Sabat ni Keros sa asaran ng mga kaibigan. "Yeah! He's dead already." Seryosong boses ni Prick, may narinig pa silang pagsabog sa background nito. "How about the Princess? Hindi ko sya mahanap." May pagtatakang sabi ni Keros. "Kami din di namin mahanap, hinanap na namin dito sa 3rd floor wala kaming makita ni Mark." Sabi naman ni Prince. "f**k! San napunta yun?" Tila namomroblemang sabi ni Keros. "Agents, wag nyu ng alalahanin si Princess Tamara, nakaalis na sila ng pinsan ni Blaire, kaya tara ng umalis, si Prick ng bahala sa disposal ng Villa." Ani Aeris na nagrerelax na lang habang sinusundan ng tingin ang dalawang babae na pakasakay na ngayon sa isang helicopter. "Kengina naman Aeris, sana kanina mo pa kami ininform. eh di sana nakaalis na kami ditong hayop ka." Naiinis na singhal ni Griffin sa tracker nila. "Wala namang nagtanong sa inyo eh! hahaha." Bigla silang nakarinig ng sabay sabay na pagsabog kasabay nun ang pagyanig ng paligid. "f**k! Prick wait! Dipa nga kami nakakalabas ng Villa nagpapasabog kana." Reklamo ni Eruto. Narinig pa ni Aeris ang pagmumura ng mga kaibigan habang natatarantang nagtatakbuhan lahat palabas ng Villa. "Sorry guys, my wife called. I need to go home asap, so hurry up before all the places explode." Kasunod nun ang malakas na pagsabog ulit. Kitang kita ni Aeris ang mga kaibigang kumakaripas ng takbo palabas ng gate ng Villa Silva, humahangos lahat habang minumura si Prick na pinaka huling nakalabas ng gate. "Hahaha masaya bang pa party ni Prick sa inyo?" Nang aasar nyang bungad na tanong sa mga kaibigang napaupo na lang sa semento habang habol habol ang paghinga. "Pakshet, napaka pangit ng exit natin sa Villa na yan." Naiinis na reklamo ni Prince habang ginugulong dating magulo ng buhok. "Bakit ganyan kana ngayon Prick? dika na cool gaya ng dati." Nakasimangot namang sabi ni Pyre habang pinapagpagan ang pantalong puno ng buhangin. "Kayo naman nagtanong pa talaga! Syempre kabilang na si Prick sa Understanding status kaya unawain nyo na lang hahaha." Sabat ni Aeris na tuwang tuwa sa nakikitang hitsura ng mga kaibigan. "Kumusta na si Sylven?" Tanong ni Keros na unang pumasok ng Van. "Nalapatan na ng first aid ni Brent, sa ngayon patungo na silang Hospital kasama si Blaire, para magamot na rin ang sugat sa balikat nito." Balita ni Aeris na umayos ng upo sa loob ng Van. "Mga bugok, magsisakay na kayong lahat. Bilisan nyo na baka maabutan pa tayo dito ng mga pulis, mahirap na't secret mission pa naman ito, kapag tayo natiklo dito hindi tayo sasagipin ng Hainsha, alam nyu yan kaya galaw galaw naaaa. " Sigaw ni Griffin na syang nakaupo sa manibela. Nag uunahan namang sumakay ang mga ito sa dalawang itim na Van. Pagkatapos nun mabilis namang pinaharorot nila Griffin at Eruto ang mga sasakyang minamaneho nila paalis sa lugar na yun. ? MahilaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD