After that incident with my BFF Yeoj at Rhea, tuluyan na ngang naghiwalay ‘yong dalawa. Kaya naman ang kumag kong BFF, ayun bigo-biguan ang drama. Hinayaan ko na lang muna siya, lilipas din naman iyon. Mukha naman talagang hindi siya affected, nagfi-feeling lang. Ang sarap batukan lang eh para matauhan na. Oh, well, siya iyan eh. “Oh, MJ, nagmamadali ka yata?” tanong ni Ayen nang makasalubong niya ako sa locker. Out ko na kasi at siya naman ay mid-shift. “Oo friend, may date kasi ako today. Sige na friend babush!” Nag-flying kiss pa ako sa kaniya, saka nagmamadali ng lumabas ng shop. Magkikita kami ngayon ni Darryl, kaya naman excited akong lumarga kahit maaga pa naman para sa date namin. Sino si Darryl? Oh, well, siya lang naman ang bagong boylet ko! I’ve met Darryl a month ago sa birt