Isang lingo ang matuling lumipas at wala pa ring paramdam si Darryl. Ang inaasahan kong pagsundo niya sa akin kinabukasan matapos ko siyang makitang may kasamang iba ay hindi nangyari. Nagme-message ako sa kaniya araw-araw, pero walang reply. I tried calling him, but his phone is either unattended, or out of coverage area. Sanay naman na akong laging nakakarinig ng ‘It’s not you, it’s me’ lines. Pero sana sabihin na lang niya kaagad sa akin, hindi iyong basta na lang niya akong iiwan sa ere. Basta na lang siyang nag-disappear. After ko silang makita noong babae sa restaurant, wala na akong narinig mula sa kaniya. “Best, nasaan ka?” tinawagan ko si Yeoj para sana may makausap ako. Pakiramdam ko kasi kailangan ko ng masasabihan ng nararamdaman ko ngayon. Narinig kong maingay ang backgro