Kagaya nang napag-usapan namin ni Yeoj, binigyan nga niya ako ng makaka-date. Si Miguel, engineer din kagaya niya. Well, physical appearance, check! Attitude, pak! Relationship status, single. Check! Isa lang ang problema, ayaw sa commitment. Kaya after two weeks of dating, narinig ko na naman ang famous line na— ‘it’s not you, it’s me!’ Nasundan pa ang mga dates na ibinigay sa akin ng BFF ko. Kahit nasa Singapore na ito, palagi pa rin niya akong binibigyan ng mga makaka-date. Ang kaso, puro palpak naman! Saka palagi ko na lang naririnig ang nakakarinding line na— ‘It’s not you, it’s me’ sa kanila. Wala na bang magsasabi sa akin ng— ‘you complete me’. O kaya naman ay— ‘you’re the one’. Wala ba, ha? Wala bang gano’n? Gusto ko ng makakausap. Feeling ko kasi mababaliw na talaga ako. Mabuti