Mabilis lumipas ang mga araw, mga lingo, at mga buwan. Akalain niyo iyon, seven months na pala si Yeoj sa Singapore? Palagi pa rin naman kaming nagkukumustahang mag-BFF. Three months from now ay uuwi na rin siya. Malapit-lapit na rin kasi matapos iyong project nila roon. Na-e-excite na nga akong makita siyang muli eh. Sa totoo lang miss na miss ko na siya. Lalo akong na-excite nang sabihin niyang may sasabihin siya sa akin pag-uwi niya. Ano kaya iyon? Shocks na-e-excite talaga ako. FLASHBACK Kausap ko ngayon si Yeoj habang nagluluto ako nang hapunan namin nila Ate. Pang-umaga kasi ako ngayon kaya naman maaga akong nakauwi ng bahay. Dahil wala pa sila Ate nang dumating ako sa amin, ako na ang magluluto ng aming hapunan. “Best, kumusta ka na?” nakangiting tanong niya sa akin, habang nak