Prologue

2921 Words
"El, come on! Let's play." Hinagis niya bigla sa akin ang bola ng basketball. Kamuntikan ko pang hindi masalo dahil masyadong malaki ang bola para sa kamay ko. It was another day for the both of us at the basketball court in our subdivision’s park. The sun was high up in the sky, but fortunately, there were also a lot of trees absorbing the heat and blocking direct sunlight. Despite having the weather cool enough, I still didn’t want to move around much. "Can I just stand here and watch you play?" reklamo ko at hinagis pabalik sa kanya 'yong bola na walang hirap niyang nasalo. Umiling siya at mapaglarong ngumiti. "Of course, not," sagot niya saka lumapit sa akin. "You promised na sasamahan mo kong maglaro." "Sasamahan," I echoed the keyword while sitting on one of the benches. "I'll just go with you, not play with you. Magkaiba ‘yon.” Napabuntong hininga siya at tumabi sa akin. "El, ganoon na rin 'yon." "Shouldn't you be studying, right now?" tanong ko na lang upang maiba ang topic. "Sa Monday na ang second quarterly exams. I thought babawi ka kay tita." Napanguso siya habang pinapaikot sa kamay ang bola. "Saturday pa lang naman, e.” Inilapag sa gilid niya ang bola matapos paglaruan. "And besides, I need to have fun first bago ako magpakabore sa pagrereview kaya maglalaro muna tayo, okay?" The way he looked at me with his eyes pleading for understanding and pity, my heart voluntarily raised the white flag for me. Pumikit ako nang mariin at wala na akong nagawa kung hindi ang tumango. "Yes!" masaya niyang sabi at saka hinatak ako patayo, papunta sa gitna ng court. Tinuruan niya akong magdribble ng bola, magpasa at kung paano magshoot. Simula noong nagkamuwang na ako ay laging siya na ang kasama ko. We were neighbors and our parents have a strong bond of friendship. We also had the same birthday so we always celebrated it together with our family. Two months ago, we celebrated our 7th birthday with a fairytale or fantasy theme. It was somehow a grand birthday. Dapat daw kasi ay talagang pinaghahandaan ang 7th birthday. "Naiintindihan mo na ba?" tanong ko sa kanya habang nakanguso siya at nakatitig lang sa ginagawa ko. We just finished playing basketball, so it was time for us to review for our exams. Hirap siya sa Mathematics kaya ayon ang itinuturo ko sa kanya. "I think I know how to do it now,” he quietly said and stole the problem sheet from me to try and answer some problem equations. Magaling naman siya sa mga memorization kaya alam kong kaya na niya 'yong mga ibang pag-aaralan. Sa Math lang naman siya sumasablay kaya hindi siya na-honor sa klase or talagang tamad lang siyang mag-aral. “Tapos na,” mahinang anunsyo niya matapos sumagot. Tiningnan ko agad iyon at sinolve ko sa sarili ko upang makita ko kung tama ang mga sagot niya. I even did the same equations twice just to make sure. Hindi ko napigilan ang mapangiti nang makitang wala siyang mali. "Wow! Tama ka sa lahat—" Napatigil ako sa pagsasalita nang makita kong namumungay ang kanyang mga mata at tila parang wala na siya sa pokus. Kasabay noon ay ang pagbukas ng pinto ng kanyang kuwarto at pagpasok si tita. Nakangiti siya at mayroong dala-dalang dalawang slice ng chocolate cake at juice. "Tita, I think Isaac's sick po,” nag-aalalang sabi ko kay tita. Agad napawi ang ngiti niya. Inilapag ang hawak na tray at saka lumapit sa amin. Pinakiramdaman niya ang temperatura ni Isaac gamit ang likod ng kanyang palad. "Mainit nga siya," puna ni tita. "Lorraine, can you get me some meds? Nasa kusina. Paakyat ka na rin ng soup. Painit mo ‘yong crab and corn soup. Pakisabi na lang kay Manang Perla bilisan kamo," nag-aalalang sabi ni tita sa akin saka humarap kay Isaac. "What are you feeling, Isaac?" Mabilis akong bumaba papuntang kusina upang sundin ang utos ni tita. Agad kong nakita si Manang Perla roon na naghahanda ng dinner. "Manang, painit daw po ‘yong soup para kay Isaac. May lagnat po kasi siya, e," magalang sabi ko sa kanya. "Oh sige," sabi niya habang nagsisimula ng kumilos. "Iaakyat ko na lang." Tumango na lang ako at hinila ang upuan upang maabot ko ang kabinet kung saan nakalagay ang mga gamot. Kinuha ko ang nakakahon pang paracetamol syrup saka mabilis na bumaba sa upuan, kumuha ng kutsara at patakbong umakyat pabalik sa kuwarto. Naabutan kong nakahiga na sa kama si Isaac at nakabalot ng comforter. Hindi na rin gaanong kalamig ang kuwarto. "Tita, ito na po." Sabay abot ko kay tita ng gamot. Ngumiti naman siya sa akin. "Thank you, Lorraine," sabi niya. "Kumain ka muna roon ng cake. Sayang naman kasi. I know chocolate cake is your favorite. Sabi sa akin ni Isaac na 'yan daw ang bilhin ko dahil favorite mo." Tumango ako. "Sige po, tita." Mabilis akong umupo sa bean bag upang kainin ang cake na dala niya. Ilang sandali lang din ang nakalipas nang pumasok na si Manang Perla sa kuwarto. Malapit ko na ring maubos ang cake. Ngumuso ako at nalipat ang tingin sa cake ni Isaac. Nasayangan ako kaya pasimple ko rin iyong kinain. "Thanks, manang," nakangiting sabi ni tita kay Manang Perla na agad din namang lumabas ng kuwarto. May kinuha si tita sa pinakaibabang drawer sa side cabinet ni Isaac. She got a cooling gel patch and carefully placed it on her son’s forehead. "Isaac, eat first. Kahit limang subo lang," malambing na sabi ni Tita at inalalayan paupo si Isaac na sumandal sa headboard. Nagsimula nang kumain si Isaac at nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa akin. Mayroon siyang suot na tipid na ngiti. Ngumiti rin ako pabalik sa kanya. I felt slightly guilty for eating his cake so I put the fork down and sat straight like a very good girl. "Mom, can you walk El home later?" pakiusap niya kay tita. Tita nodded her head and smiled. "Yes, I will. Don’t worry about that." El ang tawag sa akin ni Isaac dahil Lorraine ang pangalan ko. El as in letter L. Tinatamad daw bigkasin ang aking buong pangalan kaya El lang ang tawag niya sa akin. "Mom, I can't sleep," nahihirapang sabi ni Isaac at pabaling-baling na siya sa kanyang kama na parang hindi niya alam kung papaanong puwesto ang kanyang gagawin. "Mommy..." Huminga naman ng malalim si tita at marahang sinuklay ang buhok ni Isaac gamit ang kanyang mga daliri. "Shh... Close your eyes..." mahinahong sabi ni Tita na agad sinunod ni Isaac. "Lullaby... And goodnight... In the skies stars are bright..."  Tita continuously combed Isaac’s hair while she sang a lullaby. Once he fell asleep, tita decided to take me home just like what Isaac asked her to. Malapit lang ang bahay namin sa kanila kaya naglakad na lamang kaming dalawa. "Tita, ano po 'yong kinanta ninyo kanina para makatulog si Isaac?" tanong ko kay tita nang malapit na kami. "Brahms Lullaby by Jewel," she replied with a smile. Tumango-tango ako at humalik sa pisngi ni tita bago tuluyang pumasok ng bahay. Dire-diretso akong naglakad papunta sa kusina kung saang nagluluto na si mommy ng dinner. "Hi, 'mmy." Niyakap ko galing sa likod si mommy. Yumuko siya bahagya upang mahalikan ko rin ang kanyang pisngi bilang bati bago ako tuluyang hinarap. "Tumawag ang daddy mo kanina pero sinabi ko sa kanyang nakila-Isaac ka pa kaya bukas na lang daw siya tatawag ng umaga," sabi niya sa akin. “Maglinis ka muna ng katawan sa kuwarto mo at magbihis. Pagkatapos ay bumaba at magdi-dinner na tayo, okay?” "Okay po.” Nakangiti kong sabi at tumango bago nagmadali paakyat sa kuwarto. I felt excited with the thought of talking to my father. Nasa Canada kasi si daddy. Doon siya nagtatrabaho kaya once a year lang siyang nakakauwi. Si mommy naman ay isang propesor sa UP Mindanao. Minsan si daddy ang umuuwi tuwing summer pero madalas ay kami ang bumibisita ni mommy sa Canada para bakasyon ko na rin. Kaya naman pagkatapos kong maligo at kumain ay agad akong natulog upang mag-umaga na agad.  "Bye, daddy. I love you.” Nagpatunog ako ng isang halik at ngiting-ngiting kumaway sa kanya. “Aalis na po ako!” “I love you, my dear princess. Mag-iingat ka, ah,” paalala niya sa akin. Tumango ako bago muling ibinalik kay mommy ang cellphone. Bago sila muling mag-usap ni daddy ay nagpaalam ako sa kanyang aalis na ako papunta kina Isaac. Nagchat siya sa akin sa f******k na okay na raw siya at wala ng lagnat. Nagpapaturo na siya ulit para sa exams namin. As always, I willingly agreed and told him I would come to their house right after eating breakfast and speaking with my father. "Good morning!" bati ko kay Isaac nang makapasok ako sa kanyang kuwarto. Dire-diretso akong lumapit sa kanya at tiningnan kung mainit pa siya. "Okay na ko, El,” sabi niya at kinuha ang kamay kong nakahawak sa kanyang noo upang tanggalin ‘yon. “You don’t have to worry anymore.” Napanguso ako saka binawi ang aking kamay. Nagsimula na rin kaming dalawa sa pag-aaral. Kinabukasan ay sabay rin kaming pumasok sa school at pati na rin pauwi. We would study for the next exam in his house or mine before we ended the day. Ganoon ang routine naming dalawa kapag exam week. "Yes! Tapos na ang exams," masayang sabi niya nang nasa kotse na kami pauwi. Umirap na lang ako at hindi na nagsalita nang magsalita si tita na nagda-drive. Siya kasi ang laging sumusundo sa amin tuwing sumasabay ako pauwi dahil busy si mommy. "Saan ninyo gustong kumain?" biglang tanong ni tita sa amin ni Isaac. "Alam kong kailangan nang mamahinga ng mga utak ninyo kaya kakain tayo kung saan ninyo gusto." Bigla namang dumungaw si Isaac sa harapan. "Dairy Queen, mom!" agad na sagot ni Isaac. "El wants some ice cream or an ice cream cake. Natapon ko po kasi 'yong ice cream niya kaninang recess kaya badtrip siya." "Oh, did you say sorry na ba to El?" tanong ni tita sabay sulyap sa akin gamit ang rear view mirror. "Yes, 'mmy, but she's still in a bad mood kaya po Dairy Queen na po tayo," pilit ni Isaac. "Okay. Then, off to the mall we go," agad na pagpayag ni tita sa kagustuhan ng anak. Hindi naging matagal ang biyahe papuntang mall. Pagkarating doon ay agad kaming nagtungo sa isang shop ng Dairy Queen. Tita ordered two Oreo blizzards for me and Isaac which was our go-to ice cream flavor on the menu. "Sorry na kasi, El…” Medyo nakanguso si Isaac at saka inabot sa akin ang ice cream. “Ito na ang ice cream mo, oh. Mas mahal pa ‘to kaysa roon sa dirty ice cream.” Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi. An apology should be enough but the latter words threw me off. "Mukhang hindi pa ata marunong magsuyo ng babae ang anak ko, ah," nangingiting komento ni tita. "Mommy, I can do this," sabi naman ni Isaac bago muling tumingin sa akin nang nakangiti. "I'm really sorry, El. Hindi ko naman talaga sinasadyang masagi 'yong ice cream mo, e. Please friends na ulit tayo. Huwag ka nang magalit.” Marahan naman akong napatawa nang magbeautiful eyes pa siya. "Okay na nga!” sabi ko dahil hindi ko rin naman kayang magalit nang matagal sa kanya. “ Akin na ‘yong ice cream ko.” "Yay! Bati na kami!" masaya niyang sabi at pinisil ang pisngi ko bago inabot ang ice cream sa akin. Napangiti na lang ako, ngunit nang napansin kong kinukuhanan kami ng picture ni tita ay medyo nahiya ako. "Bagay pala kayong dalawa,” natatawang sabi ni tita na mas lalo kong ikinahiya. Hindi na lang ako nagsalita habang si Isaac ay umakbay pa sa akin. "Of course! We're best friends, 'mmy." "Then you two should always take care of each other," payo ni tita sa amin bago idiniretso ang tingin sa anak. "Lalo ka na, Isaac. Ikaw ang lalaki kaya lagi mong aalagaan si Lorraine." "I will, 'mmy. You don't have to tell me that," sabi na lang ni Isaac at tinanggal na ang nakaakbay na braso sa akin. Pagkauwi namin ay agad naman siyang nagchat sa akin. We just talked about random and trivial things. Hanggang sa makatulog ako ay magkausap lamang kaming dalawa na para bang hindi na kami makakapag-usap pang muli. At first, I thought we wouldn’t really click together as friends. I never thought that my best friend would be a guy. Our character and personality were also on a different wavelength. He was a very active boy while I prefer lounging at home while reading fairy tales or watching Disney movies and series. But in the end, despite the differences, we found comfort in each other. "Yes! Ang taas ng grades ko!" sobrang tuwang sabi ni Isaac habang tinitingnan ang second quarterly card niya. Hindi ko na alam kung gaanong katagal na siyang nakatitig sa card niya. He was so proud of himself that he wanted to show his grades to his parents, especially his mother.  Nanlaki ang aking mga mata nang bigla niya akong yakapin. "Thank you, El," sabi niya. "If you didn't help me study, I won’t get this. Thank you." Nang humupa ang gulat ay napangiti na rin ako saka yumakap pabalik sa kanya. It felt great that I helped him achieve those grades but I actually didn’t really want to take the credit. Sa totoo lang ay matalino naman siya. However, he just lacked the motivation and he was also lazy when it came to studying. Kaya nga natuwa ako kapag nakikinig siya sa mga itinuturo ko sa kanya. While in the midst of hugging each other, we pulled away at the same time when we heard a honk. Sabay kaming napalingon ni Isaac sa sasakyan na nakatigil sa aming harapan. I thought it was his mother, but then I was surprised and confused when I saw his father instead, coming out of the car and crying for a reason I still had no idea about. Wala niyang salita kaming pinasakay sa sasakyan. As soon as we were all settled inside, he quickly stepped on the gas. Sa bilis ng takbo ng kanyang sasakyan ay hindi ko maiwasan ang balutin ng matinding kaba. "Daddy, what happened? Why are you crying?" nag-aalalang tanong ni Isaac ngunit hindi sumagot si tito at nagpatuloy lamang sa pagluha habang nagmamaneho. To be honest, I was scared for our safety. I doubted if we could manage to arrive at our destination while his emotions were out of control. But the moment we arrived at the hospital, walking straight to the operating room, my knees turned jelly. Mga ilang minuto rin akong nakatitig lamang sa ilaw sa taas ng pintuan na nakapula. Naagaw nga lang ni Isaac ang aking atensyon nang hindi niya pa rin makuha ang sagot mula sa kanyang ama. "Daddy..." Inalog-alog ni Isaac ang braso ni tito at umiiyak na rin siya. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko siya kayang makitang nagkaganyan. I didn’t know what to do so I just remained sitting beside him until a doctor suddenly came out of the operating room. Tumingin akong muli sa ilaw at nakita iyong kulay berde na. "Relative of Mrs. Horan?" tanong ng doctor kay tito matapos nitong tanggalin ang suot na surgical mask. Tumakbo palapit sa kanya si Isaac at gaanoon na rin si tito. "I-I'm her husband, doc.” Suminghap naman ang doctor at napailing. "I'm sorry to say this. We tried our best to save her but... she didn't make it.” My lips parted the moment I heard those words. Hindi ko na rin naintindihan pa ang ipinaliwanag ng doktor kay tito. Everything after that seemed muffled to my ears. The only sound I could hear was the sound of my heart breaking and Isaac’s cry. Unti-unti ko siyang nilingon at nakita kong tulala lamang siya. I thought he would bawl out, but he was just staring blankly on the tiles while tears were continuously streaming down his cheeks. I opened my mouth to speak and try to comfort him but I knew no words could shield him from the pain at that moment. With my lips parted, I carefully walked towards him. “Isaac…” I called out his name under my breath. He slowly lifted his head to look at me. "Lorraine..." The way my first name came out from his mouth with so much pain squeezed my heart tight. For the first time since he came up with a nickname for me, he spoke my name again. Kinagat ko ang aking ibabang labi bago yumakap sa kanya. Naramdaman ko ang pagbagsak ng kanyang mukha sa aking balikat. And just like that, he started weeping so loud that the only thing I could do was to hug him tighter and promise myself at that exact time that I’d always be there for him. I'll take care of him. Hinding-hindi ko siya iiwan. I'll fill-up the hole in his heart. I'll do anything just to make him happy—even if it takes everything I have. I'll be right here. Just beside him. Always.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD