Chapter 1

2161 Words
Baby Sitting "Congrats, El!" masayang bati sakin ni Isaac at ginulo ang aking buhok. "Ang pangit mo pa rin." "Congrats din sa ‘yo pero mas pangit ka." I stuck my tongue out at him and hugged my diploma close to my chest. We finally graduated from secondary education after the stressful but memorable and fun years in high school. It was a long and hard journey, but I learned a lot from all the experiences which made me grow as a person, preparing me for the next phase in life. Staring at Isaac with a huge smile on his face, I couldn’t help but mirror that handsome and proud smile of his. Sa aming dalawa, siya ang mayroong pinakamahirap na pinagdaanan. I could still remember how miserable he was almost ten years ago. It wasn’t easy for him to get back up on his feet after that tragedy which scarred not only his and his father’s heart, but also mine. "Babe!" Agad namang nagbago ang expression ng mukha ni Isaac. "s**t,” he cursed before he forced himself to turn to his girlfriend at that time—Koleen. "Congratulations, babe!" Walang pasabi siyang hinalikan sa pisngi ni Koleen pagkatapos bumati. I rolled my eyes because of their shameless public display of affection. Hindi ba siya nahihiya sa mga taong nasa paligid namin? Nandito pa ang mga magulang namin! "Is she Isaac's new girlfriend?" bulong na tanong sa akin ni Tito Isaak, ang daddy ni Isaac. I could still remember when they were first introduced to me. It was hard to differentiate their names. Isang letra lamang ang naiiba sa kanilang buong pangalan. Tito’s name is Isaak Kole, while Isaac’s name is Isaac Cole. Kaya madalas ay tito na lang ang tawag ko na lang sa kanya dahil naiilang akong banggitin ang kanyang pangalan. "Uh, hindi ko po sure, tito…” nag-aalangan kong sagot lalo na nang hinila palayo ni Isaac si Koleen upang mapag-isa silang dalawa. "That boy..." Umiling-iling na lang si tito ngunit may ngisi sa kanyang labi. Napanguso na lamang ako at hindi nag-iwas na ng tingin sa dalawa na mukhang hindi na maganda ang pinag-uusapan. Ilalagay ko na sana ang earphones sa tainga ko nang pigilan ako ni Isaac. Iritado akong lumingon sa kanya at naabutan ko siyang nakanguso sa akin. Kahit na ayaw kong sumama ang loob sa kanya ay hindi ko mapigilan ang sarili. I lost count on how many times he pestered me. Even when we were already inside the plane on the way to Manil, he still kept going. Ilang beses na akong nakakapunta sa Manila dahil tuwing uuwi si daddy ay nag-i-stay kami roon ng isa o dalawang araw bago umuwi sa Davao. Samantalang si Isaac ay unang beses pa lang makakapunta ng Maynila bilang bakasyon bago tumuntong ng kolehiyo. "Please, El... Just this once..." he pleaded, sounding like he really meant it. "Isaac, God knows na hindi mo lang ako ngayon kinulit sa ganyan," sabi ko sabay irap sa kanya. "Last na 'to!" sabi niya na lang. "I promise you na last na 'to. Hindi na ako manghihingi ulit sa ‘yo ng number ng mga babae." Napabuntong hininga naman ako habang tinitingnan ko ang mukha niyang nagmamakaawa sa akin. I hate it whenever he makes that face. It reminds me of him from that day at the hospital. Kaya naman alam kong talo na agad ako. Hinding-hindi ko siya matitiis. "Okay..." sabi ko na lang at padabog na ibinigay sa kanya ang cellphone ko na agad niya namang nasalo. "Hanapin mo na lang sa contacts ko.” It had not been three months yet since he broke up with his last girlfriend during our high school graduation. Even though I already asked him and got the answer I needed, I still couldn’t wrap my head around it. His reason was so absurd. He kept jumping from girl to another girl because he wanted to find someone who resembles his mother. Parang ang lumalabas tuloy ay isang nanay ang hinahanap niya at hindi girlfriend. Although I knew I wasn’t in the right place to judge his decisions, since I couldn’t get to the bottom of where he was coming from, alam ko ring hindi ko siya dapat kunsintihin. Whether he did it on purpose or not, because of his outrageous ways, he always ended up hurting those innocent women who really liked him. Sa inis ay itinikom ko ang aking mga labi at tumingin na lamang sa labas ng bintana. Agad namang nawala ang pagkunot ng aking noo nang masilayan ang ganda ng langit kapag kapantay iyon ng aking mga mata. I always love riding airplanes. Pakiramdam ko ay lumilipad ako tuwing sumasakay ng eroplano. Ang ikinakatakot ko nga lang tuwing nakasakay ay baka mahulog na lang ito bigla at mamatay ako ng wala sa oras. Sa gitna ng katahimikan ay narinig ko ang paghinga nang malalim ni Isaac. Kasunod noon ay ang paglapag ng aking cellphone sa aking hita na dahilan kung bakit ako muling napalingon sa kanya. “Nakuha mo na?" tanong ko sa kanya. Umiling na lang siya at sumandal nang maayos sa upuan. "Ayaw mo naman kaya hindi na kita pipilitin," sabi niya bigla. "Ayaw kong magalit ka sa akin. Sa ‘yo na 'yang number niya. Wala na akong pakialam diyan." Bahagya naman akong napangiti sa kanyang sinabi. Hindi ko na alam kung ano ang sumapi sa akin. Kahit na ayaw ko naman talaga ay mabilis kong inagaw ang cellphone niya. Napatigil ako sandali at mas lalong napangiti nang makita ko ang kanyang lockscreen at ganoon na rin nang binuksan ko ito at nakita ang homescreen. His lockscreen and homescreen were both our pictures together. Sa lockscreen ay 'yong picture namin noong graduation na naka-jumpshot kaming dalawa habang ang homescreen naman ay 'yong pinicture-an kami ng tita niyang photographer ng isang candid shot. Mas lalo lamang akong ginanahan na ibigay sa kanya ang numerong kanina pang hinihingi. Mabilis kong kinopya ang number ni Thel sa aking contacts at isinave sa kanyang cellphone. "Ayan na," sabi ko sabay balik ng cellphone niya. "Tampo ka pa, e." Napangisi ako at saka pinisil ang tungki ng kanyang ilong. Napangiti siya sa akin at mabilis akong hinalikan sa pisngi. Bahagya akong nanigas sa aking kinauupuan. I always get taken aback everytime he would do that. Kahit na alam kong kaswal lamang iyon para sa kanya ay hindi ko maiwasan ang pansinin ang pagwawala ng aking puso. He chuckled and pinched my cheeks lightly when I blushed. "Ang cute-cute mo talaga kapag nagba-blush ka." Humampas ang aking puso nang sobrang lakas sa aking dibdib. Upang hindi mahalata ni Isaac ang aking kaba ay kinunot ko ang aking noo. "Hindi ako cute, maganda ako,” walang hiya kong sabi at saka umirap sa kanya. Agad naman siyang natawa na ikinahiya ko. Napalingon sa amin ang mga ibang pasahero ng eroplano dahil sa malakas niyang pagtawa. Sa sobrang hiyang nararamdaman, kung puwede lang ako tumalon sa eroplano nang hindi mamamatay ay agad kong gagawin. But since it wasn’t possible, I should just embrace the embarrassment and hope that these people wouldn’t recognize us. "Ang ingay mo!" mahina ngunit mariin kong pagbulong sa kanya. "Wala tayo sa jeep, tricycle o sa kotse para tumawa ka nang malakas. Nasa eroplano tayo. Nakakahiya ka." "Nakakatawa ka kasi," pagdadahilan niya at medyo hininaan ang pagtawa. "Maganda my ass. Saang banda? Mas maganda pa sa ‘yo si Thel, e." Hindi ko alam pero kaysa simpleng inis ang maramdaman ay nahaluan pa ‘yon ng kaunting kirot sa puso. I didn’t know if I was just an emotional person, or because I was on period, I took his words seriously and felt insecure. Am I not beautiful to him? Sabi sa akin ng mga kaklase ko ay maganda ako. It was the main reason why I was chosen as the Prom Queen during JS Prom. Madami rin akong manliligaw, pero syempre joke lang ‘yon dahil wala namang nanliligaw sa akin. Pero maganda pa rin ako dahil ayon ang sinasabi nila at nakikita ko rin naman ang sarili sa salamin. Nang hindi ko na malaman ang sasabihin ay itinikom ko na lang ang aking bibig at nag-iwas ng tingin. I felt hurt, offended and insecure because of Thel. Naiinis ako dahil hindi naman dapat ganoon ang nararamdaman ko. Dapat ay nainis na lang ako upang inisin din siya pabalik. "Hey..." Bahagya niya akong siniko, ngunit hindi ko siya sinagot. Ipinikit ko ang aking mga mata pero hindi siya tumigil doon. "El..." tawag niyang muli sa akin. Mas ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata. Kunwari ay wala akong nadidinig. "Lorraine Quinelle.,." tawag niya sa totoong pangalan ko at alam kong seryoso na siya nang dahil doon. "Are you mad?" Bahagya ko siyang nilingon. Tipid na lamang akong umiling upang matigil na siya saka muling umiwas ng tingin. "I'm sorry, El…” He apologized and the tone of his voice was enough for me to know that he was sincere. “Mas maganda ka naman talaga kay Thel, e. You know I'm just joking around." Kinagat ko ang aking ibabang labi. Sinubukan kong tiisin si Isaac ng kahit mga tatlong minuto lamang at hindi agad bumigay. "Lorrainey, baby, sorry na po..." He suddenly baby-talked and clung to my arm tightly. "Sorry. Sorry. Sorry." Nilingon ko siyang muli nang nakairap ngunit hindi ko rin napigilan ang sariling mapangiti nang makita ko siyang nakanguso. "Oo na... Okay na. Hindi na ako galit," sabi ko na lamang upang mabawi na ang aking braso. Ngumiti naman siya agad at dinungaw pa ako upang mas lalo ko siyang makita. "Seryoso? Bati na tayo?" paninigurado niya sa akin. "Hindi," masungit kong sagot at muling nag-iwas ng tingin habang pinipigilan ang sarili sa pagtawa. "Ganoon na ba talaga, El?" nagsimula na siyang muli sa pagda-drama. "Itatapon mo lahat ng pinagsamahan natin simula noong naka-diapers pa lang tayo dahil lang sinabi kong mas maganda si Thel sa ‘yo na hindi naman totoo?” dire-diretso niyang sabi. Tumigil lamang siya upang huminga bago nagpatuloy. “Alam mong para sa akin, ikaw lang ang pinakamagandang babae sa buhay ko pero syempre mas una pa rin si mommy pero alam mo naman 'yon, ‘di ba, El? Please forgive me. I don’t want to lose you just because of—" Tinakpan ko na ang kanyang bibig dahil palakas na naman nang palakas ang boses niya. "Okay na, okay?" Ngumiti ako sa kanya. "Hindi na ako galit sa ‘yo. Nanti-trip lang ako." Agad sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Walang salita niya akong binalot ng yakap. Hinayaan ko na lamang ang sarili na yumakap pabalik sa kanya at tapikin nang marahan ang likod. "I thought I'm going to lose you.” he whispered, and I could feel his trauma from losing someone very important to him. As I didn’t want him to dwell into sadness, I playfully smacked his arm and chuckled. "You know you should really stop thinking about those things.” Humiwalay naman siya ng pagkakayakap sa akin. "Bakit?" tanong niya. "Masama ba’ng matakot dahil baka mawala ka sa akin?" inosente niyang tanong. "Ikaw ba? Hindi ka ba takot na mawala ako?" He just casually blurted out those words and questions. I was sure he had no idea that my brain stopped functioning for a fleeting moment, that I wasn’t able to fully process everything in an instant. My heart took over to digest his words which caused me to feel like something’s bubbling up in my stomach. Iyon ang mahirap sa pagiging super close best friends namin ni Isaac. Even though I knew everything about us was just platonic, my heart couldn’t help but get swayed, pushing me closer and closer to a dark, deep pit of my welled up feelings for him. He was always fond of making sweet gestures to me. Tinuturing niya ako na parang ako lang ang babae sa buhay niya. Mahirap pigilan ang sariling mahulog kaya inisip ko na lang na ginagawa niya 'yon dahil ibinilin sa kanya ng kanyang ina na lagi akong aalagaan at dahil na rin sobra kaming malapit sa isa’t isa. Minsan ko nang sinubukang umiwas sa kanya noong mga panahong hirap na hirap ako. However, Isaac wouldn’t let me distance myself. He would bring us even closer than we were before. Mas lalo niya akong trinatong parang prinsesa dahil pakiramdam niya ay nagkulang siya sa akin kaya ako lumayo. Kung alam niya lang siguro ang aking tunay na nararamdaman, siguro ay siya na mismo ang iiwas sa akin. Mas mapapadali ang lahat, ngunit hindi ko magawang umamin sa kanya dahil takot din akong mawala siya. Hindi ko pa kaya. Kailangan ko pa ng oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD