Hindi na ako lumabas ng silid matapos ng pananghaliang iyon. Nagkulong na lamang ako at bumaba lang kinagabihan na nang makaramdam ng uhaw. Hindi pa rin umaakyat si Rossini kasama si Silas sa baba. Patungo na sana akong kusina nang mapahinto ako sa paghakbang sa may baitang nang marinig ko ang masaya nilang tawanan mula sa living area at mukang mga lasing na. Mariin akong napapikit. Lasing na naman si Ross. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang madaanan ko sila dahil bago ang kusina madadaanan muna ang living area. Wala sana akong balak pansinin sila pero napahinto ako nang magsalita si Rossini. "Oh! My wife! Ba't ka bumaba?" tanong niya sa akin. Hindi ako ganap na humaharap sa kanila. "Sinusundo na ata ako ng asawa ko, hindi kasi siya makatulog ng 'di ako k