"Sa tingin mo ba agad akong magtitiwala sa iyo dahil lang sinabi mong gusto mo akong tulungan?" buong tapang kong tanong. Nanatiling ganoon ang ekspresyon niya, nakangisi at sa dami ng laman ng isipan hindi mo basta mababasa. "Kaibigan ka ng asawa ko... pumasok ka rito sa silid namin nang walang abiso at nagawa mo pang haplusin ang mukha ko nang wala man lang pahintulot, tapos aalukin mo ako ng tulong sa ganitong paraan na 'di ko pa alam ang kalapit dahil ayaw mo sabihin?" Pinanlakihan ko siya ng mata para mas ipagdiinan na mali itong ginawa niya. Marami akong katanungan kaya ang tingin ko sa kanya'y nagtatanong din kung ano ba talaga itong gusto niyang mangyari hindi ako naniniwala na wala siyang gusto, pero hindi niya nga rin naman sinabing wala at malinaw na may kapalit ito. Napakam