Chapter Two

1790 Words
NAGUGULUHANG napatitig si Rome sa screen ng cellphone niya nang matapos ang pag-uusap nila ni Kylie. Nagtataka siya kung bakit ganu'n na lang kung magsalita ang dalaga. Ito rin ang unang pagkakataon na tinawaan siya nito. "Sino tumawag? Asawa mo?" Napatingin siya kay Jerusalem na kababalik lang mula sa pakikipagsayaw nito sa dance floor. Binalik na niya ang cellphone mula sa bulsa ng suot niyang slack. "Nope. It was Kylie," sagot niya. "Bakit daw?" Nagkibit siya ng balikat. "Nagagalit siya. Gusto niyang umuwi na ako." "What? Nagagalit siya?" Natawa ito. "Daig niya pa umaktong asawa si Tanya." Umiiling-iling ito. "I told you, bud. She's something." Nagbuntong-hininga siya. "Siguro nga mali ako na hindi ako nagpaalam sa kanya. Baka dahil sa tingin niya sa akin ama niya, kaya siguro siya nagagalit sa'kin." Lalo itong natawa. "Gago! Sino siya para pati sa kanya magpaalam ka? Bud, she's not your real daughter. Tama lang na kay Tanya ka nagpaalam. Sinasabi ko sa'yo, 'yang anak-anakan mo na 'yan ang sisira sa buhay mo." Hindi na siya sumagot pa para hindi na humaba pa ang usapin nila tungkol 'dun. Ayaw din niya na marinig pa ng mga kaibigan nila ang tungkol kay Kylie. Pagtungtong ng alas-dose ay nagpasya na rin siyang umuwi. Pagkarating niya sa mansion nababakas na tulog na ang lahat. Walang ingay siyang pumanhik sa ikalawang palapag at agad na pumasok sa kwarto nilang mag-asawa. Nagpasya muna siyang mag-shower bago nilapitan ang asawang mahimbing ng natutulog. Rome kissed her on her lips at mahina itong umungol. "Hi, hon. I'm home." Saglit na nagmulat ng mata si Tanya. "Welcome home, hon." Muli niya ito g hinalikan sa labi, sa pisngi, sa tungki ng ilong at sa labi ulit hanggang sa bumaba ang halik niya sa leeg nito. Pinaparamdam niya rito na he wanted to make love. Umungol ito. "Masama pakiramdam ko ngayon, hon. Pwede bang sa susunod na lang?" Nahinto ni Rome ang ginagawang paghalik sa asawa at mahinang napabuntong hininga. "Okay," aniya na umalis sa ibabaw ng kama. Kinuha niya ang vape niya sa drawer at humakbang palabas sa balkonahe at doon humipak nang humipak para pakalmahin ang sarili. "Hi." Napatingin siya sa katabing balkonahe kung saan ng kwarto ni Kylie. Nangunot ang noo niya dahil gising pa rin ito. "Kylie, bakit gising ka pa?" tanong niya. "I'm waiting for you," agad nitong sagot. Iniwas niya ang tingin dito nang tumayo ito. Kylie was wearing a nighties. Nasisiguro niyang nababakas ang katawan nito mula sa suot nito. "Matulog ka na. Hindi magandang nagpupuyat ang bata." "I'm turning eighteen." "Still a child." "Why you're so cold to me, Rome?" Wala sa loob na napatingin siya rito nang marinig siya nitong tawagin sa pangalan lang. "It's uncle, Kylie. Asawa ko ang mama mo." "So?" "I think I deserve to be respect as your stepfather." Ngumiti ito. "I respect you, Rome. But I don't see you as my stepfather. Ayoko." Nangunot ang noo niya. "Why? Galit ka ba sa'kin, Kylie? Hindi mo ba ako tanggap para sa mommy mo?" "I'm not mad at you. And to answer to your question...yes, hindi kita tanggap bilang asawa ni mom." "But why?" Muli itong ngumiti. "Malalaman mo rin." Kinindatan siya nito bago ito tuluyang pumasok sa loob ng kwarto nito habang siya naguguluhan sa mga sinabi ng dalaga. "MUKHANG good mood ngayon ang prinsesa ha?" sabi ni Olga na tumabi sa kanya mula sa pagkakaupo. Kasalukuyan silang nasa garden ng campus. Break time kasi kaya pwede silang tumambay. "For your information hindi ako good mood. Badtrip nga ako eh," pagtatama niya. "Bakit naman? Dahil ba sa stepfather mo?" "Who else? Naiinis kasi ako. Hindi niya makita na gusto ko siya." Natawa si Olga na para bang may mali sa sinabi niya. "Anong nakakatawa?" inis niyang tanong. "Gago, stepfather mo 'yun. Meaning asawa ng mommy mo!" "So?" "Kylie, are you out of your mind? Mali na magkagusto ka sa asawa ng mommy mo, parang ama mo na rin siya at dios ko, twenty years ang agwat ng edad ninyong dalawa!" "So? Age does matter." "Kung ipokpok ko kaya sa ulo mo 'yung flagpole nang magising ka sa kahibangan mo? Kylie, gulo 'yang papasukin mo." Kylie rolled her eyes. "Ang OA mo, friend. Wala akong balak na manggulo kila mommy kung 'yan ang iniisip mo. Gusto ko si Rome. Gusto ko lang na gustohin siya. Hindi ba pwede 'yon?" "Hindi!" mabilis na sagot ni Olga. "Edi wow!" "Kylie, kahit saang parte mo tingnan ay maling-mali na gustohin mo ang asawa ng mommy mo! Layuan mo ang stepfather mo kung ayaw mong pagmulan 'yan ng gulo." "Gulo agad? Tulad ng sinabi ko, wala akong balak na manggulo o sirain ang relasyon nilang dalawa. I just like Rome." "Which is mali." "I know, okay? I know! Hindi mo na kailangan pang ipagdikdika. Nakakainis!" Nagbuntong-hininga ito. "I'm your friend, Kylie and I'm concerned with you. Ayoko lang na malagay ka sa sitwasyon na pagsisisihan mo lang sa huli. Sinabi mo sa akin ang halos lahat ng tungkol sa buhay mo, at ayoko lang bumalik ka pa ulit sa buhay na kinaalisan mo na. Maganda na ang buhay na meron ka na ngayon. You have everything and you get everything you wanted. Ano pa ba ang mahihiling mo?" Hindi siya nakasagot sa sinabi nito dahil may tama naman ito. Nanggaling sila mag ina mula sa hirap. Ang buhay nila noon ay isang kahid, isang tuka. Ang bahay nilang pinagtagpi-tagpi, madilim at marumi. Kailangan pa niya noon mamalimos para lang may pantawid sila sa gustom at meron siya baunin sa eskwelahan. Syempre ayaw na niyang balikan pa ang masalimuot nilang buhay noon. "Huwag mo sanang masamain ang mga sinasabi ko sa'yo, Kylie. Ayoko lang ulit malagay ka sa sitwasyon na mahihirapan ka ulit. Just think about it." Tila naman nahimasmasan si Kylie sa mga sinabi ng kaibigan niya. Nagbuntong-hininga siya. "I know. Everything you said is right." Hinawakan nito ang kamay niya. "Gawin mo ang tama, friend, wag ang mali. Kung mapipigilan o maiiwasan mo, iwasan mo na bago ka pa magsisi sa huli." Tipid niya lang itong nginitian bilang sagot. PAGKAUWI niya sa mansion, nasa bungad pa lang siya ng pinto nang marinig niya ang pag-uusap ng mommy niya at ni Rome mula sa library room. Kunot ang noong humakbang siya palapit sa nakabukas na pinto. "Kailan mo pa 'to nalaman?" narinig niyang tanong ni Rome. "Six months ago," sagot naman ng mommy niya. "Six months ago at ngayon mo lang sinabi sa'kin?! Tanya, kung hindi ko pa makikita 'to, hindi ko pa malalaman at wala ka talagang balak na sabihin sa'kin?!" Natigilan si Kylie dahil ito ang unang pagkakataon, sa loob ng pitong taon ngayon lang niya narinig si Rome na pagtaasan ng boses ang mommy niya. "Natatakot ako na sabihin sa'yo-" "Natatakot? Dapat noon mo pa sinabi para mas maagapan pa natin 'yan! Tanya, mahal mo ba talaga ako?" "Of course I do!" "Talaga? Pero bakit sarili mo lang ang inisip mo? Kung mahal mo 'ko sasabihin mo gad sa'kin ang tungkol dyan! Hindi mo hahayaan na maiwan mo kong nag-iisa!" Sa sinabing iyon ni Rome ay lalo siyang naguluhan. Tungkol saan ba ang pinag-aawayan ng mga 'to? Gaano ba kalaki ang nagawang kasalanan ng mommy niya oara magalit ng ganito si Rome? "Hon, mahal na mahal kita alam mo 'yan. Pinangunahan lang ako ng takot. Iniisip ko na baka bigla mo 'kong iwan dahil dito at ayun ang ayokong mangyari." "Honey, I love you so much. Hinding-hindi kita iiwan nang dahil dyan. Kung sinabi mo lang sana sa'kin ng mas maaga pa sana ginawan na natin 'yan agad ng paraan. Pinangunahan mo agad kung ano ang dapat kong maramdaman." "Hon, I'm sorry-" "Magpapalamig lang ako." Nagulat pa siya nang biglang bumukas ng tuluyan ang pinto at ganu'n din si Rome ang makita siya nito. Saglit lang silang nagkatitigan bago walang paalam itong umalis. Tumingin naman siya sa loob ng kwarto at nagkatitigan lang din sila ng mommy niya bago ito mismo ang unang nag-alis sa kanya ng tingin. Pagdating ng hapunan sila lang ng mommy niya ang magkasalo sa hapunan. Dati di kakain ang lahat ng wala pa ang isa, maliban na lang kung may importate talagang pinuntahan. "Mom, I'm sorry to ask this...nag-away ba kayo ni Rome?" Nag-angat ito sa kanya ng tingin bago nagbuntong-hininga. "Kailan ka a matututong tawaging siya hindi sa pangalan niya, Kylie?" anito imbis na sagutin ang tanong niya. "I'm sorry. Nasanay na ako." "Kung ganu'n sanayin mo na siyang tawaging tito o uncle. Hindi maganda na tatawagin mo lang siya sa pangalan niya. Ano na lang iisipin ng iba kapag narinig kang tinatawag lang siya sa pangalan nita?" "Susubukan ko, Mom. Pero ayos lang kayong dalawa ni Rome-I mean ni Tito Rome?" Muli itong nagbuntong-hininga. "Sana," tanging sagot nito. "Ano bang nangyari?" "May nagawa akong hindi dapat." "You cheated on him?" "What?! No! Hindi ko magagawa 'yan kay Rome. Walang third party na naganap." "Kung hindi ano ang ikinagalit niya? Bakit hanggang ngayon wala pa siya?" "Naglihim kasi ako sa kanya. Don't worry nagpapalamig lang siya at maaayos din namin ito." Hindi na siya nagsalita pa at tinapos na lang niya ang pagkain bago muling bumalik sa kwarto niya. NAGISING si Kylie dahil nakaramdam siya ng uhaw. Umalis siya sa ibabaw ng kama, lumabas ng kwarto at nagpasyang magtungo sa kusina para uminom ng tubig. Natigilan siya sa pagbaba sa hagdan ang marinig niya ang pag-iyak ng kanyang ina. Tila nag-tatalo na naman ata ang dalawa. Dahil sa kuryosidad ay hindi niya mapigilang hindi makinig mula sa bahagyang nakabukas na pinto ng kwarto ng mga ito. "What should we do now?" tanong ng mommy niya. "We will fly to America this week para 'dun natin maagapan 'yan. Hon, hindi ako papayag na wala akong gagawin para sa'yo," narinig niyang sabi ni Rome. "I'm so sorry, Hon." "Shhh... you don't have to say that. I know. At ang laki kong tanga dahil mas pinairal ko ang damdamin ko kanina. I shouldn't left you earlier. I'm sorry, hon. I love you so much." "I love you more, Hon. Natatakot ako. Paano kung wala ng paraan?" "Don't say that. Kahit saan tayo mapunta, kahit maikot pa natin ang buong mundo wala akong pakialam. Gagawan natin ng solusyon 'yan." "Paano si Kylie?" "Maaari naman siyang maiwan dito kasama ni Nanay Sophia. Isa pa, huwag mo muna siyang intindihin, mas intindihin mo ang sarili mo, okay?" Nainis si Kylie. Ang uhaw niya ay nawala kaya nagpasya siyang bumalik na lang sa kwarto niya. Naiinis siya kay Rome. Talagang wag siyang intindihin? Tungkol ba saan ang pinag-uusapan nila at kailangan pa talaga nilang umalis ng bansa? "Nakakairita!" aniya na bumalik sa pagkakahiga sa kama at pinilit na lang ulit na makatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD