Chapter 3: f**k up
Babi's POV
"Good morning, momma!" masigla kong bati saka dahan-dahang tumakbo papasok ng garden. Dahan-dahan naman siyang lumingon sa aking direksyon.
Bahagya pa akong natigilan ng bigla siyang humarap. She looks tired and weak... Nawala ang ngiti ko sa aking labi. It's been weeks since we last saw each other.
Ngunit mabilis rin na bumalik ang aking ngiti nang makita ko ang matamis niyang pagngiti sa akin.
"D-darling..." Nahihirapan man ay ramdam ko ang kasayahan sa kaniyang tinig.
Hindi ko namalayan ang paglapit ko sa kaniya. Wala akong sinayang na sandali at saka niyakap siya. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang init ng kaniyang yakap.
Sa kaniya ko naramdaman ang magkaroon ng ina.
"M-momma..." Hindi ko napigilan ang pag basag ng aking boses kasabay niyon ang pagtulo ng aking luha mula sa aking mga mata.
Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap ko saka hinarap ang mukha ko sa kaniya, tuloy ay wala akong kawala.
"Why are you crying?" she asked me while she slowly caresses my cheeks. banayad niyang pinunasan ang mga luhang kumawala sa aking mga mata.
Napapikit na lamang ako.
"I-It's nothing, momma, I'm just happy to see you. It's a tears of joy..." palusot ko na lamang saka pinilit na ngumiti nang matamis.
She smiled back on me. I slowly held her hands.
"Momma..." emosyonal kong saad. Malamlam siyang napatitig sa akin.
"You're so beautiful, Babi..."
Hindi ko napigilan ang mapayuko.
"Don't worry about me... I can handle myself. Can't you see? I'm strong." Pilit niyang pinasigla ang kaniyang boses, ngunit kahit anong pilit niya ay hindi siya sa akin makapagsisinungaling.
Sinakyan ko na lamang ang palusot niya saka malawak na ngumiti sa kaniya.
"Yeah, momma. I can see that."
"S-see?" She laughed like there's no tomorrow. Wala na lamang akong nagawa at napangiti na lamang.
"I wanted to see my grandchildren with you..."
Nawala ang mga ngiti ko sa aking mukha saka napatitig kay Momma. She looks excited when she said those, gusto niya na ba talaga na magka-apo sa akin? Damn. Wala pa naman akong napupusuan dahil aminin ko man o hindi ay si Yvo pa rin ang nagmamay-ari ng aking puso.
"M-Momma..."
"Forgive me, darling. But I just wanted to live longer, I wanted to fight. Alam ko naman na matatagalan bago ka magka-anak."
Wala akong naisagot sa sinambit niya.
--------
Ilang oras na ang lumipas magmula nang mag-usap kami ni Momma, hanggang ngayon ay hindi pa din maalis sa aking isipan ang napag-usapan namin.
Napahinga na lamang ako ng malalim saka wala sa sariling napatingin sa aking orasan. It's ten o'clock in the evening.
Bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw. Hindi normal na uhaw, I wanted to drink alcohol.
Namalayan ko na lamang ang sarili ko na nagbibihis at nag-aayos. Damn it, saan naman kaya ako pupunta? Hatinggabi na, may bukas pa bang mga store ngayon?
Mabilis akong natapos sa pagbibihis kaya naman mabilis akong sumakay sa aking sasakyan. Nag umpisa akong mag libot rito sa paligid ng aking condo.
Oh, In case you didn't know I'm on my condo.
Lumipas pa ang ilang minuto, mag-iisang oras na akong paikot-ikot rito ngunit wala akong makitang bukas na store maliban sa isa.
It's a bar. Should I come or not? Nalilito kong saad ngunit sa maraming pagkakataon ay namalayan ko na lamang ang sarili ko na naglalakad papasok.
Shit, fine. Just this once!
-----
Yvo's POV
"Mr. Zeron, you need to sign these papers as soon as possible."
"Mr. Zeron, we have a problem in finance."
"Mr. Zeron, the board member's asking you."
"Mr. Zeron..."
Mariin akong napapikit sa dami ng boses na naririnig ko, madiin akong napakuyom ng aking kamao saka napabuntonghininga nang malalim.
"Shut up," mahina ngunit madiin kong pagkakasambit.
Hindi na ako nagulat nang bigla silang tumahimik, f**k. Pagkadating na pagkadating ko sa main office ko rito sa Greece, ito agad ang bubungad sa akin?
Wala man lang bang pahinga? s**t. Nawala sa isip ko na wala pala ako rito para magliwaliw o magbakasyon, nandito pala ako para mag trabaho. Damn it.
"Get out of my sight. Right now. I don't want to see any of your faces in front of me."
Pagkasambit na pagkasambit ko niyon ay nag-unahan silang tumakbo palabas. Napahinga lamang ako nang malalim nang makita kong wala ng tao sa harapan ko.
Pagod akong napa-upo sa swivel chair ko saka nilapag ang mga bitbit ko sa aking mesa. Damn, I'm so tired.
Nasa ganoong sitwasyon ako ng biglang mag-ring ang aking cellphone, bored ko iyong nilingon at nang makita kong si Riyi iyon ay gigil kong hinablot ang cellphone na nasa tabing mesa.
"Hell--"
"f**k you!"
"O.... What the?"
"Damn you, Riyi! Bakit ang dami kong gagawin?!"
"s**t. I forgot to tell you, sa lahat ng branches natin worldwide, sa Greece tayo madaming problema."
"What?!" Napatayo ako sa gulat.
"Hehe."
"Damn it!" hindi ko napigilang saad saka walang salita na binaba ang linya. f**k, kadarating na kadarating ko lang umiinit agad ang ulo ko.
Kaya naman wala sa sariling nahablot ko ang susi ng aking sasakyan saka walang salita na naglakad palabas ng office.
I need space. I need alcohol. Kaya naman nilibot ko ang lahat ng store na malapit sa company ngunit wala akong masilayan.
Kaya naman naghanap na lang ako ng bar, well. It's not bad, I'm the boss. Siguro ang isang araw na pag-iinom ay hindi naman big deal kay Riyi? Tsk. Bakit ko ba iniisip ang tukmol na iyon? Kasalanan niya kung bakit umiinit ang ulo ko ngayon.
Nang may matanaw ako sa ‘di kalayuan na bar ay kaagad kong pinuntahan iyon saka ako nag-park ng sasakyan. Let's get wasted for once.
To be continued...
K.Y.
Hello! I already revised the first three chapter! hopefully na ma-approved na ni editor huhu. hindi po kase na a update ng editor ko kaya pasensya na. ngayon lang din ako na update. wishing sa January masimulan ko na ang daily update.