Chapter 2: Yvo
Yvo's POV
Bored akong tumitig sa bintana. kasalukuyan akong nasa meeting, actually it's an important meeting and here I am, feeling not on the mood.
Pinaglalaruan ko ang ballpen sa aking kamay habang nakatitig sa kawalan. It's been seven long years. And still, I'm like this.
Work here. Work there. Meeting here. Meeting there. Paulit-ulit lang, it's a damn cycle.
"This project would be launched in Greece..." Mabilis na nagpanting ang aking tainga sa narinig. Tama ba ang pagkakarinig ko? Sa Greece? What the f**k?
"This project would fit there perfectly. What would you say, Mr. Zeron?" My eyes landed to the man who's speaking in front of us. Pinanliitan ko siya ng mata waring inaalam kung ano ang ibig niyang iparating sa sinasabi niya.
Gulat man at nalilito ay sumagot pa rin ako. "Absolutely." Hindi ko inalis ang masamang titig sa lalaking nasa unahan at ganoon rin naman siya.
Lumipas pa ang ilang segundo at malademonyong ngisi ang pinakawalan niya kaya naman singhal ako nang mahina, this guy's pissing me off! Kaaga-aga e.
He just laughed as he resumes explaining things.
Napabuga na lamang ako ng hangin saka mahinang niluwagan ang neck tie na aking suot.
---
"So, that's for today. Meeting adjourned."
Nabalik ako sa wisyo sa aking narinig. Namalayan ko na lamang na isa isang nag sisi alisan ang mga tao hanggang sa dalawa na lang kaming natira dito sa loob.
Hindi ko napigilan ang paghagis ng mga ballpen na hawak ko sa kaniyang direksyon.
"Woah, woah, woah! What the f**k, boss?!" gulat na gulat niyang anas habang sinalo ang tatlong ballpen na sunod-sunod kong ibinato sa kaniya.
"What was that for?!"
"I should be the one who's asking you that. What was that for?"
"What do you mean?"
Sinamaan ko siya ng tingin sa pagmamaang-maangan niya.
"Woah! Pfft! Take it easy, bro! I'm just kidding. Anyway, i just thought if you would follow her, this time."
Natigilan ako sa sinambit niya, he has a point. Ngunit imbis na magsalita o kumibo man lang ay madiin akong napakuyom ng kamao. Wala pa akong lakas ng loob para sundan siya. At isa pa, hindi ko alam kung paano ko siya ia-approach. Hindi naman masiyadong makapal ang mukha ko para magpakita pa sa kaniya matapos ang lahat.
Bigla ay nakaramdam ako ng pangungulila ngunit isinantabi ko iyon, the truth is I miss her. I f*****g do. But I'm too coward to face her. I don't have anything to say with her.
What would I say anyway? Malalim akong napahinga saka nabaling ang tingin kay Riyi na ngayon ay mariing nakatitig sa akin.
Hindi ko siya pinansin saka mabilis na tumayo.
"Wait, Boss," pagpipigil niya sa akin sa akma kong paghakbang paalis.
"Shut up, Riyi," madiin kong saad dahilan para matigilan siya at agad na napabitaw. I just stared at him with my emotionless eyes.
Hindi ko siya pinansin pa at baka mainis lang ako kung kaya't nagpatuloy ako sa paglalakad, ngunit hindi pa man ako nakalalayo ay muli siyang nagsalita dahilan para matigilan ako.
"It's been seven long years... Mr. Zeron, time is running. Time won't wait you. We're getting old day by day. Kailan mo balak isaayos ang lahat? Kapag ba naging huli na ang lahat? We both know how much you love her, it's been seven f*****g years, I think that's enough time for herself."
Mariin akong napapikit sa sinambit niya.
"Whether you like it or not, I will launched the project In Greece. if you disapprove then you will lose me too..."
"Dude... This is for you, hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Seven f*****g years. You wasted seven years doing your routine. You did nothing where in you should asking for her forgiveness, it's partly your fault, aminin mo man o hindi. I know I'm not on the place to tell you this but, trust me... Kapag hindi mo pa sinimulan kumilos, you will lose her forever... You don't want that to happen, right?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig, my body was shaking on fear when I heard that. Natuod ako sa aking kinatatayuan at hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Riyi.
He then patted the back of my shoulders and said something very important.
"Make your move dude, before it's too late. You'll regret for the rest of your life if you miss it." He whispered to me.
Mas lalo akong natigilan at napa kuyom ng kamao sa narinig. Wala akong magawa at masabi dahil sa may punto naman siya. And he was right, I think that I will regret forever.
Matagal ko nang balak sundan siya. I just don't know how and when. Nabalik ako sa wisyo nang makita ko ang bulto niyang papalayo.
Hanggang sa makita ko siyang sumakay ng elevator. Parang doon ko lamang na hugot ang aking lakas at mabilis na umupo sa pinaka malapit na swivel chair.
------
Dahan-dahan akong napadilat ng aking mga mata nang marinig ko ang pagtunog ng aking alarm clock.
Pagkadilat ko ay nanatili lamang akong nakatitig sa kisame. I'm wide awake overnight. Hindi ako makatulog sa isiping kung hindi ako kikilos ay maaaring pagsisihan ko ang lahat.
Dahan-dahan akong tumayo, parang lantang gulay na naglakad papunta sa banyo.
Namalayan ko na lamang ang sarili ko na nakatitig sa salamin, Kita ko pa ang malaking eyebags sa aking guwapong mukha. f**k it! Maging ang eyebags ay hindi nakahadlang sa aking kaguwapuhan.
Tuloy ay parang baliw ako na napailing. Damn, i must be crazy. Tsk.
I was on that situation when my phone rang. Dali-dali akong lumabas at kinuha iyon para sagutin.
"Hell-"
"Mr. Zeron! You're running late! You're flight is in two hours from now!"
Mabilis na napaawang ang labi ko sa gulat at pagkalito. " What do you mean?" nalilito kong saad.
"Err-- Hindi ko ba nabanggit sa iyo kagabi?"
Napa-poker face na lamang ako sa naging tanong niya. Gumawa na naman siya ng desisyon na hindi pinapaalam sa akin.
"No. Wala kang nababanggit. What are you talking about?"
"Oh crap! Hindi ko nasabi sa na ngayon ang flight mo pa Greece."
"What?!" malakas na sigaw ko. Tangina naman kasi, hindi pa nga ako nakakapagisip nang maayos e. Tapos bigla niyang sasabihin iyan? Tsk.
Malakas akong napatampal sa aking noo, wala sa sariling napatitig ako sa aking wristwatch at nakitang 6:10 na ng umaga.
"What time is it?"
"E-eight AM..." nauutal niyang saad, malamang na nahulaan niya na wala ako sa mood.
"Damn..." Iyon na lamang ang nasambit ko kasabay ng pagpikit ko nang mariin.
Is it a sign that I should probably go and chase her? Lumipas ang ilang minuto at iyon lamang ang laman ng aking isipan.
"A-ahm... M-Mr. Zeron... Are you going or I'll cancel your flight?" napadilat ako sa naging tanong niya. And that moment, nakapag-decide ako sana ay hindi ko pagsisihan sa huli.
"Fine. I'll go." Iyon na lamang ang sinambit ko saka mabilis na pinutol ang linya.
To be continued...
K.Y.