Kier's POV When I woke up I was already inside my room. I was alone. It was dark and quite. Agad akong napabalikwas ng bangon ng biglang sumagi sa isipan ko ang huling nangyari bago nawalan ako ng malay, nagbabakasakali na panaginip lamang lahat, kinukumbinsi ang sariling hindi totoo lahat ng yun ngunit yung utak ko 'di kayang dayain ang nararamdaman ng puso, pumaibabaw pa rin yung sakit na tila pinipiga ng makailang ulit. Ang bigat sa pakiramdam, nakakapanghina ngunit kahit ganun pa man ay pinilit ko pa ring bumangon. Lumabas ako ng kwarto, pinuntahan ko ang silid niya ngunit para lamang masampal ng katotohanan, na iniwan na nga niya ako ng tuluyan ngunit ayaw ko pa rin maniwala. I called her name. "Kirsten!" malakas na tawag ko sa pangalan niya. I heard footsteps outside her room