I was on my way to my grandmother's house kung saan ako pansamantalang nakitira. Sa isang tagong bayan ng Medellin dito sa Cebu. I was driving my car peacefully. It was already nine in the evening. I just came from a friend's birthday party . I was vibing with the music played inside my car.
"I'm open, you're closed
Where I follow, you'll go
I worry I won't see your face
Light up again"
I sang together with the song. It was 'You and I collide by Howie Day'
Kay tahimik na ng lugar sa ganitong oras ng gabi. Iilan lang din ang mga posteng nakatayo sa gilid ng maluwang na kalsada kaya ang dilim ng paligid na kung papatayin ko ang ilaw ng aking sasakyan ay kadiliman ang sasalubong sa akin sa labas. Sadyang magkaiba ang buhay sa siyudad at sa probinsya.
Napamenor ako ng may mag-overtake na itim na magarang sasakyan sa kaliwang bahagi ng sasakyan ko. Napapalatak at napapailing na lamang ako dahil sa reckless na behaviour ng driver.
Nag patuloy ako sa pagkanta habang binabalik ang focus ng isipan at mga mata sa kalsada.
"Even the best fall down sometime
Even the wrong words seem to rhyme
Out of the doubt that fills my mind
I somehow find
You and I collide- Aaaay!" Bigla akong napasigaw at napapreno nang biglang iniharang ng kaninang nag-overtake na kotse ang sasakyan nito sa daraanan ko.
The driver blocked my way. "Ano bang problema ng taong to." Ngunit nang bumaba ito ay nagsimula na kong makaramdam ng kaba at mas domuble pa ng malipat ang tingin ko sa isang kamay nito, he was holding a gun. Using his other hand, he pulled the hammer back and c****d it to the rear. I swallowed hard.
He was wearing a black pants and hoodie black jacket. Nakataas ang hoodie sa kanyang ulo. Kay laki ng mga hakbang nito palapit sa kinaroroonan ko. Di ko maaninag ang mukha nito dahil nakahigh beam ang ilaw na nagmumula sa sasakyan ko. I turned off the high beam, and the lower beam took place.
Nanlaki ang mata ko ng mapagsino ang lalaki. His jaw clenched, his teeth gritted while staring at me. Kilala ko siya. Sobrang kilala ko siya.
Kay bilis ng kamay kong hinawakan ang gear ng sasakyan and shifted it to reverse. Itinaas ko ang braso at hinawakan ang sandalan ng passenger seat sabay lingon sa likuran ko. Umatras ang sasakyan ko nang tapakan ko ang accelerator ngunit bago pa man ako makalayo ay magkasunod na putok ng baril ang pinakawalan nito.
Napasigaw ako sa gulat. Sinadya nitong tamaan ang magkabilang gulong ng kotse ko sa unahan. Napapikit ako ng huminto ang kotse ko. He's damn smart. Sa ganoong paraan niya pala gagamitin ang baril. Tinago nito ang baril. Inipit niya iyon sa likuran ng pantalon niya bago ito nagpatuloy sa paghakbang papunta sa akin. I made sure that all of my doors and windows were closed.
Nahanap na naman niya ako. Kahit saan pa sigurong lupalop ng mundo ako magtatago ay mahahanap at mahahanap niya pa rin ako. Whay can't he just leave me alone para matahimik pareho ang buhay naming dalawa.
Lumapit ito sa bintana sa tabi ko. I refused to look at him. Kay higpit ng hawak ko sa steering wheel. "Open the door, Kirsten. It's time to take you home." Home? I scoffed. Ang tahanang sinasabi nito ay ang tahanan ko sa loob ng labing limang taon bago niya sinampal sa akin ang katutuhanang hindi ako kailaman ay pwede maging parte ng tahanang iyon. "Kirsten, please. Open the door." Ngunit di ko siya pinakinggan. Di ko siya sinunod. Nanatiling na sa unahan ang mga tingin ko. Nagbabanta ang luha sa mga mata ko dahil sa galit na nararamdaman ko para sa kanya. "Kirsten! Ano ba! I said open this f*****g door!" Napaigtad ako ng hampasin niya ang bintana ng kotse ko. He have change a lot. Hindi na siya yung kapatid kong kasabay kong lumaki na sobrang iningatan ako. Nilamon siya ng pagmamahal niya para sa akin. Hindi niya matanggap na hanggang kapatid lamang ang tingin ko sa kanya at kailanman ay di na mas hihigit pa roon ang nararamdaman ko para sa kanya.
Muli akong napaigtad ng basagin niya ang bintana ng kotse ko sa backseat. Inabot nito mula sa bintana na binasag niya sa backseat ang lever ng door handle ng driver seat.
Nagawa nitong buksan ang driver seat.
. "Tara na." Hinawakan niya ang palapulsuhan ko ngunit malakas ko itong tinampal.
"No!" Pagmamatigas ko.
"Let's go home."
"Home? Putangina mo! Sinira mo buhay ko!" Singhal ko sa kanya. Galit na galit ako sa kanya. Sa galit ko ay di ko na napigilan ang sariling umiyak.
"Let's go Kirsten." Muli ay hinawakan niya ako ngunit muli ay tinampal ko ang kamay niya. Paulit-ulit ng paulit-ulit.
"Ayoko! Ayoko! Umuwi kang magisa mo!"
Umigting lalo ang panga nito. Lumapit ito sa akin at sapilitang hinubad ang suot kong seatbelt. Tila naputol ang nalalabi nitong pagtitimpi. "Ayoko ngang sumama sayo! Ayoko!" Hinampas ko siya sa dibdib nang tangkain niya kong hawakan muli. Hinayaan niya kong hampasin at pagsusuntukin siya. " Leave me alone! You Asshole! Tahimik na buhay ko dito! Bakit mo ba ako ginugulo! Bakit mo ba pinagpipilitan ang gusto mo! Di ka na naawa sa mga magulang mo! Sinasaktan mo sila ng sobra!"
"Mahal kita-"
"Putanginang pagmamahal iyan! Napakamakasarili mo! Hindi kita mahal! Bakit ba ayaw mong tanggapin iyon!" Panay ang sigaw ko sa kanya habang patuloy na pinaghahampas ang dibdib niya.
"Matutunan mo rin akong mahalin-"
"Hindi! Kailanman di kita magawang mahalin!"
"Let's go." Nagpumiglas ako ng hilahin niya ko palabas ng kotse ko. Umupo ako nang tinangka niyang dalhin ako sa loob ng kotse niya. Yumuko ito at niyakap ang isang braso sa baywang ko sabay buhat sa akin. Nagpapadyak ako ngunit nagawa pa rin nitong isakay ako sa saksakyan niya. May inabot ito sa dashboard, isang puting panyo. Tinakpan nito ang ilong ko na naging dahilan ng unti-unting pagkawala ng kamalayan ko.