Chapter 1

1456 Words
Author's note: Wag niyong basahin dahil next century pa susunod na UD nito. May naunang nakaline up na story bago ito. -Daghang Salamat Kirsten’s POV Kakalabas ko lang ng klase. Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko upang e-text si Kier kung nasaan na ito para sabay kaming mag-lunch na dalawa. Na sa Senior High na kami pareho ngunit nasa magkaibang section lang kaming dalawa. “Kirsten!” Napalingon ako sa kaliwang bahagi ng hallway ng building ng makita ko si Ate Glyden na tumatakbo patungo sa kinarorooonan ko. Napatingin ako sa kanya, nagulat ako ng biglang hinawakan nito ang palapulsuhan ko nang makalapit sabay hila sa akin para sumunod sa kanya. “Ate Bakit?” Nagtatakang tanong ko sa kanya ngunit nagpatianod na lamang ako sa kung saan niya ko dadalhin. Tila ito nagmamadali, pawisan ang noo nito marahil sa kakatakbo. “Si Kier, nakipag basag ulo na naman sa likod ng covered court.” Saad nito na di humihinto sa pagtakbo. “Na naman?” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ni Ate Glyden at binilisan ang takbo ko. Nauuna pa nga ako kay Ate Glyden papunta sa covered court ng school. Mula sa malayo ay nakita ko ang tumpok ng mga estudyante sa kung saan tiyak na naroon si Kier. Ano na naman kaya ang problema nito at nakikipag basag ulo na naman. Tanong ko sa aking isipan. Dumaan kami sa tumpok ng mga taong nakinuod sa mga nag-aaway. “Excuse po, makikisingit lang.” Kahit kay hirap makalusot ay pinilit ko pa ring makipagsiksikan. “Paraan po.” Ni di ko na alam kung nakasunod pa ba si Ate Glyden sa akin sa likod ko. Hanggang sa wakas ay nagawa kong makalusot ngunit muli ay nanlaki ang mga mata ko ng makita ang nakaluhod at galit na galit na si Kier habang kwenelyuhan ang nakahigang si Villares sa lupa. Nakaharang ang dalawang braso nito sa mukha, ang isang kamay naman ni Kier na nakakamao ay bahagyang nakataas upang suntukin sana si Villares ngunit natigil ito ng sinigaw ko ang pangalan niya. “Kier! Stop!” Napatingala ito sa direksyon ko, ang galit na mga mata at madilim na mukha ay unti-unting naglaho ng makita ako. Galit na nilapitan ko ito. I grab his uniform, napatayo ito at napasunod sa akin ng hinila ko ito palayo kay Villares at palayo sa mga estudyanteng tila nanood ng pelikula. Napatigil ako sa paglalakad saglit ng bahagya itong napayuko upang pulutin ang bag nito sa lupa. Dinala ko siya patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse nito. “Open!” I commanded. Agad naman itong tumalima, tumunog ang sasakyan, binuksan ko ang driver seat at pwersahan ko siyang pinapasok sa loob. Umikot ako at binuksan ang passenger seat, agad naman akong sumakay sa loob ng sasakyan. Ang dalawan braso nito ay nasa ibabaw ng steering wheel habang nakatingin sa bintana ng driver seat. “Ano na namang problema mo ha? Ba’t nakikipagbasag ulo ka na naman! Dad already warned you! Ba’t ba napatigas ng ulo mo ha!” “Sinagot ang Villares na yun?” Mahinahon lamang ang pagkakatanong niya ngunit may bakas ng galit ang tono ng pananalita nito. Still looking outside his window. “Ano?” Maang kong tanong. Hinarap niya ko tsaka ko lang napansin ang pasa nito sa gilid ng labi. Itinaas ko ang kamay upang matingnan sana ang pasa nito ngunit kay bilis niyang hinuli ang palapulsuhan ko upang pigilan ako. Bahagya pa nitong iniwas ang mukha ng pinilit ko ang gusto. “May picture kayong dalawa naghahalikan sa loob ng classroom, tangina.” Napatigil ako at napatingin sa kanya. Bakas sa mga mata nito ang galit, selos? Hindi ko mawari, ilang beses ko na ring nasilayan ang ganitong reaksyon niya. Madalas kapag may nakikipagkaibigan sa akin na lalaki o kaya’y may lumalapit. “Care to explain it to me Kirsten?” He restrained himself not to shout at me ngunit may diin ang bawat bitaw niya ng mga salita. He was like a demanding boyfriend. “Naniwala ka naman? Sa tingin mo ganun ako kababaw na babae na makikipaghalikan sa classroom?” Binitawan nito ang palapulsuhan ko, sinundan ko ng tingin ang kilos nito ng may kinapa ito sa bulsa. He took off his Iphone, may hinanap ito at maya-maya ay pinakita nito sa akin ang screen. Napaawang ang mga labi ko ng makitang picture namin iyon ni Villares na parehong nakaupo sa school chair magkaharap at para talagang naghahalikan. “Naalala ko to, napuwing ako, hinihipan niya mata ko. My classmates were there, they can justify it.” “Tangina naman Kiersten, sa dinami-dami ng classmates mo, si Villares pa napili mo, alam mo namang minamanyak ka nun!” “‘Di ko siya pinili! Napapikit ako ng mapuwing ako, siya unang tumulong alangan naman suntukin ko.” “Pinakalat niya yan ang litratong iyan at pinagsabi na may relasyon kayong dalawa.” “Langya, sana pala hindi kita pinigilan.” Kay bilis kong hinawakan muli ang uniform nito ng tinangka nitong bumaba ng sasakyan. “Saan ka na naman pupunta?” “‘Tatapusin ang sinimulan. Gusto ko pang manuntok, ‘di pa ako nakabawi.?” “Pwede ba Kier! Wag mong idaan sa init ng ulo lahat. May warning ka na, gusto mong maexpel?” “Wala akong paki.” “So ayaw mo nang kasama ako dito sa school?” “Kapag maexpel ako, ipapatransfer kita kay Daddy sa lilipatan kong school” “Ayoko! Gusto ko dito. Lumayas ka mag-isa mo!” Pagkasabi ay inis kong binuksan ang pintuan sa tabi ko, sinubukan pa niya akong pigilan sa braso ngunit malakas ko itong binawi at bumaba ng sasakyan, pabalang ko rin itong sinarado. “Kirsten!” RInig kong tawag niya sa pangalan ko ngunit dire-diretso na ako sa paglalakad at iniwanan ko siya. Nakailang hakbang na ako ng maramdaman ko ang braso nito sa balikat ko. “Sorry na, ‘di na nga.” Inis na tinanggal ko ang braso niya sa balikat ko ngunit muli ay inakbayan niya ko. Nakailang tanggal ako sa braso niya bago inis na huminto ako at hinarap siya ngunit bago ko pa man siya magawang bulyawan at kay bilis nitong dinala ako sa kanyang dibdib upang ikulong. “Sorry na nga di ba? Titigilan ko na nga, bati na tayo. Wag ka na magalit.” Saad nito na may kasamang paglalambing. Malalim na lamang akong napabuntong hininga bago ko siya niyakap pabalik. Pinarada ni Kier ang sasakyan sa garahe ng mansyon. Una akong bumaba at tinungo ang main door ngunit nahabol pa rin niya ko. Inakbayan niya ko at sabay naming tinungo ang main door papasok ng mansyon. Natigil kami pareho sa paghakbang ng makita ang mga magulang namin sa living room at seryosong nakatingin sa aming gawi ngunit ang galit na mga tingin ni Daddy ay diretso kay Kier. Napayuko ako at dahan-dahan ang mga hakbang ko palapit kina mommy at daddy habang si Kier ay nanatiling nakatayo kung saan kami natigil kanina. I kissed my mom’s cheeks first, then, daddy’s. “Good evening mom, dad.”Bati ko sa kanilang dalawa. Mukhang alam ko na kung bakit galit na naman si Daddy, siguro ay nakarating sa kanya ang ginawa na pakikipagbasag ulo ni Kier. Our parents have always been so kind. Sobrang malapit kaming tatlong magkakapatid sa mga magulang namin. They support us on the things we like and push us to follow our heart but they never tolerate our bad doings. They can be so kind but they can also be the most strict parents when it comes to the rules that we need to obey. “Go to your room now, princess. We will just call you for dinner.” Malumanay pa rin ang boses ni Daddy ngunit bakas ang pagpipigil ng galit nito. “Yes, dad.” Mahina kong tugon. “And you?” Baghaya akong nagulat sa pagtaas ng boses ni Daddy. Galit na itinaas nito ang hawak na nakatuping bond paper sabay turo kay Kier. “Love, kalma lang. Lahat ay nadadaanan sa mabuti at mahinahong usapan. Anak mo yan, kilala mo yan, tiyak na may matinong rason si Kier kung bakit niya iyon ginawa. Pakinggan mo muna ang paliwanag ng anak mo, bago mo sumbatan. ” Unti-unti namang napakalma ni mommy si Daddy. Dahan-dahan akong humakbang papuntang grand staircase habang palingon-lingon sa gawi ni Kier. He always looks so calm and at ease, ni ‘di mababakasan ng takot ang mukha nito habang mariing nakikipagtitigan kay Daddy. “Go to my office, we will talk about this warning letter for expulsion from your school.” Kalmado ngunit may diin na saad ni Daddy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD