Kay bilis kong nag bawi ng tingin kasabay ang paghila ng kamay kong hawak niya. Tinalikuran ko siya at binalikan ang counter kung saan nakalapag ang tinimpla kong gatas. Inangat ko ang baso ngunit nang sinimulan kong ihakbang ang mga paa ay hinarang niya ang sarili sa daraanan ko. “Kirsten, can we talk? Please? Kahit saglit lang. I just missed talking with you, please…” napatitig ako sa mga mata niya, nakikiusap ang mga iyong pagbigyan siya, nakadama ako ng lungkot at awa para sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya. Tumango ako, agad na nagning-ning sa saya ang mga mata niya ng makita ang pagtugon ko pero alam ko sa sarili ko hindi dahil sa awa na nadama ko para sa kanya kaya ako sumanayon na makipag-usap sa kanya kung hindi dahil sabik rin akong makausap siya, ayaw ko mang aminin