Kahit wala akong gana ay pinilit kong lumunok. Kumakalam na rin kasi ang sikmura ko. Panay pa rin ang tulo ng mga luha ko habang siya’y nakatayo sa harapan ko pinagmamasdan akong kumakain. Tinabig ko ang kamay niya ng sinubukan niyang punasan ang luha ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Hindi na rin siya umulit pang-muli. “Pagkatapos mong kumain, magbihis ka, aalis tayo.” kay bilis kong nag-angat ng tingin sa kanya. Tila nabuhayan ang loob ko sa narinig. Baka naawa na siya sa ‘kin. Nanatili itong nakatayo sa paanan ng kama habang ako’y nakaupo sa ibabaw nito, nasa harapan ko ang tray na dala niya kanina. “Iuuwi mo na ako?” puno ng pag-asang tanong ko sa kanya. “Bakit?” he crossed his arms in front of his chest. “Mahal mo na ba ako?” he smirked. Nawala ang ningning sa mga m