(Areza's POV)
As an anonymous bed warmer or rental goddess, the color of our mask determines our status in this place. My half mask have 10 colors, ibig sabihin noon ay nasa top rank ako ng hierarchy. I can choose my privilege and decline the clients na hindi pumapasa sa standards ko. That's the truth.
Pinagkaiba ko pa ay mayroong naka-engrave na white rose sa mask ko which I requested from Desiree when I earned a million dahil sa 1 month session ko with a client before.
Sinubukan kong matulog pero hindi ko nagawa, I just covered my face with the soft pillow saka ipinikit ang mga mata ko. I tried my best pero nagising talaga ako ng walang pahinga. When I check my primary phone, ang daming text mula kay Desiree and Reeve.
Desiree :
Be careful, Areza. Report to me the status of your sessions. Kapag sumama ka ulit kay Mr. Reeve ng walang paalam, baka hindi mo na ulit makita ang Dad mo. Okay? Take care.
She's a demon! Kung sana alam ko lang kung saan niya tinatago ang ama ko ay nakagawa na ako ng paraan to stop this nonsense.
Mr. Reeve :
How are you, Areza? Sorry about what happened yesterday. By the way, napanaginipan mo ba ako?
I can imagine his grin habang binabasa ko ang text niya sa akin. Wala naman akong nireplyan ni sino man sa kanilang dalawa.
I just buried my phone sa pinaka-ilalim na part ng closet ko. Hindi ko din naman 'yan magagamit kapag nag umpisa na ang araw na ito.
I prepared early dahil gusto kong walang makakita sa akin sa paglabas ko ng dormitory. I tried my best to move quietly and briefly na pati si Claire ay hindi mapapansin na wala na ako sa room namin. Hindi pa kami nag-uusap na dalawa, humanda na lang siya sa pagbabalik ko.
I'm wearing an elegant white mesh lace dress, a black 3-inch stiletto and a white lace stockings. Hindi ko din kinalimutan ang pinakamahalagang bagay sa lahat, ang mask ko.
Mabilis akong lumabas ng kwarto at nagmadali na sa paglalakad. Ayoko kasi na makasalubong ko pa ang ibang mga babae sa dormitory at makita nilang papunta ako sa session ko.
Hawak ko na ngayon ang session phone ko while waiting. An exclusive method of communication is included in the contract kaya naman ang laman lang ng contacts ko dito ay dalawang tao.
At sino ang tini-text ko?
Si Reeve.
Dapat ko nang sanayin ang sarili ko na tawagin siya sa gano'ng paraan. Mister, Sir, Babe, Master at kung ano ano pang dapat itawag as a preferred call sign ng client should be followed. Kasama 'yon sa binayad nila.
We should act and talk properly dahil ang main objective namin while doing our job is to satisfy the clients desires and demands.
It's already four in the morning at dito sa park niya ako susunduin. Hindi naman kumontra si Desiree dahil sa pagkakaalam ko ay hawak niya na ang 250,000 down p*****t for this session.
Dinouble check ko ang mask ko, just to make sure that it fits properly. Alam niyo naman, it will protect my identity pati na din ang mga gloves na suot ko.
This is my first time na magsusuot ng gloves for a session. For what?
I'm wearing the ring.
Yung binigay niya bago kami bumalik sa room. Sabi niya ito daw ang peace offering niya sa akin for acting strange. Hindi niya daw inaasahan that he will remember some parts of his past. Akala niya ay nabaon na ang lahat sa limot due to an accident that happened years ago.
He also told me. "Wear this when you're with me." Nangako naman akong gagawin ko 'yon to comfort his loss from his first love.
And this morning.
I'm with him.
This is the beginning of our session.
I draw a deep breath nang mabasa ko ang mensahe niya na nakarating na siya sa meeting place namin. Kinakabahan ako.
Napakalamig ng umaga pero kinakaya ng katawan ko. Hindi naman kasi pwedeng balot na balot akong makikipagkita sa kanya. I should be seductive and daring enough to please him.
Nakaupo lang siya sa isang swing, parang walang pinagbago. Siya pa rin si Reeve, gwapo at matikas ang katawan habang nagbabasa ng libro.
Yes, nagbabasa siya.
He looks decent right?
Sayang lang dahil mag-iiba na ang pagkakakilala ko sa kanya simula sa araw na ito.
"Sir!"
Sumigaw ako pero hindi man lang siya tumingin sa 'kin. Sumigaw ulit ako, pero hindi na naman niya narinig. Hindi ko alam kung maiinis ako sa pandededmang ginagawa niya sa akin.
"Sir?" I repeated.
Siya na tinuturing kong pinakamalapit na kaibigan kong lalaki ngayon, pero ni hindi nga niya alam na ako ang babaeng makakasama niya.
Umupo ako sa kabilang swing. Nahuli ko naman siyang napatingin sa akin. Nilipat niya sa kasunod na page ang librong hawak saka niya ako binati.
"Hi, Miss. Ikaw ba ang pinadala for my session?"
I just nod at him.
Ilang beses ko ding pinagpraktisan kagabi ang magiging boses ko habang kausap siya. It should be soft and slow, para hindi niya makilala ang Areza na malakas ang boses at prangka kung magsalita.
"Miss, can I ask you something?"
"Ano po yon, Sir?" I answered him softly habang inaayos ang maskara ko.
Matibay na talaga 'to. Siguradong hindi maaalis kahit suntukin niya pa ako ng malakas.
"Your name please?"
Nilipat niya na naman sa isang page ang librong binabasa.
Kinabahan akong sumagot but I manage to control fear. Hindi pwedeng masira ang unang araw ng pagkikita namin.
"Sam po," tipid kong sagot sa kanya.
"Yong totoong pangalan mo."
Gosh! Ano raw?
Bakit ganito ang tanong niya?
Alam naman nitong bawal ang totoong pangalan, di'ba?
Nakatingin lang siya sa akin. His eyes turned dark, nakaka-intimidate ang mga titig niya ngayon sa akin. Literal na nakakaloka sa pakiramdam.
I tried to relax by smiling at him.
"Seryoso po ang sinabi ko, Sam po ang pangalan ko. Mukha po bang pangalan ng isang lalaki?" mahinhin kong tanong sa kanya.
Tumahimik lang siya. At heto ako ngayon, nakatingin lang sa kanya. I'm waiting for his next move pero wala akong nakuha.
I just stared at him. His dark eyes, ang mahahaba nitong pilikmata at kulay rosas na mga labi. Kaparehong kapareho ng lalaking kasama ko kahapon but he's acting different now. Hindi ko kilala ang lalaking kaharap ko ngayon.
Sana umpisahan niya na para matapos na kami agad.
"Hmm. Ready ka na ba?"
Halos mapugto ang hininga ko nang marinig 'yon mula sa kanya. Hindi ko alam kung may kapangyarihan lang talaga siyang magbasa ng isip o nahulaan niya ang iniisip ko.
"Okay."
Sinarado niya ang librong hawak.
"Shall we start?"
Sa sinabi niyang 'yon, para akong nabingi saglit sa aking kinatatayuan.