Chapter 12 : Free Me

937 Words
(Claire's POV) “A-anong gagawin mo? No!” Nakapatong siya sa'kin ngayon at kinulong ako gamit ang sarili niyang katawan. Napabuntong-hininga ako. Nararamdaman ko ang init ng katawan niya, ang paghinga niya at ang pagtibok ng puso niya. "Nagugutom na ako, pwede ba kitang gawing breakfast?" He smiled wickedly. Napasigaw ako. Napakawalang hiya ng lalaking 'to! “Kakain na ako, if you want to join me. Sumunod ka nalang.” Huh? Nababaliw na talaga ang lalaking ito. He just grinned at me and walked-out. Para akong nabunutan ng tinik nang nakita kong umalis na siya. Kinabahan ako ng sobra sa ginawa niyang 'yon. Akala ko magigisa na ako sa sarili kong mantika because of seducing him. Pero hindi ko rin matiis ang gutom ko kaya lumabas na ako ng kwarto at napanganga ako nang makita ang isang napakalaking dining set. Kumpleto talaga ang lahat sa isang unit nila, may dining area, kitchen, master's bedroom, living room at iba pa. Di ko nakita si Xris. Salamat naman at mukhang lumabas nga talaga siya. Naupo ako sa isang upuan. Bakit may naamoy akong mabango? Ang sarap ng amoy ng pagkain na'yon. Hays. Napasilip ako sa bintana kasi malay niyo doon galing ang amoy. “Bango talaga," sabi ko sa sarili. "Ay, pucha!" Nagulat ako nang bumukas bigla ang pintuan habang naglalakad na ako pabalik. Kitang kita ko si Xris na may dala dalang bowl. Umuusok pa ang laman nito kaya kumakalat ang amoy sa paligid. "Oy! Claire kain tayo ng adobo. Favorite ko ito eh!" nakangiting sabi niya. Nilapag niya ang bowl sa dining table. Kitang kita ko na ngayon ang masarap na adobong dala niya. Nanlambot agad ang tuhod ko. Pareho kami ng paboritong pagkain, nakakainis! I can't stop myself kapag adobo na ang nasa harapan ko. Naglalaway ako. Masisira ang diet ko. "Ganon, Xris? Favorite ko din yan eh!" nakangiti kong sabi sa kanya. Kelangan kong magpakabait ngayon para makakain ako ng adobo. Huhuhu. "Pareho pala tayo ng favorite. Are we meant to be?” Hindi ko siya sinagot. Kelangan kong controlin ang sarili ko para sa adobo. "Yeah right! kumain ka na nga lang baka gutom lang 'yan." Sabay kaming naupo sa dining table. Nagkatinginan lang kami, walang umimik at kumain nalang kami. Siguro ay ninanamnam niya din ang sarap ng kinakain namin. Kunsabagay, heaven naman talaga. “Ako ang nagluto niyan. Masarap ba?” Natigilan ako. Tinitigan ko siya at ang adobo. Hindi halata sa pagmumukha ng nerd na'to that he can cook well. Akala ko pinaluto niya lang sa restaurant ang ulam. Hindi ko sinagot ang tanong niya sa'kin. "Sige, magpahinga ka na at ako na lang ang maghuhugas dito." sabi ko sabay tayo at niligpit ang mga plato. "I can manage. Ako na!" Pinigilan niya ako at kinuha ang platong hawak ko. Sinamaan ko siya nang tingin, binigyan ko pa siya ng nakakatakot na ngiti. "Wag na, ako na ang gagawa. Ikaw na nga ang nagdala sa'kin dito tapos ikaw pa rin yung maghuhugas." Inagaw ko ang mga platong hawak niya. "Hindi okay lang talaga, ako nalang!" "Ako na nga. Ang kulit mo. Ako na!" Nag-agawan kami sa mga plato, pareho kaming ayaw magpaubaya. Bahala siya dyan! Napatingala nalang kami ng biglang kumurap ang ilaw. Naku patay! Wag naman sanang mawalan ng kuryente. Malalagot kaming dalawa nito kapag bumalik na sila Ate Areza dito. Saan kaya sila nagpunta at naiwan pa ang phone ni Sir Reeve dito? "Maghuhugas na ako baka magchange power pa." "Ako na nga kasi eh! Kulit!" nakahawak pa rin kami sa mga plato ng biglang dumilim ang buong paligid. “Sabi na nga ba eh! 10 minutes ang change power dito. Ikaw kasi, ayaw mong ibigay sa'kin ang mga plato." Aba’t may nasabi pa ang isang to! Ako pa ang sinisi? "Anong ako? Sinabi ko na sa'yo na ako nalang ang maghuhugas pero ang kulit mo!” Wala akong makita. Ang dilim. Grabe naman ang mga kwartong 'to kahit umaga wala man lang linawag na sumisilip. Lalakad sana ako papuntang bintana pero naramdaman kong gumalaw si Xris. Nagkikipag agawan pa rin siya sa mga plato nang— "Ouch! Hoy! Ano yang ginagawa mo?!” "Ikaw kaya!" Bumagsak kaming dalawa sa sahig. “Masakit, Xris. Wag! Aray! Ahh!” "ARAY!" malakas kong sigaw. Umingay ang buong kwarto. Nabasag kasi ang mga platong hawak namin at tumatama ang iba sa legs ko. Ano to? Alam kong nasa likod ng ulo ko ang kamay niya pero may kakaiba. I can feel his heartbeat. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib niya. Nakahiga ako dito... Are we kissing? What the?! We're kissing! Nakapatong pa siya sa'kin. Sa sobrang gulat ko di ako makagalaw o makapaniwala man lang. Sa totoo lang nanigas talaga ako. Biglang bumukas ang ilaw and ngayon ay nakita na namin ang sitwasyon naming dalawa. Nakatingin kami sa mata ng isa't isa. Sobrang nagbablush pa kami, kahiya sobra! Hindi kasi tumitigil ang halik. Sino ang nagcocontrol? Ako o siya? Dalawa ba kami? "Hey, Xris! What are you doing?" Bigla nalang naghiwalay ang mga labi namin at sabay kaming napatayo. Nakatayo sa pintuan ang dalawang nakakatakot na nilalang, may dala silang shopping bag. Dumating na pala sina Ate Areza at Kuya Reeve, pareho silang nakacross-arms and seryosong nakatingin sa'min. “I’m so proud of you, Xris!” sabi ni Kuya Reeve sabay tawa sa kapatid niya. Tahimik lang na nakatayo si Xris, parang nabuhusan ito ng malamig na tubig dahil sa kahihiyan. Napatingin naman ako kay ate Areza. Nakataas ang kilay nitong nakatingin sa'kin. Naiiyak tuloy ako. "Ate, I can explain." Umiling lang siya. “Mag-uusap tayo sa dormitory, Claire.” I'm dead!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD