Sakalukuyan akong kumakain ng hapon nang bigla dumating sa bahay ko si Tine. Nakita kong nakasimangot ang pagmumukha nito. At tila mayroon kaaway ang kaibigan ko.
"Oh! Ano'ng nangyari sa mukha mo?" tanong ko rito.
"Nakakainis si Kuya Stanley! Gusto niyang umuwi ako sa Isla Katalina. Umalis na raw ako sa aking trabaho, dahil panahon na raw para tumulong ako sa mga negosyo namin," saad nito sa akin. Pero nasa mukha ang inis.
"Tine, tama naman ang kuya mo. Mas mainam kung tutulong ka na lang sa mga negosyo ninyo. Kaysa naman pumasok sa ka ibang companya," saad ko.
"Tamara, alam mo naman kung bakit ayaw kong umuwi sa lugar namin. Lalo at nabalitaan kong ikakasal na nga ang ex-boyfriend ko. Sa totoo lang ay mahal ko pa rin siya. Pero wala akong magagawa kung nakahanap na siya ng ibang mamahalin. Ang masaklap lang ay kaibigan ko pa," malungkot na sabi nito sa akin.
Malungkot akong tumingin dito. Kaya ito umalis sa lugar nila dahil sa dating kasintahan nito. Sa aking pagkakaalam ay umalis ito nang walang paalam kaya naman tudo rin ang paghahanap dito ng kapatid nitong bastos. Sa katunayan ay kailan lang kami nagkakilala ni Tine.
Naaalala ko pa noong may nagtangkang mangholdap dito. At iyon ang araw na tinulungan ko ito at kinupkop dito sa bahay ko. Sa itsura pa lang ng mukha nito ay alam kong mayaman ito. Sinabi naman nito sa akin kung bakit ito umalis sa lugar nila dahil iyon sa dating nobyo.
May nararamdaman akong awa para sa babae. Kahit kailan lang kami nagkita nito ay parang kapatid na ang turing ko rito. Kahit ganoon pa naman ay wala pa rin itong alam sa tunay kong trabaho. Ang alam nito ay isa akong casher sa Mall.
"Tamara, may kahilingan sana ako sa iyo. Sana'y mapagbigyan mo ako," nakikiusap nitong sabi sa akin.
"A-Ano 'yun?" alanganing tanong ko.
"Maaari mo ba akong samahan pauwi sa Isla Katalina. Natatakot akong mag-isa. Paano kung magkita kami? Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin," pakiusap nito sa akin.
Hindi ako makapagsalita sa hiling nito, 'di ko kasi alam kung papayag ba ako, oh, hindi? Naisip ko rin na bakasyon ko naman. Pero kapag pumapasok ang lalaking iyon sa aking isipan ay naiinis ako.
"Puwede ko bang pag-isipan muna? Saka, baka ipatapon ako ng kapatid mo sa dagat lalo at hindi maganda ang pag-uusap namin kahapon," sabi ko pa rito.
"Huwag kang mag-alala kay kuya Stanley. Dahil hindi iyon nakatira sa bahay namin. May sarili na itong bahay. Ang tanging kasama lang natin ay si Mama at lola. Saka busy iyon palagi sa negosyo niya at sa mga taong bayan," turan nito.
"Taong bayan?" nagtatakang tanong ko.
"Ay! Hindi ko ba nabanggit sa 'yo. Tumatakbong Governor si Kuya Stanley sa lugar namin. Kaya sobrang busy niya. Mabuti nga at naisisingit pa rin niya ang pagpapahanap sa akin," saad nito. Ako naman ay tumango-tango sa aking nalaman.
Hindi tuloy ako makapagsalita, sapagkat hindi ko alam kung papayag ako sa gusto nito. Nakita kong biglang lumungkot ang mukha nito dahil hindi agad ako nakapagsalita.
"Tine, huwag kang mag-alala sasama ako sa 'yo. Magpapaalam muna ako sa aking amo. At sana lang ay payagan ako," tanging nasabi ko na lamang rito. Pero ang totoo ay wala akong balak na sumama.
"Sana lang ay payag ka Tamara. Dahil gusto kitang ipakilala sa aking mama at lola," masayang sabi nito sa akin.
"Sana nga," sagot ko rito. Agad naman itong nagpaalam sa akin para pumunta sa silid nito upang maligo. May balak yatang puntahan ang babae.
Ako naman ay pumunta sasala pagkatapos kong kumain. Sa sofa ako nahiga at nag-iisip nang malalim. Subalit narinig ko ang magkakasunod na katok sa pinto ng munti kong bahay. Sino na naman kaya ito? Kung makakatok ay tila may sunog salabas.
Hindi maipinta ang mukha ko nang tuluyan ko nang mabuksan ang pinto at tumambad sa aking harapan ang kapatid ni Tine na tikbalang. Tumaas ang kilay ko na tumingin dito.
"Where is Tine?!" walang pakundangang tanong nito.
"Aba'y malay ko," pabalang na sagot ko.
Ang dating madilim na mukha ay mas lalong dumilim pa dahil sa aking sagot. Subalit nagulat ako na muli na naman umataki ang bibig nito at daig pa ang babae.
"So, ngayon ay hindi na ako magtataka kung sino ang nagturo kay Tine, nang pagsagot-sagot ng pabalang!" nang-uuyam na sabi nito sa akin. Naglakbay rin ang mga mata nito sa aking kabuuhan. At tila sinusuri ang katawan ko. Nakita nang maliksi kong mga mata ang pag-ismid nito. At tingin ko'y muli naman aataki ang matabil nitong bibig.
"Ngayon lang ako nakatagpo ng babaeng katulad mo na bastos kausap. At kung manamit ay halos kita na ang kaluluwa. Sabagay Maynila ito kaya hindi na ako magtataka sa isang katulad mo," mapanghusgang sabi nito.
Ako naman ay hindi na nakapagtim. "Hoy! Lalaking pinanganak sa sinaunang panahon! Kung hindi mo gusto ang kasuotan ko ay puwede kang pumikit upang hindi mo makita. Saka puwede ba huwag kang magpupunta sa bahay ko dahil hindi ka welcome rito!" palatak ko sa lalaki.
Napansing kong umiling-iling ito. "Hindi ka rin marunong gumalang sa mga lalaki. Akala mo'y sanggano ka kung makapagsalita. Madali lamang sa aking ang pilipitin ang leeg mo babaeng walang bra.
Lalo naman umusok ang bunbunan ko sa sinabi nitong wala raw akong bra. Bigla tuloy akong napatingin sa aking dibdib upang alalim kung totoo ngang wala akong suot na bra. Pero mayroon naman, ah. Abnormal talaga.
"Kung gusto mong hintayin si Tine. Diyan ka maghintay sa labas. At hinding-hindi ka makakapasok sa loob ng bahay ko!" sigaw ko sapagkat hindi na ako nakapagtimpi. Isasara ko na sana ang pinto nang pigilan ito ng lalaki.
"Huwag mong inuubos ang pasensya ko babae," sabi nito at talagang nagpumilit pumasok sa loob. Hindi na ako nakapalag pa nang tuluyan na nga itong nakapasok at basta na lang naupo sa sofa. Feeling nito ay welcome siya rito. Kung hindi lang ito kapatid ni Tine ay kanina ko pa ito nilagyan ng granada sa bibig.
Pansin kong umikot ang mga mata nito sa paligid ng bahy ko at tila sinusuri kung malinis ba ito. Para mayroon na naman masabi na panlalait sa akin.
"Ang pangit nag sofa mo, hindi man lang malambot," biglang sabi nito. Naku! Gustong-gusto ko na itong batuhin ng vase ng matauhan man lang.
"Kung pangit naman pala, eh, 'di sana nagdala ka ng saliring sofa mo!" asar na sagot ko.
"Stkks! Masyadong matabil ang dila mo babae. Dapat sa ganyan dila ay pinuputol," baliw na sagot nito.
Ngunit hindi ako magpapatalo rito. Saka bahay ko ito hindi ako puwedeng api-apihin sa ultimong pamamahay ko.
"Mr. Tikbang," sabi ko. Nakita kong sumama ang mukha nito sa aking tinuran. Ngunit hindi ko iyon ininda at nagtuloy-tuloy pa rin ako sa pagsasalita.
"Kung ako sa iyo. Mas mainam siguro kung ipalinis mo rin ang utak mo at kung puwede paki-ayos na rin ng mga turnilyo mukha kasing maluwag na. Kasi naman kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip mo na mga kabaliwan," tuloy-tuloy na litanya ko.
"You!" galit na sabi nito.
"Hey! Ano'ng nangyayari rito? Nag-aaway ba kayo?" biglang singit naman ni Tine.
"Hindi," panabay na sagot namin ng lalaking tikbalang.
"Hindi kayo nag-aaway. Pero malayo pa lang ako'y naririnig ko na ang pagtatalo ninyong dalawa. Kulang na lang ay magkagatan kayo!" palatak naman ni Tine.
"Tine, kahit magunaw ang mundo, hinding-hindi ko kakagatin ang babaeng walang bra.
"Kuya! Stop!" sigaw ni Tine.