Katunggali 19

1611 Words

Nasapol ko naman ito sa mukha. Subalit hindi ito natumba. Pagkatapos ay nanlilisik ang mga mata nito na tumingin sa akin. "Gusto mo bang mamatay?!" mayabang na tanong niya sa akin. Hindi ako nagsalita. Nakatingin lamang ako sa lalaki. Saka, hindi naman niya basta makikita ang mukha ko. Tanging mga mata ko lamang ang nakalabas. Hanggang sa tuluyan na nitong ibinaba ang dala-dalang bag. At pagkatapos ay maliksing lumapit sa akin para bigyan ako nang suntok. Kaya naman agad akong umiwas sa pag-ataki niya sa akin. "Tutal, makulit ka. Pagbibigyan kita. Hindi ka sana masasaktan, nagpakita ka pa sa akin. Kaya ngayon ay titiyakin kong ibabaon kita sa hukay!" sigaw nito sa akin. Mayamaya pa'y nakita kong muli siyang lumapit sa akin at balak akong sipain. Kaya naman nakipagsabayan ako sa lalaki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD