"Huh?bakit naman biglang kinansel ng mga bosses ang photoshoot?" Naguguluhang nakatingin sa akin sina Olga at Oscar dahil sa binalita ko sa kanila.Pagkagising ko kasi kaninang umaga ay wala na si Ford sa kwarto namin ng nakatanggap ako ng tawag sa kanya at sabihin sa akin na irereschedule ang photoshoot namin dahil may kailangan silang gawin ngayong araw na ito,hindi naman nya nasabi sa akin kung ano yun kaya wala ako maisasagot sa tanong nila. Kahit ako ay nalilito sa pagkansel nila ng photoshoot,ayoko namang magtanong sa kanya kung bakit nagdesisyon sila ng ganun,sila pa din ang client namin at ano mang maging desisyon nila ay wala kaming magagawa kundi ang sumunod. "Sorry guys wala akong maisasagot sa tanong nyo kasi kahit ako hindi ko alam kung bakit kinansel nila." sabi ko na ikin