Her heart pounded happily. Hindi niya inaasahan na darating ang time na kakain silang dalawa lang. Kahit sa panaginip ay hindi ito nangyari sa kanilang dalawa. She gulped when her hands began trembling in pure excitement and happiness.
Never in her wildest dreams would she'll able to be at the same table as Raziel. Kahit na minsan ay sa office na ito kumakain dahil sa kawalan ng time, kahit kailan ay hindi siya nito inimbitahan na kumain silang dalawa.
Those simple words he muttered made her the happiest. People might find her over reacting, but for her, being invited by someone you love to have a lunch together is already precious. Even just this once, she wanted to treasure it.
Raziel doesn't love her, and even though he acts cold to her sometimes, her love for him won't waver.
"S-sir? Are you sure about this?" Nanginginig ang kaniyang boses dahil sa sobrang sabik. Raziel sighed and nodded his head.
"Change seats. Sa aking harap ka umupo," seryoso nitong ani sabay turo sa upuan na nasa harapan nito. Leah gulped multiple times. Mas lalong nagwala ang kaniyang puso. Minsan lang ito magsalita ng tagalog. At kapag nagsasalita ito ay para siyang mahihimatay sa lamig at suwabe ng boses nito.
"Saang harap ba sir?" Raziel paused and looked at her dumbfounded. Mabilis na umiling-iling siya sa lalaki at natatarantang tiningnan ito.
"I-I'm just joking sir, don't take it seriously," kinakabahan niyang saad habang iniiwas ang paningin sa seryosong mukha ni Raziel. Hindi ito nagsalita kaya mas lalo siyang kinabahan.
Minsan lang siya mag joke sa lalaki. At sa tuwing nag j-joke siya ay hindi ito tumatawa. Hindi niya alam kung corny ba ang joke niya pero seryoso lang ang reaksyon nito pagkatapos niyang mag joke.
Should I learn how to joke properly? I should have learned that when I was still studying.
She's busy being his secretary. Kung mag t-take lesson siya kung paano mag joke at bumanat nang maayos ay baka ma miss siya ng lalaki.
"What are you doing? Sit down now." Napaigtad siya sa seryosong boses nito at mabilis na umupo sa harap nito. Nahihiyang tumingin siya sa kaniyang boss.
Kahit na matagal na niya itong kilala ay hindi niya pa rin maiwasan na mahiya sa lalaki. Parang nakita na ata ng lalaki ang lahat ng katangahan na ginawa niya.
When she was still studying in the most prestigious school in the country, people called her the human brain. When she heard them call her that, she immediately gave them a smack.
Alam niyang matalino siya pero ayaw niyang binibigyan siya nang kung ano-anong nickname. Sabi ng iba ay napakatalino niya pero pagdating sa lalaki ay nag l-loading na lang bigla ang kaniyang utak.
She became stupid when it comes to Raziel. Hindi niya alam kung bakit pero ang weird nang epekto sa kaniya ng lalaki.
Is loving someone as mighty as Raziel is different from loving a normal being? I should have known that since my Raziel is amazing.
Hindi niya mapigilang mapangiti sa gitna ng kaniyang pagkain. Just thinking about him already makes her smile like an idiot.
Raziel stared at his secretary who's acting weirdly. Leah is smiling like a fool while chewing her food. He couldn't help but smirk as he watched her eat. Her mind seems to be somewhere else.
Leah is really interesting. Her expressions always make him oddly happy.
He shook his thoughts away. Kinuha niya ang kaniyang baso na may lamang wine at uminom ng kaunti. He slowly placed it down back in the table. He sits back and crossed his arms on his chest.
"You seems happy." Leah flinched and quickly gazed at her boss who has been staring at her without her knowledge. Napangiwi siya at nahihiyang napa kamot sa likod ng kaniyang ulo.
Dang it! He caught me! Ang tanga ko siguro sa paningin niya, juice colored.
"R-really? I'm not though," pagdadahilan niya at mabilis na uminom ng juice. Muntik pa siyang mabilaukan dahil sa kaniyang pagmamadali.
"Hmm..." Raziel hummed softly while still staring at her. Nahihiyang nag-iwas siya ng tingin dito. Ramdam niya ang pag-iinit ng kaniyang pisngi. She pinched her legs lightly when embarrassment started to embrace her.
Dang it! Lamunin na sana ako ng lupa.
Gusto niyang umalis sa harap nito dahil sa sobrang kahihiyan, pero ayaw niya namang gumawa ng eksena na mas lalong magmumukha siyang tanga sa isip nito.
"Do you like it?" Napatigil siya sa pag-iisip at napatingin ulit kay Raziel na ngayon ay nakatingin na sa juice na ininom niya kanina.
"Y-yeah, I like it since it's orange..." mahina niyang wika. Hindi pa rin niya magawang salubungin ang mga titig nito. Hindi nagsalita si Raziel at tumango-tango lang.
Nagpakawala siya nang buntong hininga. It's a good thing that Raziel doesn't seem to mind her being stupid.
Mag-iisang oras din silang dalawa sa restaurant bago naisipan ng kaniyang boss na bumalik na sa opisina. Tamad na umupo siya sa kaniyang swivel chair.
Ang dami pang nakatambak na paperworks sa kaniyang lamesa. Gusto niyang magwala at itapon ang lahat ng ito pero baka mas lalo siyang hindi magustuhan ng lalaki.
"Wow, may bundok ka na pala dito Leah," natatawang ani ng kasamahan niya sa trabaho. Sinamaan niya ito nang tingin. Mas lalo itong natawa nang makita ang kaniyang mukha.
"So? What's your chika for today?" Tumaas ang kaniyang kilay dahil sa tanong ng katrabaho. Umayos siya ng upo at iwinagayway ang kamay.
"Umalis ka nga, wala akong chika ngayon. Get out," nakakunot noo niyang wika. Natawa lang ito sa pangtataboy niya. She sighed when she's finally alone.
She looked at all the paperwork in her desk. Mas lalong sumakit ang kaniyang ulo dahil sa sobrang dami nito.
"Patayin niyo na lang ako," walang gana niyang sabi sabay sinimulang trabahuin ang dapat niyang trabahuin.
Gabi na noong siya ay natapos. Napatingin siya sa nakasaradong opisina ng lalaki. Hindi pa rin ito lumalabas. She sighed and looked at her wristwatch. Mag aalas otso na ng gabi.
Kinuha niya ang sticky note na nasa kaniyang lamesa at sinimulang magsulat ng mensahe para sa lalaki. Nang matapos siya ay dinikit niya ito sa pinto ng opisina nito.
Umalis siya sa kompanya nito halos mag alas dyes na ng gabi. Nang makarating siya sa kaniyang bahay ay mabilis siyang nagbihis at dumamba sa kaniyang lambot na kama.
She looked at her ceiling and thought about what happened today. She couldn't help but squealed.
Masama na ba siya kung sasabihin niya na blessing in disguise ang pagkaka disgrasya ng business partner ni Raizel?
Kung hindi siguro na postpone ang kanilang meeting ay baka hindi silang dalawa sabay na kumain.
Eating with him is a rare opportunity.
Nakangiti ang kaniyang mga labi habang pinipikit niya ang kaniyang mga mata para matulog. Pero bago pa siya makatulog ay bigla na lang tumunog ang kaning cell phone.
Tamad na kinuha niya ito at binuksan para tingnan kung sino ang nag text. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang pangalan ni Raizel.
From: Sir Raizel
Sleep well.