Kasalukuyang hinahanda ko ang aking sarili sa pagpasok sa trabaho nang maramdaman ko ang mga brasong pumulupot sa aking bewang. Napangiti ako habang dinadama ang kan’yang pagyakap mula sa aking likuran.
"Sweetheart..." malambing na bulong ni Bryan sa aking tenga.
"Hmm...?" ani ko naman sa kan’ya.
Napaharap ako sa kan’ya nang marinig ko ang kan’yang malalim na buntong-hininga.
"May problema ba?" tanong ko habang hinahaplos ang guwapo niyang mukha.
"Kailangan mo ba talagang pumasok sa trabaho? ‘Di ba puwedeng dito ka na lang sa bahay?" seryusong sabi niya sa akin.
Sa isang taon na pagiging mag-asawa namin ni Bryan ay palagi niyang sinasabi sa akin na ‘wag na daw ako pumasok sa trabaho, at sa bahay na lang raw ako, bagay na hindi ko naman gustong gawin. Mabuburyo lang kasi ako dito sa bahay, at isa pa ay sayang rin naman ang tinapos ko kung hindi ko iyon gagamitin.
"Bryan... Alam mo naman ang isasagot ko sa tanong mo 'diba? Hayaan mo na ako mag-trabaho, please...” ani ko sa kan’ya na sinadya ko pang lambingan ang aking boses habang niyayakap siya pabalik.
Alam niya na hindi ako sasang-ayon sa gusto niya dahil maraming beses na namin iyon pinag-usapan. Bumuntong-hininga siya saka hinalikan ako sa tuktok ng aking ulo.
"Okay. Pero pagnabuntis ka, titigil ka na sa trabaho, a."
Napatingala naman ako sa kan’ya sa sinabi niyang iyon. Bakas ang kaseryusuhan sa mukha niya.
Mapait akong ngumiti kay Bryan.
"Sana nga makabuo na tayo, Bryan..." malungkot kong sabi.
Hinaplos naman niya ang aking pisngi habang may ngiting sinusupil sa kan’yang mga labi.
"Makakabuo tayo, sweetheart. Dahil dadalasan na natin ang paggawa." malambing na wika niya habang sinisimulang tanggalin ang butones ng suot kong uniporme.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Bryan, may pasok ako!" suway ko sa kan'ya habang sinusubukan kong pigilan ang malilikot niyang mga kamay.
Pero alam ko na hindi ko na siya mapipigilan sa gusto niyang gawin sa akin. Nang simulan niyang halik-halikan ang aking leeg ay napa-ungol na lamang ako.
"Mamaya ka na pumasok sweetheart, ako muna ang papasok sayo." malambing na bulong niya sa tenga ko.
"Bryan!"
Napatili pa ako nang umangat ako bigla sa ere na mahina naman niyang ikinatawa. Dinala niya ako sa kama at inihiga. At doon ay sinimulan niyang tanggalin ang aming mga saplot. Hindi na ako umangal pa lalo na nang simulan niyang sambahin ang p********e ko.
...
"Kamusta ka naman, Faith?" si Yuhan iyon.
Kasalukuyang nasa canteen kami ngayon dahil lunch break namin sa trabaho. Halos araw-araw na lang ‘ata na magkasama kami sa trabaho ay hindi nawawala ang pangungumusta niya sa akin.
Uminom muna ako ng tubig bago ko siya sinagot. "Okay naman ako, Yuhan. Ikaw, kamusta naman?" balik-tanong ko sa kan’ya.
"Heto, single pa rin." tipid niyang tugon sa akin. Tinawanan ko na lamang siya. Paano kasi hindi naman siya marunong manligaw ng babae, kaya ayan. Single pa rin siya.
At saka hindi na bago sa akin ang sagot niya dahil sa t’wing kakamustahin namin siyang magkakaibigan ay iyan lagi ang sinasagot niya.
"Ano’ng nginingiti-ngiti mo d’yan, Pananampalataya?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin. Lalo ko lang siyang tinawanan. Pikon na naman kasi siya.
"Wala."
"Wala daw, eh, halos mamula na ang pisngi mo sa kakangiti d’yan." tumulis pa ang bibig niya habang lumalalim naman ang gatla niya sa noo.
Pinahiran ko muna ng tissue ang bibig ko dahil tapos na rin ako kumain bago ko siya muling sinagot.
"Magpaturo ka kasi kay Dex—"
Ang kalat mong kumain," sabay punas niya ng tissue sa gilid ng bibig ko. "Nagpunas nga, hindi naman natanggal ang kalat. Tsk!" reklamo pa niya.
"Sorry naman po. Anyway, thanks, Yuhan." nakangiti kong sabi sa kan’ya na sinabayan ko pa iyon nang paggulo sa buhok niya.
At katulad nang lagi kong inaasahan kapag ginagawa ko iyon ay dumilim na naman ang mukha niya.
"Stop it, pananampalataya!" mariin niyang utos sa akin.
Ayaw niya kasi sa lahat ay hinahawakan ang buhok niya na sagana at alaga sa gel, na kapag nalaglag ang butiki roon ay siguradong paktay.
"Sus, ang arte. Kaya walang jowa eh, pano maarte." pang-aasar ko pa kay Yuhan na ikinaismid niya. Tinapik naman niya ang kamay ko. Nagsusuplado na naman kasi siya.
Ganito lang naman talaga kaming magkakaibigan noon pa man. Sweet sa isa’t isa. Saka si Yuhan ay nakakatandang kapatid na ang turing ko sa kan’ya. Matanda siya ng dalawang taon sa akin. In short, siya ang kuya sa aming tatlong magkakaibigan.
"Pag-ako nagka-jowa, who you ka sa akin." saad pa ni Yuhan na ikinatawa ko naman ng malakas.
Sus, kala mo naman matitiis niya ako na huwag pansinin.
"Edi, who you ka din!" pang-aasar ko pa sa kan’ya na lalo pa ikinaguso ng bibig niya. "Ang pikon talaga ng kuya ko." natatawa ko pang wika.
Hindi naman siya umimik kaya hindi na rin ako nagsalita ulit.
Napabaling pa ako sa cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa nang marinig ko ang pagtunong no'n.
Dinampot ko iyon upang tignan kung sino ang tumatawag. At nang makita ko ang pangalan ni Bryan sa screen ay agad ko iyon pinindot upang sagutin ang kan’yang tawag. Sumenyas na lang ako kay Yuhan ng ‘Excuse me’.
"Hello, Bryan." ani ko.
"Hi, sweetheart. Kumain ka na ba?"
"Oo, katatapos ko nga lang, eh. Ikaw nag-lunch ka na ba? Kinain mo ba ang pinabaon ko sayo kanina?" tanong ko.
Nakasanayan ko na kasi na ipagluto siya ng lunch para hindi na siya mag-abala pa na magpa-deliver ng pagkain niya. Mas tipid kasi iyon, at mas healthy pa dahil ako ang nagluto.
"Oo naman. Syempre luto mo ‘yon kaya nga palaging ubos. Bitin pa nga eh."
"Sus, ikaw talaga. Hayaan mo sa susunod dadamihan ko ang pagluto para hindi kana mabibitin. Saka para mabigyan mo rin si Paolo." ang tinutukoy ko ay ang secretary niya. Mabait din kasi iyon sa akin.
"No. Para lang sa akin ang baon ko. Bahala siyang bumili ng kan’ya." ani niya sa seryusong tono.
"Oy, Bryan, ‘wag ka ngang madamot. May kasabihan nga tayo na share your blessings, diba? Saka syempre i-seperate ko naman ang sayo, eh." paliwanag ko pa sa kan’ya. May ugali kasi ‘to na pagsinabi niya ay pinaninindigan niya talaga. Bata-isip rin minsan eh.
"Basta ayoko. Bibigyan ko na lang siya nang pambili ng foods niya." pagko-kontra pa nito.
Ang tigas talaga ng ulo. Tsk!
"Sige na nga. Bahala ka na. O, siya kailangan ko na bumalik sa trabaho, Bryan. Tapos na kasi ang oras ko." paalam ko habang binabalik sa lunch bag ang mga lagayan ng foods ko kanina.
"Okay, sweetheart. May meeting din ako thirty minutes from now. Ingat ka d’yan sa trabaho mo ha. I love you. Susunduin kita mamaya."
"Okay, Bryan. I love you too, hubby." paalam ko sa kan’ya bago ko ibinaba ang tawag.
Nangunot pa ang noo ko kay Yuhan nang tingnan ko ito. Pinapagpag niya kasi ang kan’yang damit na animo’y may insektong gumagapang roon. May pakamot-kamot pa ito sa ulo at braso.
"Anyare sayo, Yuhan?" kunot ang noong tanong ko sa kan'ya.
"Ang sweet niyo kasi kaya nilalanggam ako." makahulugang sagot niya sa akin habang patuloy pa din ito sa ginagawa sa kan’yang damit.
Malakas ko naman siyang hinampas sa dibdib na ikinaubo niya.
"f**k! Ang sakit no’n, pananampalataya!" angil niya sa akin habang hinihimas ang sariling dibdib kung saan ko siya hinampas.
"D’yan ka na nga." ani ko saka nag-martsang naglakad. Sumunod naman siya sa akin na tatawa-tawa pa.
...
Nang sipatin ko ang relong pambisig ay pasado alas singko na ng hapon. Kanina pa ako nakatambay sa canteen habang hinihintay si Bryan, katulad nang aming nakakasanayan sa loob ng isang taon na pagiging mag-asawa namin. Subalit wala pa rin ito, alas kuwatro pa natapos ang shift ko at mahigit isang oras na akong naghihintay sa kan’ya. Umiinit na rin ang pwetan ko sa kakaupo.
Sinimulan ko ulit tawagan ang numero niya pero out of coverage pa rin iyon simula pa kanina.
"Nasaan na kaya ‘yon. Mauuna na lang kaya akong umuwi, magluluto pa ako eh." pagkausap ko sa aking sarili.
Siguro bibigyan ko pa siya ng twenty minutes, at kung wala pa rin siya ay magta-taxi na lang ako pauwi.
Ngunit matapos ang twenty minutes ko na paghihintay kay Bryan ay nag-umpisa na akong maglakad palabas ng ospital nang hindi pa rin ito dumadating. Ilang beses ko ring sinubukang tawagan ang numero niya pero out of coverage pa rin iyon. Baka madami pa siyang ginagawa sa trabaho o baka hindi pa tapos ang meeting nila?
Pero bakit kaya nakapatay ang phone niya?
Napabuntong-hininga na lang ako habang binabagtas ko ang daan palabas ng Hospital.