Nakabalik na ako sa school. Nasa locker area ako ngayon. Nagaayos ng gamit ko. "Brielle~" Napatingin ako sa gilid ng marinig ang boses ni Zayriel. Sumandal siya sa tabi ng locker ko bago ako tiningnan at tinaasan ng kilay. "How are you? Balita ko nalock ka sa auditorium?" Maang maangan niya. Tumingin ako sa paligid, medyo nagulat ako ng kaunti ng makita na kasama niya si Chloe, kasama si Chloe sa minions niya? Kami lang ni Xyvill at nila Chloe ang nakakaalam ng nangyari sa araw na yun kaya lalo akong nakasigurado na siya ang may pakana non. Isinarado ko ang locker ko bago siya tiningnan.
"Ayos naman." Nag-cross arms ako. "Ang worth it nga ehh." Nginitian ko siya. "Atleast makacut out ko na sa buhay ko ang mga kaibigang inakala kong naging tunay sakin." Pagpaparinig ko kay Chloe habang nanatiling nakatingin kay Zayriel. Kita ng peripheral vision ko na napayuko si Chloe. Tumawa siya. "Kaya mag-ingat ka sa sinasamahan mo, Brielle..." Lumapit siya sa tainga ko. "... Malay natin pati yung... Babaeng buntot ng buntot sayo magawa rin ang bagay na yun." She let out a soft chuckle upon observing the change in my expression. I clenched my fist. Valkyrie isn't like that. Sinabayan ko ang tawa niya kaya napatigil siya. "Thanks sa concern... pero confident naman ako na hindi niya magagawa yun." Unti unting kumunot ang noo niya. "Hindi siya bayaran kagaya ng mga kaibigan mo na lumalapit lang pag may kailangan sayo." Matamis na ngiti kong sabi.
*Pakk!* Ramdam ko ang pamamanhid ng pisnge ko. Ohh, I hit a nerve. Dahil sa sampal niya tumalsik ang salamin ko sa sahig. Itinaas ko ang kamay ko at agad rin siyang sinampal. *Paakk!* Sinampal ko rin siya ng mas malakas, pero dahil sa mahaba kong kuko at patilos nitong hugis, Nadaplisan ang pisnge niya. Kung ikukumpara yung haba ng daplis sa pisnge niya, kasing haba siguro ng taklob ng lipstick. "Fuck..!" Astang sasabunutan niya ako ng may kamay na pumigil sa kaniya. "Zayriel, enough." Tiningnan ko ng expressionless si Noah.
Unti unting nawala ang galit sa expression ni Zayriel at tiningnan si Noah ng may pagkagulat na expression. "Noah?? You transfer here?" Kunot noong tanong niya. Magkakilala sila? Pero hindi na impossible yun kasi kapatid niya si Serena. Seryoso kaming tiningnan ni Noah. "Ba't kayo nag-aaway?" Hindi ako sumagot."Are you seriously asking that? She's getting on my nerves! Look what she did on my face!" Inis niyang turan, tiningnan siya ni Noah. "Your parents knew this?" Tanong ni Noah. Nanlaki ang mga mata ni Zayriel ay nag-iwas ng tingin. "N-No! It's just a cat fight."
I-recite ko kaya isa isa ang pinaggagawa mo sakin ha. Tapos sabihin mo kung cat fight parin ang pagaaway natin. Binitawan ni Noah ang kamay niya. "Don't cause trouble again. Or else I will tell all of this to your parents." Mariin niyang sabi astang aalis na siya pero napatigil siya ng sumigaw si Zayriel. "Wow, makaasta ka. Kasal na kayo ni Ate? Ha? Pamilya na kita?" Sarkastik na tanong ni Zayriel. Pero iniwan na kami ni Noah. I look at his back, he's really serious about what he said before. I can still remember it.
"If we ever met by accident, let's pretend we don't know each other." Those were the lines he said pagtapos niya akong iwan at sumama sa kapatid ni Zayriel, si Serena."Aghh! F*ck, he's so annoying!" Nagpapapadyak na umalis si Zayriel kasama ang minions niya. Pero syempre hindi mawawala ang sama ng tingin niya sakin. "Hindi pa tayo tapos." Bulong niya habang nagiigting panga. Pagkaalis nila, saglit akong napatingin sa direksyon na pinag alisan ni Noah. Nagbuntong hininga ako at iniling ang ulo. Same as ever, Noah. Selfish as always.
***
"Class,"
"We will be having a class retreat this upcoming Saturday." Napatunghay ang ulo ko sa announce ni Ma'am Vane. Naghiyawan ang mga estudyante. Nakaubob ako kanina kasi free time, tuwing nakikita ko kasi likuran ni Noah, ewan ko ba, bumibigat parin pakiramdam ko. "Ma'am san po?" May isang estudyanteng nag tanong. "Sa Pearl Sands Retreat House 'nak" Sagot ng Adviser namin. Nagtaka ako ng unti unting nagsitinginan ang mga estudanyate na direksyon ni Dash. Kaya napatingin rin ako sa kaniya. Ang katabi niya sa upuan ay si Vladimir. Kita kong napakamot siya ng ulo bago kami tiningnan. Nakikitingin lang talaga ako kahit hindi ko alam ang nangyayari.
"The beach resort is owned by his family." Napatingin ako sa direksyon ni Xyvill ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa batok ko. Agad akong napasandal sa upuan ko dahil sa sobrang lapit niya, as in close up na close up. Tanginang lalaking 'to ang perpekto. Wala man lang ka-pores pores sa mukha ehh. Agad akong napalunok bago nagsalita. "Ahh. O-Okay." Dahan dahan na siyang lumayo kaya nakahinga na ako ng maluwag.
Bakit palagi nalang, feeling ko tuwing lumalapit si Xyvill sakin, para akong magkaka-heart attack? Ang bilis ng kabog ng dibdib ko! Iniling ko ang ulo ko at sinubukang i-focus ang tingin sa una. "Class, I'm expecting all of you to attend. After all, Class Retreat natin 'to. Makakaasa ba ako ng perfect attendance?" Saad ng teacher namin. "Yes, ma'am." Sagot nila. Palihim kong nilingon si Xyvill na nakatingin sa una. Ang gwapo niya pag nakaside profile. Eto na naman oh, yung puso ko. Nagsisimula na naman kumabog ng malakas. I swear, something is really wrong in my heart.
***
Uwian na, nagpapack na ako ng mga gamit pero napatingin ako sa una ng marinig ko ang boses ni Noah. "Brielle," Napalingon ako sa direksyon niya "Can we talk privately?" Seryoso niyang tanong habang nagsasakbit ng bag. He saw me without glasses earlier. Sure ako na kilala na niya ako. I thought iniiwasan niya ang problema namin pero mukhang hindi. Isinakbit ko ang bag ko bago siya tiningnan. "Gusto ko rin siya kausapin pero... Pwedeng wag muna ngayon?" Isip isip ko. Hindi pa ako ready ehh.
Napatingin ako sa gilid ko kasi biglang sumabat si Xyvill. "Just spill the tea. Talk here and hurry. We have plans later." Kita ko ang bahagyang pagkunot ni Noah ng noo dahil sa malamig na boses ni Xyvill. Tiningnan niya ako bago ibinalik ang tingin kay Xyvill. "Plans later??" Tanong niya. Tinaasan siya ni Xyvill ng kilay, "What do you think?" Pagbalik niya sa tanong ni Noah. Napailing ako ng ulo habang nakatingin sa kaniya. May pagkachismoso rin pala ang lalaking 'to. Tiningnan ko si Noah, nakatingin na siya sakin.
***
"Ouch naman! Dahan dahan!" Napapapikit kong sabi kay Xyvill habang pinapanood siya. "I'm being gentle" He said in a serious voice while looking into my eyes. "Masakit parin. Dahan dahanin mo pa." Dagdag ko, nakaluhod siya sakin ngayon habang minamasahe yung paa ko. "Meow!" Napatingin ako sa gilid ng biglang sumulpot yung puting pusa na kinuha namin ni Xyvill kanina sa kalsada. Wondering about kung ano ang nangyari? Well, ganito kasi yan...
Nakasakay ako ngayon sa kotse ni Xyvill. Naginsist na ihatid ako, sumangayon na lang din ako kasi mukhang nakaalis na sila Liam at Valkyrie. Atsaka, ewan ko ba dito kay Xyvill. Ang lapit lapit na ng bahay namin ehh, binabalak pa akong ihatid. Habang nasa biyahe kami, nagtaka ako ng ibang direksyon ang tinatahak ni Xyvill. "Xy," tawag ko. "Pakaliwa yung apartment namin," Pagbanggit ko kasi baka mamaya nalito lang siya saglit. "I know," Napaawang ang labi ko sa sagot niya. He knows bakit niyan pa ikinanan?
"San mo ko dadalhin?" Tumingin siya sakin pero hindi sumagot. Inang lalaki 'to ahh. "Xy, sinasabi ko sayo, itigil mo ang kotse, bababa na ako." Seryoso kong sabi pero hindi niya ako pinansin. Pinaiinit ng lalaking 'to ang ulo ko. Porke't gwapo siya tingin niya palalampasin ko 'to? "Calm down, Brielle. I won't do anything without your consent." Seryoso niyang saad habang ako ay tinitingnan. Nag-iwas ako ng tingin at tumingin sa ibang direksyon. Mariin akong napapikit. He won't do anything... Aba! Talagang gusto may consent ko pa?! Namula ang magkabilang pisnge ko.
Napatingin ako sa kaniya ng magsalita siya. "It's about Charles Noah." Seryoso niyang saad. "He's your Ex, right?" Nag-iwas ako ng tingin at hindi sumagot. "I want to know more about you, Brielle. I'm talking about the real you." Mahinang pagpapaliwanag niya pero sapat na ito para marinig ko. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Napatingin ako kay Xyvill ng inulit niya ang kaniyang sinabi. "I want to know you more." Seryoso pero ramdam ko ang ka-sinceran sa kaniyang boses. Ilang minuto kaming natahimik hanggang mapagdesisyunan ko ng magsalita.
"Nung grade 2, I think around seven years old ako nun..." tumingin ako sa bintana, lumulubog na ang araw. "Strikto ang nanay ko, yung tunay kong nanay. Doctor siya pero ang pangarap talaga niya is maging politician. Nasa pamilya na kasi namin yun, family of doctors ang side ni papa eh. Since hindi niya natupad ang pangarap niya, sakin niya lahat pinasa. Bata pa lang ako pero inireready na niya ko sa law school. Tapos madalas, lagi niya akong isinasali sa mga contest na mas matatanda sakin ang participants." Pagkukwento ko habang nagdadrive siya. Kahit hindi ko siya tingnan alam kong nakikinig siya.
"Yung ugali ng Nanay ko ang naging dahilan ng hiwalayan nila ng tatay ko. Nasasakal na kasi siya sa family rules ng pamilya ni papa. Tapos ako binabalingan niya ng init ng ulo... Bawal lumabas, control ang diet, control ang tulog..." kinagat ko ang aking labi at pinagpatuloy ang kwento. Imagine ha, bata pa ako nun. "Tanda ko pa, umabot sila ng korte kung sino ang kukuha sakin pero nanay ko ang nanalo kaya sobrang takot ko nun. Ginawa naman ng tatay ko dati ang lahat para lang makuha ako pero nung nagtagal rin. Nagsawa rin siya." Dagdag ko. "Nakakilala siya ng bagong babae, nagmahal ng bagong pamilya."
"Nanatiling ganon ang takbo ng buhay ko hanggang tumakas ako sa samin at inampon ng tita ni Liam. Kala niya nagkaamnesia ako pero ang totoo hindi lang talaga ako umiimik dahil sa trauma. Nang pumasok ako sa LIB, nakilala ko sa LIB si Liam at si Noah." Pinaglaruan ko ang kuko ko. "Sila ang nagbigay ng kulay sa buhay ko. Tinulungan nila akong magadjust at makalimot." Saglit akong napatawa ng maalala ang masasaya naming naging memorya. Unti unti ulit na nagfade ang ngiti sa labi ko. "Tumagal ang pagsasama namin ng ilang taon... Pero nagbago rin lahat ng dumating siya." Tiningnan ko si Xyvill, agad siyang napatingin sakin.
"Yung ex ni Caspian... Si Serena." Unti unting napakunot ang noo niya sa aking sinabi. Base sa observation ko, naging laruan muna ni Serena si Xyvill at Caspian. Pero yung pagiging sila ni Noah? Hindi ko alam kung seryoso siya. "Anong nangyari?" Tanong niya habang itinitigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada tsaka pinatay ang makina. Dito, tuluyan na siyang nakinig sakin. "It all starts with a bet," Panimula ko ulit.
"May something na samin ni Noah non. Ang pagkakatanda ko, naglaro kami nun ng truth or dare, tas dinare ni Liam si Noah na painlove-in si Serena sa kaniya within 30 days kasi daw hindi niya maikama. Ako naman, hindi ko yun ganon inisip kasi, laro laro lang naman ehh. Hindi ko alam na sineryoso pala nila." Tiningan ko si Xyvill. "Niligawan ni Noah si Serena... Kaya kinausap ko si Liam... ang sabi niya sakin 'laro lang kaya wag na ganon pagtuunan ng pansin.'" Nagbuntong hininga ako. "Kaya ganon ang ginawa ko, sinunod ko ang sinabi niya. Hanggang malaman ko galing din mismo kay Liam na inlove na si Noah kay Serena."