Chapter 23 - Pool Party

1307 Words
It's been two days since the elevator incident. Naglalakad ako ngayon sa corridor. That incident keeps bothering me. After that night, wala kaming imikan ni Xyvill. Hindi naman sa iniignore niya ako at iniignore ko siya, wala lang talaga kaming time para pagusapan yun. At wala akong balak na iopen up yung topic na yun sa kaniya. Napatingin ako sa likod ko ng may biglang kumulbit. Si Caspian lang pala. Nasa likod niya yung dalawa, si Dash at Vladimir. "You're not with Liam nor Valkyrie today." Panimula niya ng convo habang nagsasakbit ng bag at sinasabayan ako sa paglalakad. "Absent si Liam." Sabi ko. Nang hindi siya nagtanong ng dahilan, nagsalita ulit ako. "Busy naman si Valkyrie." Napatingin ako kay Dash ng bigla siyang sumingit sa usapan. "Bakit absent si Liam?" Tanong niya sakin. "May inaasikaso ata sa Bahay" Maikli kong sagot. Tumango tango siya sakin. Habang naglalakad kami, pansin ko ang kakaibang tingin sakin ng mga estudyante. Lalo na yung mga babae. Pinag walang bahala ko na lang, halata naman na dahil kasama ko ang 'A4' kuno nila. *** "Brielle." Nagsusuklay ako ng buhok habang nakaupo sa study table pero napatingin ako kay Valkyrie ng tinawag niya ako. Nasa kwarto ko siya ngayon, nakahiga sa kama ko habang pinaglalaruan yung teddy bear na stuff toy sa gilid. "Hmm?" Like what I promise on Angelo. I tried to open myself on Valkyrie, and it's not a bad thing after all. "Bukas na yung pool party sa bahay ni Caspian. Anong isusuot mo?" Tanong niya sakin. Kunot noo akong napatingin sa kaniya. Pool party? Yun bang about sa birthday ni Caspian. Pool party pala yun. "T shirt at shorts na lang siguro." Sagot ko, pinaglaruan koyung dulo ng buhok bago kinulot. Ramdam kong bumaba sa kama ko si Valkyrie. 8:37 PM na. Simula naging medyo naging close kami ni Valkyrie, halos inaraw araw na niya ang pagtambay sa kwarto ko tuwing gabi. Tapos saka lang siya nakakauwi kapag kinakaon siya ni Angelo. "Anong t shirt at shorts?! Hindi, hindi pupwede," Napatayo ako ng hinila niya ako. "Ang pagkakaalam ko, dadalo rin yung mga pinsan ni Caspian na chinito. Halika, pipili tayo swimsuit!" Excited niyang sabi. Wala na akong nagawa ng hinila niya ako papalabas ng kwarto ko at dinala sa apartment nila. Pagkapasok namin sa loob, dinala niya ako sa kwarto niya at naghalikwat ng gamit sa closet. Ughh. I just want to rest. *** Nasa labas ako ng building ng apartment namin. Nasa may waiting shed. Kasama ko si Valkyrie. Nakaupo ako sa may upuan na bakal habang siya naman ay nakatayo at mukhang may kachat. Si Dash siguro. Sabi nila Dash susunduin raw kami ehhh. Ngayon na kasi yung birthday ni Caspian. Ehh sabi nila magsuswimming daw sa bahay nila. Habang naghihintay... May puting kotse ang pumarada sa harap namin ni Valkyrie. Nakasuot ako ng white croptop at black long skirt na may split sa gilid. Samantalang si Valkyrie, nakasuot ng blue summer dress na tinernohan silver sling bag. May bumaba na bintana sa passengers seat. Bumungad samin ang pagmumukha ni Dash. "Girls, hop in." Nakangiting saad niya. Binuksan ni Valkyrie ang kotse bago sumakay, sumunod na lang din ako. Pagkapasok ko sa loob, halos magwala na sa kaba ang dibdib ko ng makita si Xyvill na nakaupo sa tabi ng driver's seat, si Vladimir kasi ang nagmamaneho. Nakasuot siya ng white jogging pants, na pinatungan ng gray jacket, nakasuot rin siya ng white cap at mukhang natutulog. Bakit mukhang pagod ang lalaking 'to? Nawala ang tingin ko kay Xyvill ng magsalita si Valkyrie. "Nasan si Caspian?" Hanap ni Valkyrie sa birthday boy. Napatingin yung dalawang lalaki sa kaniya, si Dash at Vladimir, tulog si Xyvill sa unahan ehh. Si Vladimir ang unang sumagot. "Naiwan sa bahay, inaasikaso ang mga bisita--" Napatigil sa pagsasalita si Vladimir ng sumingit si Dash."Bakit mo hinahanap? Crush mo noh?" Pang asar niya kay Valkyrie. Puno ng pandidiri siyang tiningnan ni Valkyrie. "Mabubulag muna ako bago mangyari yun!" Sigaw niya rito. "Weh. Di ngaa." Pag gatong ni Dash sa kaniyang sinabi. Tumaas saglit ang sulok ng labi ko. Imagine kung magkatuluyan nga si Caspian at Valkyrie, napakaunexpected nun, lalo na at aso't pusa pa naman ang dalawang yun. *** "Wow! Ang laki naman ng bahay nila," Nanlalaking mga mata na sabi ni Valkyrie pagkababa namin ng kotse. Pinagmasdan ko ang mansion nila Caspian, maganda, malaki, at napakaadvance ang architecture. Dahil na rin siguro na parehong architect ang magulang niya. "Wala pa ang mansion na'to sa mansion ng mga Sylvester, Valkyrie." Napatingin kami sa kotse ng mabanggit ang surname ni Xyvill, mahimbing parin ang tulog niya sa kotse. "Vlad, gisingin mo." Rinig kong bulong ni Dash kay Vladimir. "Tskk. Anong ako? Ikaw na, ako na nga nagdrive!" Pagtanggi ni Vladimir sa kaniya. "Ikaw na!" Dash. "No, ikaw!" "Bakit ako?!" "Ala, ayoko!!" Halos sumakit na ulo ko dahil sa pagtatalo nila. Nagbuntong hininga ako ng malalim. Gigisingin lang si Xyvill, ang laki ba ng problemang yun? "Pumasok na kayo sa loob, ako na." Medyo irita kong sabi sa kanilang dalawa. Bahagya silang napatingin sakin bago nagtinginan sa isa't isa. "Sige/Go ahead" Sabay nilang sagot. Si Dash yung nagsabi ng sige samantalang si Vladimir yung nagsabi ng go ahead. Medyo naweirdan ako saglit sa kilos nila. May kakaibang ngisi sakin ehhh, parang hindi maganda. Iniling ko na lang ang aking ulo. Pumunta ako sa sasakyan bago binuksan ang pinto na tabi ng driver's seat. Hinawakan ko ang balikat ni Xyvill at niyuyog ng kaunti. "Xyvill... Xyvill," tawag ko pero wala effect. Nilakasan ko ng kaunti ang yugyog sa balikat niya. "Xy. Wake up." Bulong ko sa tainga niya. Hindi naman ako nabigo dahil unti unting nagmulat ang mga mata niya. Napatitig siya sakin. "T.. Tara bababa na" Agad akong lumayo ng marealize na sobrang lapit pala namin sa isa't isa. "Ohh ano nagising mo?" Tanong ni Valkyrie. Tumango ako. Hindi ko alam kung bakit parang hindi makapaniwala sila Dash sa ini-response ko. "Bro, that's new." Rinig kong bulong ni Dash kay Vladimir. Pero nanatiling nakatingin sakin si Vladimir. *door closes* Napatingin kami sa direksyon ni Xyvill ng makita naming nagsasara siya ng pinto. "What are you guys standing there? Let's go." Seryosong turan ni Xyvill, saglit siyang napatingin sakin pero agad rin na naglayo. Wait, did I just see his ears turned red? No, maybe I'm just imagining things again. Iniling ko ang ulo ko at sinundan siya. Ramdam kong sumunod na rin yung iba. Pagkapasok namin sa loob, nahagip ng mata ko si Caspian, inaasikaso nga ang mga bisita. *Splassshhhh!* Napatingin ako sa labas. Pinangunahan ni Dash ang pagdadive sa tubig. Ang bilis ng lalaking 'to ahh. Lumabas kami ni Valkyrie ng bahay at pinuntahan silang tatlo. "Brielle, Valkyrie," Kaaahon lang ni Dash sa tubig. Tumutulo pa ang tubig sa maputi niyang mukha. Topless ang katawan niya, may six pack at tanging puti na shorts lang ang suot niya. Nang makalapit siya sa direksyon namin, sinuklay niya ang kaniyang buhok bago tiningnan kami. "Lalangoy na din kayo? Yun yung restroom kung magbibihis kayo." Turo ni Dash sa gilid ng bahay na may dalawang pinto. "Sige sige, Brielle taraa!" Wala na akong nagawa ng hinila ako ni Valkyrie. Naglakad kami papunta sa tinuro ni Dash. Pagdating namin sa restroom, binigyan ako ni Valkyrie ng paper bag. "Ohh Brielle yan suot mo!" Excited niyang sabi. Tiningnan ko yung paperbag na dala niya. "Valkyrie! I said pick the green one!" Napapakamot sa ulo ko na sabi ko. Yung green one na sinasabi ko ay yung swimsuit na may sleeves pero yung dinala niya sakin ay yung itim na two-piece na may see-through. Pinamaywangan niya ako. "But it's too plain, yan suot mo, okay?" Tinulak niya ako papasok. "Magboboy hunt tayo ngayon!" Sigaw niya sa labas ng CR. Malalim akong nagbuntong hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD