Chapter 3- Xyvill

1901 Words
"Woww! Ang ganda mo!" Excited niyang sabi. Astang hahakbang siya papalapit sa kin pero umantras ako. Natigilan siya sa kilos ko. Damn... Dapat hindi ko na hinubad ang salamin ko. "Do you know her?" Rinig kong bulong nung gwapong lalaki sa tabi niya. Nilingon ko sila, tinanguhan siya ni Valkyrie. "Mhm Hmm. Magkaklase kami" Sagot naman niya. Nilingon ako nung lalaki bago nagpakilala. "Hi, I'm Vaughn Angelo. Kyrie's brother" Pakilala niya habang nilalahad ang kamay sa harap ko. Kinuha ko ito at nakipagshake hands. "Brielle." Maikli kong sabi. Pinagmasdan ko silang magkapatid. Sobrang gwapo at ganda, attractive parehas. Lalakas siguro ng genes ng magulang ng dalawang 'to. "Brielle, come inside!" Nakangiting sabi ni Valkyrie bago at hinila papasok. Aangal pa sana ako pero mabilis na niyang naisara ang pinto. I sweat dropped. Nakita ko ang Kuya ni Valkyrie na pumunta sa sala bago nagbuhat ng tatlong kahon na magkakapatong, pumunta siya sa isang silid. "I'll take you to my room, Brielle." Nilingon niya ako bago nginitian. Hinila niya ako papunta sa isang kwarto. I sigh deeply. "Valkyrie, I still have homeworks to do." Pagdadahilan ko ng madala niya ako sa kwato niya. Pink ang theme ng kwarto niya. Halos magkasing laki lang ang kwarto namin, ang pinagkaiba lang ay kulay at disenyo. Tumingin siya sakin habang may hinahalikwat sa study table. "We can do our homework together, Brielle. Hindi parin ako nagsisimula sa essay natin eh" Saad niya habang malawak parin ang ngiti sa labi. Napaawang ang labi ko. Excuse ko lang talaga yung homework para senyasan siyang gusto kong umuwi pero may homework pala talaga kami. *** Kapapasok ko palang sa apartment namin, agad kong sinarado ang pinto at sinandal ang ulo ko dito. Malalim akong nagbuntong hininga... hindi parin ako makapaniwala na si Valkyrie ang bagong kapit bahay namin. Bakit nangyayari 'to, sabi ng hindi na ko didikit kung sino sino pero. "Bakit ba ang clingy clingy ng babaeng yun?" bulong ko sa hangin. Pabagsak akong humiga sa kama. Astang tutulog na ako ng maramdaman kong hawak hawak ko parin yung yellow paper kung saan nakalagay yung essay ko. I still have to finalized it tomorrow morning, tapos ililipat ko pa sa bond paper. I have to wake up early. Astang tutulog na ako ng may makita akong note na nakalagay sa taas ng essay ko. 'Good night, Brielle! See you tomorrow! :>' - Valkyrie. Kumunot ang noo ko. Tsk. What does she mean by tomorrow? Huminga ako ng malalim. Nevermind. It's already late. Time to sleep. Hinayaan ko ang sarili kong lamunin ng antok. *** Nasa bahay pa ako ngayon. Nakabihis na ako ng uniform habang dala dala ang bag. Papalabas na ako ng kwarto, pagkapihit ko ng doorknob, nagdaretso ako sa kusina para magpaalam kay mama na aalis na ako, nagtaka ako ng makitang wala siya, astang pupuntahan ko ang kwarto niya ng mapadaan ako sa CR sa may kusina. Tatlo ang banyo ng apartment namin. Isa sa kwarto ko, isa sa kwarto ni mama at isa sa gilid ng dirty kitchen. "Ma--" Magsasalita sana ako ng marinig kong may kausap sa cellphone. "Hmm. Maayos ang lagay namin ni Brielle... Mukhang hindi pa siya handang kausapin ka.... Sige sige." Natigilan ako. Agad kong tinikom ang labi ko bago umantras papalayo. Mukhang alam ko na kung sino yun. Iling iling akong tumawa ng mahina. Ano pa bang kailangan niya? Nagpunta ako sa kusina at uminom ng tubig. Ilang saglit ang nakalipas, lumabas na si mama ng CR. "Brielle?" Tawag niya sakin. "Nandito ako Ma." Normal na boses kong sabi habang nagpapanggap na walang nangyari. "Papasok ka na?" Tanong niya. Tumango ako. "Magkano pa ang allowance mo?" tanong niya habang nilalapitan ako. "Wala pa pong bawas, Ma." sagot ko habang pinaglalaruan ang baso ng tubig sa isang kamay. Kumunot ang noo niya na parang nagtataka. "15k parin? Bakit hindi mo ginagastos?" tanong niya. "Iniipon mo ba kasi may gusto kang bilhin? Sabihin mo nalang sakin, Brielle ako na ang bibili---" "Maaa...." Ungot ko. "Isa ka siguro sa pinakaweird na mga nanay na hindi natutuwa dahil nagiipon ang anak niya" Sabi ko sa kaniya, nagbuntong hininga siya ng malalim. "Kaya nga kita binibigyan ng malaking pera para magastos mo ang gusto mo!" Kiniliti niya ang magkabilang gilid ng tiyan ko. "Hahahaha t-tama na! Ma!" Tumatawa kong saad. Napatingin kami sa pinto ng may magdoorbell. *Ding! Dong!* "Sino yun? May mga naging kaibigan ka na ba?" Excited na sabi ni Mama ng mapalingon ako sa kaniya. I rolled my eyes. "You know that was impossible to happen Ma---" Nagsasalita pa lang ako pero nung nilingon ko siya binuksan na niya ang pinto ng apartment namin. Ang bilis niya ahh. Nang mabuksan niya ang pinto, nagulat ako ng makita si Valkyrie, kasama niya yung kuya niya, nakacollege uniform ng SIS. Binasa ko yung tag sa gilid ng uniform niya. 'BSIT' Pansin kong dalawang bag ang dala niya, kay Valkyrie siguro yung isa. "Hello po, good morning! Classmate po ako ni Brielle, yayakagin ko po sana siya pumasok kasabay ko." Nakangiting sabi ni Valkyrie kay Mama habang nakalagay ang dalawang kamay sa likod. Malalim akong nagbuntong hininga, so this is what she means by see you tomorrow. "Wahh! Hello, ako ang mama niya. Anong name mo ineng?" Excited na sabi ni Mama. "Valkyrie po hehehe" Nakangiti niyang sagot. *** Kasabay ko sila ngayon. Naglalakad kami ngayon papunta sa school. At ang awkward ng atmosphere. O kami lang ng kuya ni Valkyrie ang awkward kasi kanina pa akong dinadaldal ni Valkyrie. "---What's your favorite food? Mine is pizza with lots of cheese!" She asked. I sighed. "Anything edible," I replied. She stays quite a little. "Ohh. Then what's your favorite color?" She asked again while smiling. "Black" I replied again. We reached the school. I never heard her speak again. Napatingin kami parehas sa kuya niya ng magsalita ito. "Kyrie, I'll send you two. Same class, right?" Saad ng kuya niya. "Yeah! But don't you have your own class, kuya?" She asked. "9:40 am pa" Sagot niya. Habang naglalakad kami sa hallway. Iba't ibang bulungan ang naririnig ko. "Hey, look. Who's that handsome guy?" Girl 1. "Maybe he is a freshman." Girl 2. "Yeahh. Maybe." Girl 1. "The pretty girl beside him is quite familiar.." Girl 3. "Beh, siya yung sumuntok kay Caspian." Girl 4. Bakit ang daming marites? Pagkadating namin sa classroom. Unang pumasok si Valkyrie. Papasok na din sana ako pero may humila sa dulo ng bag ko at binuhat ako pabalik na parang laruan. Nilingon ko yung Kuya ni Valkyrie. Why is he so tall? Itiningala ko ang tingin sa kaniya. Halos hanggang dibdib niya lang ako ehh. "Why are you so cold to my sister." Panimula niya ng seryoso. Napasandal ako sa pader ng inilagay niya ang kamay niya sa pader habang nakatingin sakin. He pins me on the wall. We make eye contact. "Can't you tell that she's genuine?" I stare at him. The compassion of Valkyrie's brother is admirable. "Tell her to stay away from me." Seryoso kong sabi. Unfortunately, Kyrie chose the wrong person to form a friendship with."She's bothering me." Dagdag ko pa. Nagsalubong ang kilay niya at tiningnan ako ng masama. "You---" He was about to speak but someone interrupted. "Move" Maikling sabi ni Xyvill. Tiningnan ko siya. Masama ang tingin niya kay Vaughn at sakin. Medyo napakunot ang noo ko. Ang lawak ng daan tapos dito pa siya dadaan sa gitna namin na nakadikit sa pader. Hindi ako gumalaw dahil nakapin ako sa pader, tiningnan ko si Vaughn unti unti na siyang lumayo sakin bago sinakbit ang bag niya sa isang balikat. "Yuck nerd." Girl 1. "How dare she flirt with the new guy?!" Girl 3 said in a hysterical tone. "She's damn annoying!" Girl 2. Napataas ang isang kilay ko at tiningnan yung tatlong babaeng may hawak na mga makeup. Inirapan nila ako bago tuluyang umalis. "Hah.." Hindi mapakapaniwala kong singhal. Flirt? Tsk, Vaughn Angelo is obviously threatening me. Are they deaf? This is why I hate onlookers. Manonood at makikinig na lang nga, bubulag at bibingi pa. Iling iling ulo akong pumasok sa classroom namin. Pupunta sana ako sa upuan ko pero napatigil ako ng may maalala ako. Tiningnan ko si Xyvill, may kung ano siyang inesketch sa notebook niya. At mukhang balewala lang sa kaniya ang nangyari sa labas kanina. "I shouldn't be seated next to him." Bulong ko. Naghanap ako ng bakante pang upuan. May nakita ako sa sulok ng classroom, naglakad ako papunta dito bago umupo. Binuksan ko ang bintana bago huminga ng malalim. Hinayaan kong tumama ang hangin sa mukha ko at hanginin ang buhok ko. Hindi pa bukas ang aircon sa classroom. Maingay ang classroom dahil wala pa yung teacher namin. Maaga pa kasi. Mga 15 minutes pa siguro bago magsimula ang klase. "....." - The entire class falls silent. Napatingin ako sa paligid ng biglang tumahimik yung mga bubuyog na nagiingay. As in ni isa, walang nagsasalita. Wala pa naman yung teacher. Napakibit balikat na lang ako. "Anong ginagawa mo? Alis." Valkyrie said seriously. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Valkyrie at Xyvill sa gilid ko. Bale ang itsura nila ngayon ay nakahawak sila parehas sa bakanteng upuan na katabi ko habang parehas sakbit sakbit ang bag. Blankong tiningnan ni Xyvill si Valkyrie. "I got here first." Napakunot bahagya ang noo ko ng marealize kung ano ang nangyayari. "Pinagaagawan nila kung sino ang uupo sa tabi ko." Napapaface palm kong isip isip. Gets ko kung bakit gustong tumabi sakin ni Vakyrie. Pero hindi ko gets si Xyvill. "Seriously? Look at that girl! After she seduces Caspian she's now trying to get Xyvill's attention!" Girl 1 stating nonsense. "Such a famewhore. Lagot sya sakin mamaya..." Girl 2 also. Tiningnan ko sila Valkyrie at Xyvill, nagbibigayan sila ngayon ng masamang tingin sa isa't isa. Hindi ko alam ang gagawin sa dalawang 'to. Pero infairness bagay sila ha, parehas may perfect visuals. "Class, goodmorning." Napatingin kami sa harap ng biglang dumating ang teacher namin sa Bio. Dahil focus ang tingin namin sa harap, kinuha ni Xyvill ang chance na yun para makaupo sa tabi ko. Nanlalaking mga matang napatingin si Valkyrie kay Xyvill. Agad na umusok ang ilong niya habang pinapanood si Xyvill na tahimik na nagbubukas ng bag. "Aba't---" Valkyrie. "Ms. Houston, right? Why are you standing? Take your own seat." Sabi ng teacher kaya walang nagawa si Valkyrie. "Look. Xyvill follow that ugly nerd." Girl 1. "Don't tell me she seduces him?" Girl 2. "Ohh come on. Xyvill won't like her. She's just an ugly creature." Girl 3. "That's right, girl. Xyvill is so perfect." Girl 4. Hindi ko pinansin ang pinasasabi nila at tumingin na lang sa labas ng bintana. Halos ilang minuto ang lumipas bago ako kinausap si Xyvill. "Don't listen to their nonsense." Panimula niya. Nilingon ko siya habang nakalagay ang baba ko sa palad ko. Pagkaharap ko sa kaniya, nakita ko siyang nakaheadphone. Ng maramdaman niya akong nakatingin, tinanggal niya ang headphone niya sa isa niyang tainga bago ako nilingon. "But it's true that I like you" Seryoso niyang saad ang ibinababa ang kamay sa table niya. Hinintay ko ang sunod niyang sasabihin. I know what he means isn't romantic... "You're the only girl who isn't attracted to me." Seryoso at maikli niyang dagdag. Ihinarap ko ang tingin ko sa una at hindi na siya tinuunan ng pansin. Walang nagtanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD