Chapter 32 - New Student

1985 Words
"Liam," tawag ko kay Liam na nagcecellphone. Nandito siya sa bahay namin, naglalaro sa cellphone niya habang nakahiga sa sofa. Samantalang ako nakaupo sa mini couch ng sala habang may yakap yakap na unan. "Ohh?" Bored niyang react. Nilagay ko ang unan sa mukha ko bago umungot. Gusto kong sabihin sa kaniya lahat. But I don't know where to start! No, kailangan ko 'tong sabihin sa kaniya. Humarap ulit ako sa direksyon niya. "Liam." Tawag ko ulit pero mukhang tinopak yung loko, nabalikwas ako sa pagkakaupo ng ibinaba niya ng pabagsak ang cellphone sa table. "Augh! Ano ba kasi? Kanina ka pang Liam Liam... Liam na ng Liam wala ka namang sinasabi!" Napataas ang kilay ko, binato ko siya ng unan. Nakasuot ako niya ng pambahay at hindi ko na sinuot ang salamin ko dahil siya lang naman ang tao. "Ba't ka sumisigaw?" Sigaw ko, sinalo niya ang unan na tinapon ko, ginulo niya ang buhok niya bago ako nilingon. "Sinisigawan mo rin naman ako ahh!" Pagganti niya habang salubong ang kilay. Uupakan ko talaga ang lalaking 'to. "Kids, lower down your voice!" Napatingin kami sa kusina ng sumigaw si Mama. Natahimik na kami. Like I said before, pamangkin ni Mama si Liam. Pero si Liam? Hindi ko siya pinsan dahil hindi ako biological na anak ni Mama. you could say na inampon niya ako. Humilatay sa sofa si Liam bago ako tiningnan. "Ano ba kasing nangyari?" Kaniyang tanong habang nagcocross arms. Umayos ako ng upo."Yung A4 kasi..." Nagbuntong hininga muna ako. "Ang hirap nila ipredict." Napataas ang kilay niya. "Bakit?" Tanong niya. "Ewan ko rin, ang hirap iexplain." Napakagulo ng relationship ni Caspian at Xyvill. Tas pansin ko pati si Dash nanghihimasok. Pero si Vladimir, wala pa kong ganong issue na naririnig sa kaniya. Talagang yung problema niya lang sakin ay yung rangko. Tiningnan ko si Liam na mukhang naguguluhan na sa pinagsasasabi ko. Napakamot siya ng ulo bago tumayo. "Bahala ka nga jan, pangit mo kabonding." Masungit niyang sabi. Astang kukunin niya ang cellphone niya pero napatigil siya sa sunod kong sinabi. "Xyvill know my real name," Naestatwa siya at tiningnan ako mula sa likod. Puno ng katakahan ang mukha niya. "Pano niya nalaman, sinabi mo?" Kunot noo niyang tanong, iniling ko ang ulo ko. "Hindi ko sinabi. Kaya nga sinasabi ko sayo baka ikaw ang nadulas sa pagsasabi ehh." Pagsisi ko sa kaniya kahit alam kong hindi niya magagawa yon. Lolokohin ko muna 'to saglit. "Ba't naman kita ilalaglag? Yung sinabi ko lang naman sa kaniya, pangalan ni Noah---" Napatakip siya sa kaniyang bibig ng marealize niya ang kaniyang sinabi. Unti unti siyang napalingon sa direksyon ko, what? Sinabi nga niya? Ang daldal talaga ng lalaking to. Agad akong napatayo at kinuha ang isa pang unan sa gilid. Unti unti siyang napaantras ng unti unti akong lumapit. "Aza namann, joke lang ehh!" Banggit niya sa nickname ko pero hindi ko siya pinansin, ng makalapit ako sa kaniya, pinaghahampas ko siya ng unan sa ulo. Sampul! "Ang tanga mo rin noh! Sikat banda natin sa LIB dati! Pagnaisipan ni Xyvill na magbackground check, marirealize niyang tayo ang tinatawag na Trio sa liberty international school!" Inis kong asik. Agad siyang lumayo. "Ma-Marami namang Noah sa school! Nagooverthink ka langg! Atsaka wag mo kong hampasin---Ouch! Masakit! Di ko na kasalanan yun!" Pagdadahilan niya habang lumalayo sakin. Ng makawala siya astang hahabulin ko pero kumaripas siya ng takbo. Bwisit na lalaking yun. Nagbuntong hininga ako ng dumaretso siya sa banyo. Kakainis talaga ang lalaking yun. Pabagsak akong umupo sa sofa at isinandal ang aking ulo. *** Homeroom na namin. Kaya adviser ulit namin ang nasa harapan. Halos hindi ako makatingin sa direksyon ni Xyvill. Sobrang naaawkwardan ako. Ang dami kong kagagahan na pinaggagawa! Hindi ko alam kung nag-ooverthink lang ako o parang maya't maya siyang napapatingin sa direksyon ko. "Class. He's here. Welcome your new classmate," Nabaling ang tingin ko sa harap ng magsalita yung Adviser namin. Tiningnan ko ang lalaking pumasok. "Sh*t, ang gwapo!" "Eykk! Pwede ba siyang isali sa A4??" "Gaga! Edi pag sinali sa A4, di na sila magiging A4!" "Edi A5!!" "Ala bahala ka nga jan! Pero tangina beh, pang laban kay Xyvill!" Tila nanigas ang buong katawan ko ng makita kung sino ang pumasok. "Please introduce yourself." Parang tumigil ang lahat, hindi magproseso ang utak ko. "Hi, I'm Charles Noah Cruzzat. Please take care of me 'till the end of the school year." Maikling boses niyang saad. Ibinaling ko ang tingin kay Liam na napaayos ng upo at tila nagulat rin. Tiningnan ko si Noah, iginagala niya ang kaniyang tingin sa paligid hanggang mapadako ang paningin niya kay Liam. Nagtitigan sila saglit bago siya pinaupo ng tecaher. "Okay then---By the way, anong gusto mong itawag namin sayo 'nak?" Tanong ng teacher namin. "Just Noah." He answered. "Noah, seat beside Valkyrie." Turo ng teacher namin kay Valkyrie na nasa unahan namin ni Xyvill. Sh*t.... "Ang gwapo niyaa!" Pabulong na sigawan ng mga babae sa kabilang row, tskk. "Class, take care of him. Help him adjust." Agad namang sinanggayunan ng mga babae. Nang lumapit si Noah sa direksyon namin, napatingin siya sakin. Bago napakunot ang noo, "Aza?" Kita kong buka ng kaniyang bibig pero faint sound lang. Hindi ko siya pinansin. Ramdam kong umupo siya sa harapan ko, sa tabi ni Valkyrie. Pinaglaruan ko ang ballpen ko pero ang dami paring pumapasok sa utak ko at hindi ako makafocus. To all of the place, school, and section. ba't dito pa siya sa room namin napadpad? At sa lahat ng pwesto na pwede siyang paupuin sa una ko pa?! Sh*t, I feel sick. Napatingin ako sa gilid ng may nagdikit ng kung anong malamig na bagay sa pisnge ko. Kunot noo ko itong tiningan, banana milk? Tiningnan ko si Xyvill. Parang inuutusan niya akong inumin yung laman ng bote na gawa sa plastik. Pano niya nakuha 'to. At bakit parang ang hilig niya ako bigyan ng mga ganitong bagay? Kinuha ko ito mula sa kaniya at ininom. Pagkatapos makainom tila nahimasmasan saglit ang ulo ko. Napatigil ako ng makitang nakatingin sakin si Noah. May hawak siyang ballpen habang nakalagay ang dalawang siko sa table. Iniwas ko ang aking tingin. Kaya nag-iwas na rin siya. Habang nagkaklase pansin kong madalas na naguusap si Valkyrie at Noah. Pagkatapos ng klase. Lunch break na kaya agad akong tumayo at sinakbit ang bag ko, hindi ko na hinintay sila Liam at dumaretso papaalis. Lalabas pa sana ako ng pinto pero may humawak sa braso ko. Si Liam. Inakbayan niya ako sa balikat at sinabayan sa paglalakad. "I don't know why he's exchanged here." Bulong niya sa tainga ko habang naglalakad kami. Kumaway siya sa magandang babaeng nadaanan namin, sasapukin ko 'to may time pang manchicks. "Tingin mo, kilala niya akot?" Tanong ko. He shrugged his shoulders. Pagkarating namin sa cafeteria. Umupo kami ni Liam sa isang table. "Are you okay?" Nasa harapan ko siya ngayon, pansin kong kanina pa siyang nakatingin sakin. "....." Hindi ako sumagot kaya nanahimik na siya. "Brielle!" Napatingin ako sa gilid ng makita si Valkyrie na may dala dalang tray, napatingin ako sa gilid niya ng makitang kasama niya si Noah. Nagsalubong ang mata namin pero agad akong naglayo. Umupo si Valkyrie sa tabi ni Liam na agad namang sinundan si Noah. Napahawak ako sa cellphone ko ng mahigpit. "Eto pala si Noah. Hinabilin siya sakin ni Ma'am Vane. Tulungan ko daw siya hanggang makaadjust." Rinig kong sabi niya. "I said you don't need to." Rinig kong sabi ni Noah sa kaniya. Hindi ako tumingin sa kanila at nanatiling nakatungo sa cellphone ko. "Anong don't need to. Wala ka ngang kakilala dito ehh. Sinong magguguide sayo?" Tanong ni Valkyrie sa kaniya. Napatingala tuloy ako. The three of us---Liam, Noah, and me exchange glance on each other. I never expected this kind of situation. Hindi ko naimagine dati na may time pala na uupo kaming tatlo sa isang table at magpapalitan ng tingin sa isa't isa. "Booo!" Napatingin ako sa likod ko ng may marinig akong bumulong sa tainga ko. Si Dash, malawak ang ngisi niya sakin habang may hawak hawak na tray, tumingin ako sa likod niya. Kasama niya yung tatlo at papunta sa direksyon namin. Umupo si Dash sa kaliwa ko, napatingin ako sa kanan ng makitang may dalawang tao na nakatayo. Si Caspian at Xyvill. "Move." Xyvill said seriously. "Why would I? You move." Seryoso rin sabi ni Caspian. Ang wrong timing ng dalawang 'to. Dito pa talaga magaaway ehh. Natahimik ang paligid at pinanood sila. Nagbuntong hininga ako at napahilamos sa aking mukha. Kung gusto nilang magaway, wag nilang gawing rason ang pag-upo sa tabi ko. Sakin napupunta ang atensyon ehh. Ramdam ko yung mga glare ng mga babae sakin. Napatingin ako sa direksyon ni Dash hinila ni Vladimir ang silyang inuupuan niya papunta sa gilid kaya nagkaspace yung kaliwa ko. "Hey, Dre! I got there first!" Reklamo ni Dash pero hindi siya pinansin ni Vladimir at kumuha ng silya sa kabilang table kaya kaagad naman na naghagikgikan ang mga babae rito. Ibinaba niya ang silya sa gilid ko. Nilingon niya yung dalawa na kanina ay nagpapalitan ng masasamang tingin sa isa't isa. "Just take seat. Chichildish. Kakahiya kayo." Hindi ko na lang sila pinansin. Umupo si Caspian sa kaninang pinagpupwestuhan ni Dash bago si Xyvill ang umupo sa kanan ko. Habang kumakain sila, nagcecellphone lang ako. Halos tatlo kaming hindi kumakain, si liam, ako at si Vladimir. Si Liam kagaya ko nagcecellphone pero siya nakaheadset habang nakaubob. Mukhang wala rin siya sa mood. Si Vladimir hindi siya kumakain dahil nagbabasa naman siya ng libro. Lihim kong tiningnan si Noah, tahimik lang siyang kumakain. "Ahh." Napatingin ako sa direksyon ni Xyvill ng bigla niya akong inaruhan ng kutsara at para bang gusto akong subuan. Kita ko ang sunod sunod na nagtinginan ang mga kasama namin. "I don't want to eat---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng naisubo na ni Xyvill sa bunganga ko yung kanin na may ulam. "It's not for you to decide." "Potcha." Napatingin ako sa una ng nagsalita si Liam. "Ang sakit niyo sa mata. Umalis nga kayo." Pagrereklamo ni Liam habang umaayos ng upo. Hindi ko alam pero ramdam kong namula bigla ang magkabilang pisnge ko ng sumubo si Xyvill gamit ang kutsarang ginamit niyang pangsubo sakin. Indirect kiss yun gago, "Yann, kamatis ka naman ohh!" Tinadyakan ko ang paa ni Liam sa ilalim ng table. Napaaray na naman siya sa sakit. Tiningnan ko si Noah. Nakatingin lang siya sa plato niya habang kumakain. Mukhang wala siyang pakialam sa amin. Does he recognize me? *Tsikkk!* Napatingin kami kay Caspian ng ibinaba niya ang kaniyang kutsara't tinidor at nakipagtitigan kay Xyvill ng masinsinan pero ramdam ang tensyon. Yan, magsisimula na naman ohh. Natigil ang pagtitigan nila ng nagsimula si Dash ng topic. "Hey, New Student." Tawag niya kay Noah. Kaya patingin kaming lahat sa kaniya. "San ka dati pumasok? Sa gwapo mong yan, I'm sure headache rin ang mga babae sayo." Parehas kaming napatingin ni Valkyrie kay Dash at sinamaan siya ng tingin. "Chill, girls. I'm not talking about you." He said while smiling cheekily. Napatingin kami kay Noah ng siya ay sumagot. "Liberty International School." He said while eating his salad. Nakita ng peripheral vision ko na napatingin si Dash kay Liam. "Pre, dun din ka dati pumasok diba?" Tiningnan niya yung dalawa, "Magkakilala kayo??" Curious niyang tanong. Nagtanggal si Liam ng headset bago nilingon si Noah saglit. Sumandal ako sa upuan ko, he shouldn't ask that. "No" Sagot ni Liam habang magsasalpak sana ng headset pero iba ang sinagot ni Noah. "Yes" Natahimik ang paligid sa sagot nilang dalawa, sabay kasi pero magkaiba naman ng sagot. Nagtinginan silang dalawa sa isa't isa bago parang nag-uusap sa mga mata. "Hahaha" Awkward na tawa ni Dash habang napapakamot sa ulo niya. Naging awkward ulit ang atmospera. Nahalata siguro nila na nagsisinungaling yung dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD