Chapter 5 - Liam

1981 Words
Third Person's POV "Tskk! Di ko alam kung manhid siya o wala lang talagang puso." Napapailing na sabi ni Caspian. Kalalabas lang ng dalaga sa silid. Nanatiling nakayuko si Valkyrie, tumutulo na sa kaniyang kamay ang ice cream na hawak hawak. "Wahhhhhh!" Nagulat silang lahat ng padabog na itinapon ni Valkyrie ang ice cream sa sahig at dali-daling tumayo, pinuntahan niya ang direksyon ni Caspian. Pinaghahampas niya ang dibdib nito na nagpalaki sa mga mata ng binata. "You f*cking jerk! Die! I f*cking hate youu!" Inis niyang sigaw kay Caspian, "W-What's wrong with you?! Stop it!!" Sigaw ni Caspian habang sinusubukan hulihin ang kaniyang mga kamay pero hindi nagpa-awat ang dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Dash sa kanila habang kumakain ng fries, si Vladimir naman nagbabasa ng libro at hindi sila pinapansin, samantalang si Xyvill nakaheadphone habang tinitingnan ang pintong pinaglabasan ni Brielle. "It's your fault that she left! You f*cking jerk!!" Valkyrie. "Can't you see she doesn't treat you as a friend?!" Caspian. "That's none of your concern! I'm trying so hard to get closer to her but you?! You f*cking ruin it!!" Valkyrie. "You're so weird! Bagay na bagay kayo!" Caspian. "Jerk! Bastard! Jerk!!!" Naghahabol ng hininga na sabi ni Valkyrie habang tinitignan si Caspian ng masama. Umakyat ang inis sa sistema ni Caspian. "She doesn't even want you! She disliked you, okay? Stop imposing your presence on someone who doesn't want it!!" Inis na sigaw ni Caspian. "Y- You..." Nanlaki ang mga mata niya ng mag luha ang mga mata ni Valkyrie. Kagat kagat niya ang kaniyang labi habang salubong ang kilay. Nakaramdam ng konsensya si Caspian sa kaniyang sinabi. Namayani ang katahimikan. Nabasag lang ito ng magsalita ang babae. "Brielle..." Nakayuko siya habang kuyom kamaong nakatingin sa sahig. "Brielle isn't like that!" Pagdadaretso niya sa sinasabi niya, pumatak ang kaniyang mga luha sa sahig. "She save my life once... She wasn't like that!" Itinulak ni Valkyrie si Caspian bago umalis sa headquarters nila habang nagpupunas ng luha. Pagkalabas ni Valkyrie, pabagsak na umupo si Caspian sa mini couch. Napatingin siya kay Dash ng magsalita ito. "Apologize to her Caspian," Napataas ang kilay niya. "Why should I?" Kunot noo niya na tanong niya. "'Cause it's your fault, you shouldn't talk to her like that." Tumatawa na sabi ni Dash sa kaniya habang nagsusubo ng french fries. "It's my fault? Bakit naging kasalanan ko pa? Totoo naman ahh!!" saad ni Caspian habang itinataas ang mga paa sa table. Habang nag-uusap sila. Napasulyap si Vladimir kay Xyvill ng kumuha ito ng dart sa table. "That Brielle is unpredictable, who would know if she's just trying to attract our attentio---" *Swooooshhh!* Napatigil si Caspian sa pagsasalita ng ibang may matulis na bagay ang dumaplis sa kaniyang pisnge. "f**k! Xyvill! Why did you attacked me? Are you starting a fight?!" Galit na sigaw ni Caspian habang pinupunasan ang dugo na tumutulo sa kaniyang pisnge. *Thuddd!* Nadaplisan siya ng dart na tinapon ni Xyvill. Tumusok ang dart na tinapon niya sa pinto. Tiningnan ni Xyvill si Caspian ng malamig. "Oh, sorry." Malamig niyang sabi sa kaibigan bago tinanggal ang suot na headphone. Tumayo siya at iniwan ang mga kaibigan niya sa loob. "Motherfucker..." Malutong na mura ni Caspian. Hindi maiwasan ni Dash na mapailing. Sa kanilang apat, sina Caspian at Xyvill ang madalas mag-away lalo na kung may hindi pagkakaunawaan. Sinundan ni Vladimir ng tingin si Xyvill, "What's with him..." Bulong niya, sinarado niya ang kaniyang libro. *** Brielle's POV Katatapos lang ng klase. Pabalik ako ngayon sa apartment namin. Habang naglalakad ako, napakapa ako sa cellphone ko ng mag vibrate ito. Tiningnan ko ang caller, si mama. Sinagot ko ito. "Yes, Ma?" Sagot ko. [Brielle... Wag ka muna umuwi ha.] Panimula niya. Napatingin ako sa cellphone ng marinig ko ang seryosong boses niya. Halos pabulong yung pagsabi niya sa kabilang linya. Parang may tinatago. "Bakit, Ma?" Tanong ko. [B-Basta, wag kang umuwi kaagad.] Sabi niya. Namatay na ang tawag kaya binulsa ko na ang cellphone ko. She's making me curious, I wonder what does that call about? Nagkibit balikat nalang ako at tinuon ang atensyon sa paglalakad. *** Pagkarating ko sa building. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang third floor at naglakad papunta sa apartment namin. Pagkarating ko, binuksan ko ang pinto at hinubad ang sapatos bago nagsuot ng tsinelas. "Ma, nandito na'ko!" Sabi ko bago ibinaba ang bag sa sala. Tinanggal ko ang blazer na suot suot ko bago ang necktie. Nagsimula na akong magtanggal ng damit, habang nagbubukas ako ng batones, napatingin ako sa kusina ng makita si mama na may kasamang lalaki. Nakaupo sila sa table sa kusina habang nakatingin sakin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino yung lalaki. "Liam?" Kunot noo kong tanong. May hawak siyang tasa at nakaestatwa sakin habang namimilog ang mga mata. Napaawang ang labi ko. Kita kong nasamid siya sa kaniyang iniinom habang napapatayo akong itinuro. "T-Tita... Si... Si Aza *cough!* *cough!* ba yan?!" Inilayo ko ang tingin ko bago tiningnan si Mama. Tiningnan ko siya. Nag-usap kami gamit ang mga mata. "Why is he here?" senyas ko. Gumawa siya ng iba't ibang klaseng gesture sa likod ni Liam. "He" Turo niya kay Liam. "saw" umaktong may hinahanap. "me" Turo niya sa sarili niya. "in the grocery store!" umakto siyang may itinutulak na push cart. Unti unti akong tumango. Tiningnan ko si Liam, hindi ko namalayang lumapit na siya sakin. Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko. Pinisil pisil niya ang mga ito. Ouchhh, sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw nga! I finally found you!" May ngiti na sumilay sa labi niya. Bago ako tuluyang niyakap. Napasinghap ako dahil halos hindi na ako makahinga sa mahigpit na pagyakap niya sakin. Can't breathh! Tiningnan ko si Mama. Nililigpit niya yung pinagkainan ni Liam. "I told you wag ka munang umuwi ehh" She mouthed. Frustrated akong napatingin sa gilid. Lihim nalang akong napasapo sa noo ko. Liam was one of my male best friends in my previous school. If I say male bestfriend, MALE BESTFRIEND lang talaga, walang malisya. Hindi boyfriend. *** Nasa labas ako ngayon. Nandito ako ngayon sa labas ng multi-story building, dito kami umuupahan ng apartment. Nakaupo ako ngayon sa isang bench. Papalubog na ang araw, nagiging kulay kahel na rin ang mga ulap. "Here," napatingin ako kay Liam ng inabutan niya ako ng banana milk. May hawak siyang isa pang banana milk sa kaniyang kamay. I accept the milk and give him a half-smile. Umupo siya sa tabi ko. Hindi alam kung ilang minuto na kaming natahimik. Pinapanood lang naming dalawa ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada na halos walong metro ang layo sa amin. Wala parin siyang imik pati ako kaya medyo na-akwardan ako sa atmosphere naming dalawa. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Hindi kasi siya ganito ehh. He's talkative and easy-going. "Aza," Napatingin ako sa kaniya ng tawagin niya ako. "Hmm?" Sagot ko habang umiinom sa straw. Tiningnan ko siya. Nakalagay ang isa niyang kamay sa bench habang nakacross leg na nakatingin sakin. "Do you blame me?" Seryoso niyang tanong habang naglalayo ng tingin sakin. Napakunot ang noo ko at tumingin sa malayo. He's talking about that incident. "No." Tinanggal ko ang straw ko sa bibig bago siya tiningnan. "I know you're having your own difficulties too, Liam." Binigyan ko siya ng isang maliit na ngiti. Nanlaki ang kaniyang mga mata, bago nag-iwas ng tingin. "Aza." Tawag niya ulit sakin. Inilahad niya ang isa niyang kamay sakin. Tinanggap ko ito. Hindi na ako nagulat ng hilahin niya ako at sinalubong ng isang mahigpit na yakap. "I'm here now, Aza." He said in gentle but shaking voice. Ramdam kong nanginginig ang mga kamay niya habang nakayakap sa likod ko. Nagsimulang manlabo ang mga mata ko, tiningnan ko siya. Nakaubob siya sa balikat ko, ramdam kong nababasa na din ito ng luha niya. Ramdam ko rin ang panginginig ng labi ko. "K-Kalimutan na nga natin yun. Tagal na nun eh...." Hindi siya umimik. Pagkatapos ng mahaba naming katahimikan, tila tinraydor ako ng sarili kong katawan. "You--You won't leave me like he did, right?" Kusang lumabas ang mga salitang iyon sa labi ko. Ang bigat bigat kasi ng dibdib ko. Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya. Humigpit ang yakap niya sakin. "I won't, Aza... I won't. I'm sorry." Bulong niya pero sapat na para marinig ko. *** Nasa kama ako ngayon. Nagising ako ng maramdaman kong may daliri na tumutusok sa pisnge ko. Saturday ngayon, 11:00 pm na akong nakatulog kahapon. Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan ni Liam kaya hindi ko na namalayan yung oras. Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Nakita ko ang pagmumukha ni Liam. Nakangiti siya sakin habang nakaupo sa sahig sa gilid ng kama ko. "Why are you still here?" Ungot ko. "Gisinggg." Saad niya. Hindi ko siya pinansin at sinubukang matulog. Sa sala siya natulog kahapon, ayaw niya kasi umuwi sa bahay nila. Ehh late na rin kaya dito siya natulog sa apartment namin. Nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman kong nawala na yung presensya niya. Astang tutulog ako pero narinig kong binuksan niya yung pinto ng wardrobe ko. Sinilip ko ang ginagawa niya. Hinahalikwat niya ang mga damit ko. Hayyyzt. "Ano ga, Liam?!" Antok kong tanong habang gumugulong sa kabilang side ng kama ko. "Stand up, we're going on a date today~" Excited niyang sabi habang may hawak na dalawang dress. Date? Kinunutan ko siya ng noo. "I don't want to." Bored kong sabi. Ramdam kong tiningnan niya ako. "Why not?" Tanong niya. Don't get it wrong. Hindi date as a couple yung tinutukoy niya. Code namin yun. Dining out on our favorite treats, amusing ourselves with endless chismis, talking and laughing the whole day, and exploring the mall---that's how we enjoy our friendship."Tinatamad ako." Sabi ko sa kaniya. Tumaas ang kilay niya sakin. "Hindee, tayoo!." Hinila niya ang mga paa ko. "Liaammm!" Sigaw ko. *** Nasa Timezone kami ni Liam. Naglalaro siya ng basketball habang ako naman naglalaro sa claw machine. Hindi ganon matao sa timezone ngayon. I find it a little weird kasi Saturday naman ehh. Pinindot ko ang green button bago pinagmasdan kuhanin nung claw yung stuffed toy pero ayaw parin. Naboring na ako kaya nagpunta ako sa direksyon ni Liam. Naglalaro parin siya sa ng basketball at walang kahirap hirap niya itong nashoshoot. Kinuha niya ang bolang lumabas sa Machine, ishoshoot niya sana ito pero hinablot ko sa kaniya ang bola. "Ako nga, anong bulok ah." Tinulak ko si Liam papunta sa gilid kaya wala siyang nagawa kung hindi mapakamot sa ulo at pinanood na lang ako. Ishinoot ko yung bola pero dahil gumagalaw yung ring, nagsala ito. Rinig kong asar na tawa ni Liam kaya binato ko siya ng bola na lumabas sa machine. Sinalo niya ito ng walang kahirap hirap. I forgot to tell you, basketball player 'tong lalaking 'to. Magaling maglaro. Nilapitan ako ni Liam bago binigay sakin ang bola na ibinato ko sa kaniya. "Ganito kasi yan." Inayos niya yung position ko bago hinawakan ang wrists ko. "Sige, try mo ishoot." Utos niya habang tinatanggal ang kamay niya sakin. Ishinoot ko ang bola sa ring. Shoot!! "Ano? Magaling ba ko?" Pagmamahangin ni Liam sakin. Nilingon ko siya. "Ang hangin mo." Irap ko, "Aba't---" Binabalak ko sanang pumunta sa bowling games pero. May pamilyar na boses na nagsalita. "Brielle?" Halos nanlaki ang mga mata ko ng makita si Dash sa harap ko habang may hawak na bowling ball. s**t, I'm not wearing glasses. Then, then I'm wearing a red dress. Did he recognize me? "Aza, let's play over there---" Napatigil si Liam sa pagsasalita ng makitang may lalaki sa harap ko. Nakatulala si Dash sakin. Ramdam kong hinawakan ni Liam ang wrist ko bago bumulong. "Sino yan?" Tanong niya habang nakatingin kay Dash na kunot noo paring nakatingin sakin na parang manghang mangha sa itsura ko. "Classmate." Bulong ko rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD