Chapter 2: Ambirelyn Aura 2.0

1230 Words
PAGKAPARADA ng taxi sa harap ng hotel kung saan gaganapin ang bridal shower ng kaibigan niyang si Nicole ay bumaba na siya sa taxi at dama niyang nakatutok ang mga mata ng mga taong dumadaan sa kanya. Well, hindi nakapagtataka 'yon dahil 'di makakailang maganda siya at seksi. Lumakad na siya actually hindi lang basta lakad ha, kundi rampa, she just want to own the crown this night. Pagdating niya sa entrance ngitian niya ang staff na lalaking halos tumulo na ang laway sa kakatitig sa kanyang dibdib. "Well, hindi nga naman kasi masama maging ambisyosa kung malaki naman ang iyong hinaharap." Ayan ang kanyang motto na walang makakatalo. "Goodevening ma'am, this way please," magiliw na bati ng isang babaeng staff. "Thank you!" papasalamat niya at pumasok na. Pagkapasok niya sa loob rumampa siya na tila ba nasa Miss Universe Pageant siya. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga guest habang ang mga kaibigan niya'y napatampal na lamang sa noo ng makita siya. "Buti naman dumating ka, akala namin matutulog ka na lang ngayon gabi eh," komento ni Elle habang tinitingnan siya. "Bongga ang aura sis, i love it!" nakangiting puri ni Kyla. "Thank you sis," pasasalamat niya sabay apir sa kaibigan. "'Di hindi ka pa rin talaga nagbabago, Ambi. Napakapilya mo pa rin," komento ni Angelo. Si Angelo Jules Donguines ay kaibigan niyang matalik, magkaklase sila noong college pa siya. Gwapo itong kaibigan niya, mataas at may lahing british. Kaya hindi nakakailang maraming babaeng nahuhumaling sa angking nitong kagwapuhan. Kaso mukhang wala pang balak magkanobya ang kaibigan kaya hanggang ngayon single pa rin ito. "Oy, kinakausap kita!" nakakamot sa batok na angil ni Angelo. Napakurap kurap siya. "Eh? Bakit ba gano'n ako eh, pake ko ba sa kanila, mamatay sila sa inggit kung gusto nila." Magsasalita pa sana ang lalaki ng biglang umilaw ang stage, lumabas doon ang kaibigan niyang si Nicole naka gown ito. Para itong princess sa suot at sa make-up nito. Pumalakpak sila ng lumakad ito ng dahan-dahan habang nasa gilid na naghihintay ang mapapangasawa nito na nakatingin kay Nicole. Napa "O" form ang kanilang mga labi ng makitang may hawak-hawak na mikropono si Ethan ang future husband ng kaibigan nila. Mukhang nagulat din si Nicole dahil napahawak ito sa bibig habang nakatingin sa lalaki. Nag-umpisa na itong kumanta habang ang mga mata ay kay Nicole. Hindi niya maiwasang mainggit sa kaibigan dahil meron na itong makakasama sa araw-araw at higit sa lahat tinanggap ito ng lalaki ng buong buo. Bakit? Dahil Nicole past is very terrible. She got rape when she is 12 year old at ang masakit pa ang gumawa noon ay ang lalaking halos tinuring na nito kuya. Kaya nga dapat maging maingat pa ang mga kabataan at mga dalaga dahil hindi porke kaibigan mo o pinagkakatiwalaan mo hindi ka nasasaktan at lolokohin. They can also hurt you or betray you, kaya mas maigi na yung cautious ka palagi. Hindi masama maging maingat at maging maarte, kasi sign lang yun na pinapahalagahan mo ang iyong sarili. Napatitig siya sa stage sa ngayon yumakap na si Nicole kay Ethan while looking at Nicole eyes. She smiled kasi sa wakas matutupad na ang pangarap ng kaibigan niya. Nicole's hard work paid off. She know Ethan will love Nicole purely kaya kampante siya. MEANWHILE, nagulat ang mga kaibigan ni Ambirelyn ng bigla itong rumpa tungo sa stage, nasa baba na ngayon sina Nicole and Ethan nakikipag-usap sa guest na ngayon ay natigilan ng makitang umakyat na sa stage si Ambirelyn may hawak na itong mikropono. "Good evening everyone, especially to my beautiful best friend, Nicole. Sis this is for you," nakangiting turan ni Ambirelyn Sumenyas ito sa DJ at pwesto na parang nakaluhod. "Patay! Mukhang nabaliw na talaga ang loka," napapailing na komento ni Elle. "Sinabi mo pa, marami na ata na inom niyan," dagdag ni Angelo. "Pigilan kaya natin?" nakangiwing sabi ni Krisel. "Hayaan mo siya, total nagkusa siyang pumunta riyan," si Kyla. Sabay na napabuntong hininga ang tatlo ng mag umpisa na ang music. ~Dollar bills~ It's the end of the month and the weekend, I'ma spend this check, everything on me, yeah Inalagay ni Ambirelyn ang kamay sa kanyang binti ang kamay at dahan-dahang tumayo. Iwinagayway nito ang kamay at ang hips din nito habang naka-fierce look na tila ba nang-aakit na tingin. Bini-bounce-bounce ni Ambirelyn ang balakang ganun rin ang mga kamay nito. Lumakad ito ng dahan-dahan habang pina-sway ang balakang nito at ang daliri ay nasa labi. Ngayon naman bukaka ito habang pinaikot ang ulo at kagat labi habang gumigiling akala mo sexy dancer sa club. Umikot ito at biglang umupo at pinaikot-ikot ang ulo buti na lang talaga naka-cycling ito. Nag-twerk ito na kinahiyaw ng lahat habang ang mga kaibigan nito ay sari-sari ang reaksyon pero mas malala ang kay Angelo na ibuka nito ang iniinom sa nasaksihan. Tumagilid ito bigla sabay taas baba ng balakang, kumindat pa si Ambirelyn sa kaibigan niyang si Nicole napatampal na lamang sa noo sa kabaliwan ng kaibigan. Matapos ang kanta mabilis na tumungo si Krisel at Elle sa stage at kinaladkad pababa si Ambirelyn na wala pa atang planong tumigil. "Ano nangyari sa iyo?" nag-alalang tanong ni Krisel. Pumiglas ito sa pagkawak ng mga kaibigan. "Tama na 'yan, Ambirelyn. Nakakahiya ka na!" saway ni Kyla. Umiiling ang babae. "Gusto ko pa sumayaw, bitiwan niyo ko," pagmamaktol nito. Binatukan naman ito ni Angelo. "Iuwi na kita lasing ka na eh!" Tumingin ito sa lalaki tapos ngumuso. "Hindi ako lasing, ang galing ko pa nga sumayaw diba? Diba?" Imbis na sumagot hinala ni Angelo ang kamay ni Ambirelyn at kinaladkad ito palabas na sana sa venue pero humarang si Nicole. "Saan kayo pupunta?" takang tanong nito. "Iuuwi kona 'tong baliw na 'to, lasing na ata," malumanay na sagot ni Angelo. "Huwag ka maniwala sa kanya, sis, hindi pa ako lasing," angal ni Ambirelyn. Natawa si Nicole. "Ang galing mo pala sumayaw, mabuti siguro kung lasing ka na lang lagi, ano?" Tumango-tango naman si Ambirelyn habang nakangiti, pulang-pula na ang pisngi nito saka mapungay na din ang mga mata. "Tama-tama, buti ka pa na appreciate mo," naka ngusong komento nito. Tinulak nito si Angelo naka-alalay rito, hihilahin sana ito ng lalaki pabalik pero— "Iihi ako, sasama ka? Umuwi ka na lang kung inaantok ka na... " usal ni Ambirelyn saka pasuray-suray na lumakad. Susundan sana ito ng kaibigan pero umiling-iling si Nicole na para bang sinasabing hayaan na lang nito si Ambirelyn. "Don't worry walang mangyayari masama sa kanya. Babalik din yan mamaya lang, mabuti pa bumalik ka na lang doon kila Elle," malumanay na sabi ng babae. Walang nagawa si Angelo kundi sinundan sa sinabi ni Nicole. Habang si Ambirelyn naman ay hinubad ang sandal nito at binitbit. Pasuray-suray itong pumasok sa banyong 'di man lang nag-abalang tingnan kung pambabae ba iyun o panlalaki. "What the–" mura ng lalaking nasa loob ng banyo. "Shhh, hihihihi," saway ni Ambirelyn at humikhik. Nagkatitigan ang dalawa, mamaya pa ay lumapit ang lalaking naka-formal suit kay Ambirelyn na mapungay ang matang nakatingin sa lalaki. Sa isang iglap lang sinandal nito si Ambirelyn sa tiles na dingding ng banyo. Nilagay ng lalaki ang daliri sa labi ni Ambirelyn at ang isang kamay ay sa bewang ng babae nakapulupot roon. "Do you want to come with me?" mapang akit na tanong nito. ... Binibining Mary ✍️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD