Chapter 1: Ambirelyn ambition

2031 Words
NAPATAKIP siya sa tenga dahil ayaw niya makinig sa sermon ng mga kaibigan niya dahil paulit-ulit lang naman ang sinabi ng mga ito sa kanya. Bakit daw ba kasi ang taas ng standard niya pagdating sa lalaki. Sa pagpili ng kasintahan at bakit daw ba kasi napaka-hard to get niya? Kaya lagi na lang raw malamig ang pasko niya dahil sa pagiging ambitious niya. Oo na siya na 'yong my high standards pagdating sa love. Masisi ba nila siya gusto niya lang ng lalaking katulad ng mga nababasa niya sa mga pocket book. 'Yong mga lalaking hindi lang basta gwapo kundi may utak, pera at malaking ari este ari-arian. Hindi 'yong mga tambay lang sa kanto na naghihintay lang ng abuloy mula sa gobyerno. Paano na lang pagkunwari ng kaanak sila? Paano gastusin sa bahay? Sa gatas at diaper ng bata huwag mo na idinagdag ang kuryente tubig at edukasyon ng bata iluluwal niya. Kaya wala masama sa pagiging ambisyosa, ayaw lang niya matulad sa kanya ang magiging anak niya. Mahirap na buhay na ang pinagmulan niya at ayaw niya bumalik pa hangga't maari kaya nga nagsisikap talaga siya ma-promote sa publishing company kung saan siya nag-w-work. Isa siyang writer, erotic-romance writer. Sa edad niyang 27 wala pa siya karanasan pagdating sa pakikipagrelasyon sa mga lalaki dahil wala pa siyang nakikita ng nakapasa sa standard niya. "HOY, AMBIRELYN!" Napakurap kurap siya nang marinig ang malakas na boses ng kaibigan niyang si Nicole. "Oh bakit?" tanong niya. "Lukaret ka talaga! Para rin naman sa iyo ang pinapayo namin," napapailing na sabi ni Nicole. "Oo nga naman mahirap ang mag-isa lalo pa't december na kaya sis maghanap ka ng lalaking magpapainit sa gabi mo," pilyang mungkahi naman ni Krisel. Napatitig siya sa kaibigan. "Mabubuhay naman ako ng walang lalaki sa buhay ko saka may jacket naman at kape dagdag mo pa ang kumot kaya 'di ako lalamigin," katwiran niya. "Baliw! lba pa din pag may yumakap sayo no," pangaral ni Elle. "'Pag malamig lalaki agad ang hahanapin? Hindi ba pwedeng lugaw o 'di kaya batchoy may mga itlog din 'yon," katwiran niya. Natawa ang tatlo sa sinabi niya, well magaling talaga siya magpatawa kaya nga buhay niya katawa-tawa rin. "Sabagay pero, sister-dear, ano plano mo sa matris mo? Hahayaan mo na lang bang mabulok 'yan?" nakataas kilay na tanong ng beki niyang kaibigan na si Kyla. "E-d-donate ko," poker face na sagot niya. Binatukan siya ni Kyla. "Abnormal ka talaga! Sayang te, gusto mo akin na lang?" Tumingin sa kaibigan. "Sige kunin mo kung kaya mo." "Hay, bakla kung pwede lang," pabulong na sagot ni Kyla. "Basta bukas dapat nandun kayong lahat ha! Lalo na ikaw Ambirelyn. Magpaganda ka bukas dahil maraming hot papa ang dadalo sa kasal ko bukas baka my masungkit ka," nakangising turan ni Nicole. Bukas na kasi ang kasal nito kaya nga sila nandito ngayon sa bahay nito, mamayang gabi naman gaganapin ang bridal shower nito, sa isang sikat na hotel dito sa Manila. "Congratulations nga pala ulit," aniya sabay hawak sa kamay ng kaibigan. "Thank you!" pasasalamat nito. "Mamaya huwag ka din mawawala, magtatampo ako 'pag 'di kikita mamaya," sabi nito na may pag babanta. Natawa siya. "Oo na po hindi ako mawawala pangako 'yan pero mauuna ako ngayon ha." Sabay na tumingin ang apat sa kanya at nagtatanong ang mga matang tinignan siya ng mga ito. "Bakit?" sabay na tanong ng apat. "Magpapa-check-up ako," maikling sagot niya. "Pa-check-up? Aba bakit?" nalilitong tanong ni Krisel. "Oo nga may masakit ba sa 'yo?" puno ng pag-alalang tanong naman ni Nicole. Inabot naman ni Elle ang kamay niya at pinisil iyun na tila ba sinasabi ng mga titig nito na magiging okay din ang lahat. Bumuntonghininga siya at ngumiti bahagya. "Huwag kayo mag-alala wala akong sakit, required lang talaga ako mag pa-check-up every three months alam niyo naman na hindi normal ang cycle ng menstruations ko diba? Kaya kailangan lagi ako icheck para ma-d-detect kung may something wrong ba," malumanay na paliwanang niya. Napatango-tango naman ang mga kaibigan niya. "Gano'n ba? Buti naman," ika ni Nicole na tila ba nabunutan ng tinik ang dibdib. Napangiti na din ang tatlo sabay hinga ng malalim. Tumayo na siya dahil 10:00 am na kailangan na niyang tumungo sa clinic ng Doctor niya. "Mauna naku kitakids na lang tayo mamaya," pamaalam niya. "Sige mag-ingat ka," bilin ni Krisel Tumango naman siya at ngitian ang kaibigan. "Opo, salamat." Kumaway na siya sa mga ito. Nang nasa labas na siya ng bahay ni Nicole, nakatira ang kaibigan sa isang exclusive subdivision rito sa manila. Mayaman ang magiging mister nito at nag-l-live in ang dalawa kaya magkasama na ang mga ito sa iisang tirahan at ngayong taon na isipan magpakasal. Ang swerte ng kaibigan niya, kung sana gano'n din siya ka swerte pero mukhang mailap ang swerte sa kanya. PAGDATING niya sa labas ng clinic ni Dra. Sandra Antonia napakunot ang noo niya ng makita ang dalawang tao nagtatalo. "Kung hindi ka pala handa maging ama bakit mo ako ginalaw?" galit na angil ng babae na sa tingin niya ay 20 pababa ang edad. "Ehh ba't ako lang sinisisi mo? Sisihin mo rin ang sarili mo, hindi ka naman pala handa maging ina bakit bukaka ka?" sumbat ng lalaki sa babae. Napailing na lamang siya ng marinig ang malutong na mura ng babae. "Ang mga kabataan talaga ngayon ginagawa na lamang biro ang gan'on bagay," mahinang komento niya. Nilagpasan niya ang dalawa at dumiretso papasok sa loob sumasakit kasi tenga niya sa pagtatalo ng dalawa. "Goodmorning, ma'am. Upo na po muna kayo may pasyente pa si Doc," malumanay na sabi ng Nurse ng makita siya. Kilala na siya nito kasi regular customer na siya. Tumango siya bilang sagot at umupo sa isang bakanteng upuan. Mamaya pa tinawag na ang pangalan niya, tahimik na tumayo siya at tumungo sa loob. Makaraan ang ilang minuto inaayos na niya ang kanyang sarili tapos na ang pag suri ni Doktora Sandra sa kanya. "Wala naman problema hindi po ba?" medyo kinakabahan tanong niya. Ngitian siya ng babae. "Don't worry wala naman, so far mukhang healthy naman ang matris mo" Napatango siya. "Buti naman po kung gan'on." Umalis na siya sa kama at tumayo ng tuwid. "Kailangan ko po ba bumalik rito after 3 months?" tanong niya. "Oo, kailangan para monitor natin kung may pagbabago ba o wala." Tumango-tango siya, para sa mga babae imporante ang matris dahil pag nasira ito o mawala hindi ka na makaka-anak hindi mo mararanasan maging ina. Hindi mo mararanasan ang tunay na kabuluhan na maging isang babae 'pag hindi ka naging ina. Kaya kahit wala siya kasintahan at wala balak magkaroon iniingatan niya ang kanyang matris dahil gusto niya magkaanak in future at saka ayaw niya maging matandang dalaga. Sinabi lang niyang sapat na ang jacket, kumot at itlog para uminit ang gabi niya pero deep inside her, she can't deny she need a man pero sino? Kailan niya makikita? At ano ang itsura nito? Ugali at trabaho? Napailing na lamang siya hindi naman siya maghuhula para masagot ang mga katanungan niya. Napatigil siya sa paglalakad ng may tumawag sa atensyun niya. "Miss!" Napalingon siya sa gawi kung saan ng mula ang tinig napangiwi siya ng makita kung sino ang may ari noon. Sa itsura nito at sa mga nakalagay sa mesa na nasa harap nito walang duda isa itong maghuhula. Kung sinuswerte ka nga naman, may pag-asa na siyang masagot ang mga katanungan iniisip niya. Lumakad siya palapit sa babaeng may edad na nang mag tama ang kanilang mga mata. "Ibigay mo sa akin ang palad mo, iha," malumanay na utos nito Inangat niya ang kamay at inabot sa matanda na kaagad nito sinuri ang kanya palad habang pinapalandas ang daliri sa linyang naroon. "Mukhang merong hindi inaasahang panauhin ang kakatok sa iyong pintuan, " biglang pahayag nito. "Panauhin?" Tumango ang matanda. "Oo, isang lalaki." Napataas ang kilay niya. "Lalaki?" Tumango ulit ito. "Oo, lalaki siya ang magbibigay sa iyo ng bagong problema ngunit ang problemang ibibigay niya sa iyo ay siya ring magiging susi upang matupad ang iyong hinahangad," dagdag nito. Napaisip siya sino naman kaya ang lalaking 'yon? At anong problema naman kaya ang tinutukoy nito. "Kung itatanong mo kung sino ang lalaking 'yon hindi ko masasabi sa iyo pero nasisiguro ko lang palapit na palapit na siya sa iyo," sabi nito nang mapansing natahimik siya. Napakamot siya sa leeg. "Ganun po ba?" Tumango ang matanda. "Oo iha at nakikita kung hindi magiging madali ang magiging buhay mo pagdumating na ang 'di inaasahang panauhin sa iyong buhay lalo na ang iiniwan nito problema, merong mawawala sa 'yo ngunit meron ka din makukuha." Bumuka sira ang bibig niya pero walang lumalabas na salita, gusto niyang magtanong pero 'di niya alam kung paano umpisahan hanggang sa may humila sa kamay ng matanda mula sa kamay niya. "Pasensya ka na, Ate. May sakit kasi itong lola ko, pasensya ka na talaga kung naistorbo ka man niya," ani ng tinig na nasa gilid niya. Natigilan siya at napatitig sa isang binatilyo na ngayon ay naka-akay sa matanda. "A-ayos lang," nauutal na sagot niya sa pagkagulat. "Salamat," pasasalamat nito at tumalikod na. "Teka!" pigil niya sa mga ito. "Bakit po ate?" tanong ng binatilyo. Nakita niyang umiling-iling ang matanda na tila ba sinasabi nito huwag banggitin sa apo nito ang pinag-usapan nila. "Ahhmm, wala mag-ingat kayo," sabi niya na lang. Sinundan niya ng tingin ang dalawa hanggang mawala ito sa paningin niya. Naglalakad na siya pauwi sa bahay kung saan siya nakatira na mag-isa pero hindi mawala-wala sa isip niya ang sinabi ng matanda. May katotohanan kaya ang sinabi nito? O baka naman gagawa-gawa lang iyon ng Ginang. Alinman sa dalawa kailangan niya maging handa. PAGDATING ng gabi nasa loob siya ngayon ng banyo ng babad sa bathtub habang iniisip pa din ang sinabi ng matanda. Napamulat siya ng tumunog ang messenger notification niya, sunod sunod iyun kaya inabot niya ang cellphone nasa gilid baka importante ang ng message dahil sunod sunod ang pag send nito. Buntonghininga muna siya bago niya buksan ang gc nilang lima heto lang naman pala ang ng iingay @Sexynicole Magandang gabi! Mamaya ha. @Elletangkad Opo, don't worry hindi mawawala ang diyosang si ako. @Kylaganda Simpre pa huli ba naman ako. Napailing na lamang siya, ng magsimula ng mag-ingay pa nang ingay ang group chat nila basta ang tatlo 'yon ang magsama naku, asahan mo na walang katahimikan. Napatigil siya sa iniisip ng makitang ini-mention siya ni Nicole. @Sexynicole Hoyy @Ambirelyn baka nag-pla-plano ka ng tumakas riyan, tahimik na tahimik ka na naman. Ah, patay ka talaga sa'kin kapag tumakas ka. Natawa na lang siya sa inaasta ng kaibigan nilagay niya ang cellphone sa gilid at nagbanlaw na para makapag-ayos na siya baka sinugin pa ng mga abnormal niyang kaibigan ang bahay niya kapag 'di siya dumating. Hindi talaga siya mahilig sa party pero kung para sa kaibigan niya, sisikapin niyang ma-enjoy. Pinili niyang suotin ay 'yung bagong bili niyang dress hanggang above the knee niya 'yon. Ang kulay ay pula kasing pula ng virgin lips niya, yeah, sa edad niyang 27 never been kiss and touch pa siya. Kasi nga po mataas standard niya ayaw niya ibigay ang first kiss niya sa kung sino sino lang. Dapat sa taong mahal niya at sa araw ng kasal nila. Naglagay din siya ng kaunting make-up para naman presentable siya tignan dahil paniguradong puro big time ang mga bisita ng kaibigan niya at ayaw niya mapahiya ito kaya kahit hindi naman siya mahilig mag pa ganda, keri lang para sa kaibigan niya. Matagal niyang tinitigan ang sariling reflection sa salamin. "Ang sexy ko naman," puri niya sa sarili sabay hawak sa bewang niyang manipis. Kumuha siya ng lipstick sa bag at ng lagay siya 'yong kulay pink pero maliit lang para naman hindi masyadong red na red ang labi niya kinuha niya rin ang 4 inches na kulay pula na sandal sa gilid at sinuot 'yon. Mamaya pa tumayo siya ng tuwid sabay lagay ng maliit na bag sa kanyang maliit na braso at pumalakpak. "Perfect! I'm now ready to party!" ika niya at tumalikod para humakbang palabas ng bahay niya. ... Binibining Mary ✍️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD