MALAKAS na pagbagsak ng laptop ang narinig ng sekretarya ni Mr Greyson, galit na galit ang lalaki lalo nang makita kung ano ang laman ng tape na pinadeliver kaninang umaga lang. Picture iyon ng dalawang taong nakahiga sa kama at meron pang video.
"Who the f**k did this? I'm gonna kill that bastard!" galit na galit na sabi ni Mr Greyson.
Napapikit na lamang ang sekretarya nitong matagal nang naninilbihan sa lalaki at kilala nito ang boss kapag nagalit ito ay tila itong isang bulkan hindi mapipigilan.
"Have you track that woman?" magkasalubong kilay na tanong ng lalaki.
Bumukas-dili ang bibig ng sekretarya nito na tila ba nagdadalawang isip na sabihin ang nakalap na balita o hindi.
"Answer me!!! Have you tracked that woman?? Who is she?? Why was she in my room that night??"
Bumuntonghininga ang lalaki. "I'm sorry to tell you this, sir, but our investigator haven't found any information about that woman–"
"WHAT?" pasigaw na tanong ni Mr Greyson na nanlilisik ang mga mata na animo'y anumang oras ay mangangat ito.
Napayuko lamang ang secretary nito at palihim na nagdadasal na sana'y kumalma na ang boss at hindi naman ito nabigo dahil biglang dumating ang ante nito. Kung nakakatakot ang boss niya mas malala itong donya kaya bago pa man siya mabalingan ay mabilis na tumalikod na siya at tumungo sa kanyang desk.
"What happen?" magkasalubong ang kilay na tanong ng matandang donya.
Bumuntonghininga ang binata. "Nothing, aunt."
Napataas ang kilay ng babae at minasdan ng mabuti ang pamangkin. "Kailan mo balak mag-asawa ha, Parker? Hindi na ako bumabata at gano'n ka na rin, hindi ba't may kasunduan tayong dapat ngayong taon ka magpapakasal para may magkaroon ka na din ng tagapagmana–"
Tumayo bigla ang lalaki kaya napatigil ang Ginang sa pagsesermon.
"Don't worry, aunt. I probably get married this year," sagot nito pero mababasa sa mga mata nito ang pagkalito napansin iyun ng matanda ngunit hindi na ng komento pa at tumango na lamang.
"Okay, sabi mo eh," tugon nito bago tumalikod.
Pagkaalis ng Donya nagwala uli ang lalaki sapagkat nakatanggap ito ng mensahe mula sa sender ng picture at video, sinasabing i-s-send ng mga ito kay Angeline ang mga iyun. Naitapon ng binata ang cellphone.
"RINSO!!!!" malakas na tawag ng lalaki sa sekretarya nito.
Mabilis na tumakbo ang sekretarya nito at lumapit sa among parang mangangain.
"See that girl? Find her no matter what, understand?"
Mabilis na tumango ang sekretarya nito at minasdan ng mabuti ang babae nakahiga sa kama ng presidential suite ng boss niya. The woman look like an angel, her black hair and lips are perfect.
NAPABALIKWAS ng bangon si Ambirelyn ng tumama sa kanyang mukha ang masakit na sinag ng araw. Napahawak siya sa ulo ng makaramdam siya ng hilo at tila ba hinuhukay ang sikmura niya kaya napatakbo siya sa banyo. Sumuka siya ng sumuka pero wala namang lumalabas kundi puro laway at tubig lang napahawak siya sa lababo ng makaramdam siya ng hilo.
"Acid reflux na naman ba 'to? Ay s**t!! Late na naman ulit ako! Ano ba naman yan!" pagmamaktol niya nang mahagip ng mata niya ang orasan sa gilid ng kama niya.
Mabilis na tumungo siya sa banyo ulit at hinubad ang lahat na saplot saka naligo na. Paglabas niya mula sa banyo sunod-sunod ang pagtunog ng cellphone niya hindi niya lang pinansin sapagkat kumakalam na ang sikmura niya. Napahawak siya sa noo, bakit kaya nitong mga nakaraan na mga linggo lagi siya gutom, antok at laging nahihilo. Napahawak siya sa bibig, baka-baka meron siyang cancer sa matris?? Irregular kasi ang pagdating ng dalaw niya kaya 'di siya ng takang hindi siya nadatnan noong nakaraang buwan.
Kahit nagmamadali na siya hindi pa din niya maiwasang kumain ng kumain, pakiramdam niya kasi para siyang mauubusan ng hininga kapag nagpapagutom siya, she always feel hungry, she craves burger every day mga 5 ata lagi na uubos niya with 1 gallon of ice cream, oh diba ang weird.
"Check-up ko pala mamaya," bulong niya sa sarili nang mapatingin siya sa calendar.
Matapos niyang kumain mabilis na tumayo siya at malalaki ang hakbang na lumabas sa kanyang apartment. Buti na lang at nakasay ka agad siya. Habang na sa byahe hinahanda niya na ang tenga sa sermon na aabutin niya mamaya sapagkat late na naman siya. Bakit kasi parang ayaw niya umalis sa kama niya nitong mga nakaraang linggo saka lagi rin siya inaantok.
NAPAKAMOT siya sa kanyang ulo ng maalala ang sermon ng boss niya nasa gilid siya ng kalsada ngayon tinatahak niya ang daan patungo sa clinic ng kanyang Ob Gyne.
"Akala niya naman bingi ako, kailangan talaga isigaw?? Hmp! Hindi ko naman kasalanan kung lagi akong antok at ayaw umalis ng katawan ko sa kama ko!" pagmamaktol niya.
"Goodafternoon ma'am," bati ng nurse sa kanya pagkapasok niya sa pintuan ng Clinic.
Ngitian niya lang ito, napahininga siya ng maluwag ng malamang libre ngayon ang doctor. Makakapagpa-check siya agad, pagpasok niya inutusan siya ng Dra. na huminga, mabilis na sinunod niya naman kaagad, may ginawa ito sa katawan niya habang siya napa tulala lang nakatingin sa kisame. Tahimik na dinadasal na sana walang kakaibang mangyayari sa matris niya, sana healthy ang matris niya.
"Ambirelyn..."
Nakurap-kurap siya ng marinig niya ang boses ng Dra.
"Yes, Doktora?" tugon niya at tumingin sa Dra.
Ngumiti ito sa kanya. "Hindi ka ba na datnan noong nakaraang buwan?"
Umiiling-iling siya. "Hindi po, kinakabahan nga ako Doc. Dahil weird yung mga kinikilos ko at lagi akong gutom at antok."
"Gano'n ba? Nakaramdam ka rin ba ng hilo?"
Mabilis na tumango siya. "Opo, palagi po at saka po nasusuka din po ako tuwing umaga po."
Minasdan siya ng babae tapos lumakad ito papalapit sa isang cabinet saka meron kinuha roon. Nagtatakang sinundan niya ito ng tingin nang bumalik nito ay...
"Walang kakaibang pangyayari sa matris mo kung 'yon ang inalala mo at meron na rin akong teorya kung ano ang sanhi ng mga nararamdaman mo, here use this in the bathroom," pahayag ng Doctor at inabot sa kanya ang pregnant test.
"You mean? Possible na buntis ako, Doc?" pigil hiningang tanong niya.
Pakiramdam niya bumilis t***k ng puso niya sa posibilidad na sa isip.
"Yes, Ambirelyn pero para makasiguro tayo use this PT," tugon nito at inabot uli sa kanya ang tatlong pregnancy test.
Wala sa sariling tinanggap niya iyun at bumababa sa kama at saka tulalang lumakad patungong banyo.
Kung totoong buntis siya, ano na mangyayari? Makakaya ba niyang maging isang single parent? Handa ba siyang tanggapin ang husga ng mga tao sa kanya? Na ang isang ambisyosang tulad niya ay nabuntis na hindi kilala ang ama ng dinadala? Heto na ba ang sinasabi ng matandang iiwan na problema ng lalaking kumatok sa pintuan niya? lyon ang mga katanungan na pumapasok sa kanya isip ng mga sandaling iyun.
Binibining Mary ✍️