KINAUMAGAHAN, hindi alam ni Ambirelyn kung ano ba mararamdaman niya sa sandaling minulat niya ang mga mata at napagtanto ang nasa isang silid siya ng ibang tao at ang taong 'yon ang kumuha ng pinaka-ingat-ingatan niya. Ang kanyang dangal na matagal niyang inalagaan at pinoprotektahan tapos dahil sa tangahan niya kagabi, she give it to this man. Sa lalaking hindi niya kilala para siyang nabagsakan ng langit at lupa. Wala sa sariling napatayo siya at mabilis na sinuot ang mga damit at walang imik na umalis sa lugar na 'yun pakiramdam niya mababaliw siya kapag tumagal pa siya doon.
Napatalon siya sa gulat ng marinig ang malakas na pagtunog ng ringtone niya, kinuha niya ang cellphone sa bag, nanlaki ang mga mata niya ng makita kung anong oras na, 8:00 am in the morning na at 9:30 magsisimula na ang kasal ng kaibigan niyang si Nicole. Binuksan niya ang messager napahawak siya sa ulo ng makitang kanina pa siya tinatawagan ng mga kaibigan niya, mula pa kagabi ang ibang mga messages naroon, napatulala na lamang siya hindi alam kung ano isasagot sa mga kaibigan sa oras na magtanong mga ito kung saan siya galing kagabi. Mamaya pa muntik na niya mabitiwan ang cellphone ng tumunog iyun sa pagkakataong ito ay tawag iyun, galing kay Krisel nagdadalawang isip siya kung sasagutin ba niya kung hindi. Huminga siya ng malalim at pikit matang pinindot ang answer call.
"Hello..." bati niya.
"Bruha ka!! Kagabi pa kami tawag ng tawag sa iyo, hindi ka sumasagot, alam mo bang nag-alala kami kung napano ka na, saan ka ba pumunta kagabi ha?? Ambirelyn?? Ayos ka lang ba?? Nasaan ka ngayon??"
Hindi niya alam pero tumulo luha niya kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sarili mapahikbi.
"Gano'n ba..." namamaos na tugon niya.
"Napano ka? Umiiyak ka ba? Nasaan ka ngayon?" nag-alalang tanong ni Krisel.
Suminghot siya at pinahiran ang luhang dumaloy sa pisngi niya.
"Wala ayos lang ako sinisipon lang, pasensya na nakatulog ako sa hotel suit na inakupahan ko kagabi...at papunta naku diyan..pakisabi na lang sa ibang sorry," pahayag niya.
Narinig niyang napabuntonghininga si Krisel pero suming-ayon din binababa na niya ang tawag sakto ding nasa labas na siya ng hotel kaagad siyang ng para ng taxi.
PAGDATING niya sa lugar kung saan ang mga bridesmaid ay mabilis siyang tumungo sa loob ng banyo buti na lang inaayusan ang mga kaibigan niya kaya hindi siya nakita ng mga ito. Pagkapasok niya sa banyo napapikit siya ng unti-unting dumaloy ang luha sa mga mata niya. Siguro sa ibang babae hindi 'yun big deal pero sa kanya big deal 'yun, she value her virginity so much, she plan to give it to his husband after their marriage but she lost it last night with a stranger, ano pa ngayon ang maipagmamalaki niya? Pakiramdam niya hindi lang hymen niya ang na wasak pati din pangarap niya and it's broke her heart. Panigurado kapag nalaman ng iba na, ang isang ambisyosang tulad niya na hindi naniniwala sa casual s*x at mapili sa lalaki ay basta na lamang nakipagsiping sa isang estranghero ay paniguradong pagtatawanan siya ng mga ito.
Nakasandal siya sa tiles ng banyo at pinikit ang mga mata at pilit na pinapakalma ang sarili. Pagkamulat niya ay lumapit siya sa malaking salamin minasdan niya ang mukha, mapula ang pisngi niya, bumababa ang tingin niya sa leeg at dibdib niya napahawak siya sa bibig nang makita ang mga pulang marka roon. He so rough last night at wala siyang nagawa para pigilan ang lalaki, lasing siya, wala sa sarili. Huminga siya ng malalim at mabilis na hinubad ang saplot at tingnan ang sarili sa salamin. Hindi lang pala leeg niya at dibdib ang may marka, meron din sa ilalim ng dibdib pababa sa tiyan at puson at pati sa mga hita niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin o mararamdaman ng mga sandaling 'yun. She is erotic-romance writer and she knows everything about this pero never niya ini-imagine ang sariling ma-exprience ang ganito, ang lalaking 'yon ay isang wild man. Pakiramdam niya parang anumang oras ay matutumba siya dahil sa sakit ng hita, nanginginig din ang mga binti niya.
"Ang hudyo walang patawad! Paano niya nagawang gawin ang mga bagay na 'yon sa isang babaeng lasing at walang karanasan? I hate him!!!" naiiyak na turan niya.
Mamaya pa ay nagdesisyung siyang buksan ang shower at habang dumadaloy ang tubig dumadaloy din ang luha sa mga mata niya.
SA SIMBAHAN nakatayo na siya malapit sa altar at inaabangan ang pagpasok ng bride, kay ganda ng wedding decorations sa kasal ng kaibigan niyang si Nicole hango sa fairy tale, pakiramdam nga niya kanina lumalakad siya na nasa Disneyland siya her best friend Nicole is lucky to have Ethan as her husband otherwise lucky din ang lalaki para maging husband ni Nicole because Nicole is very kind, talented and smart. Mamaya pa bumukas na ang pintuan lahat bisita ay napatingin sa bride na ngayon ay lumalakad ng dahan-dahan habang nasa tabi nito ang ama. Nicole's look like a princess sa gown nitong hango din sa gown ng mga disney princess, buhaghag ang buhok nito and guess what? Wala itong veil, bakit? 'Di raw nito gusto, natawa nga siya noong sabihin iyun ng kaibigan sa kanila. Nang mag-umpisa na ang pag play ng kantang beautiful in white wedding song iyon nina Nicole and Ethan.
You look so beautiful in white
And from now 'til my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Hindi niya alam pero tumulo luha niya lalo na nang tumigil na si Nicole sa harap ni Ethan na ng umiyak din. She also dream to be someone bride someday, to be loved and to be accepted by someone she love pero sa mga sandaling ito pakiramdam niya wala nang tatanggap pa sa kanya.
"Oyy napano ka? Kung makaiyak ka naman diyan, Ambirelyn, akala mo'y hindi kasal itong pinuntahan mo ah! Paalala ko lang sayo ikakasal ang kaibigan natin hindi ililibing kaya tumahan ka nga diyan!"
Napakurap-kurap siya at napatitig kay Elle na magkasalubong ang kilay habang sinabi ang mga katagang iyun. Tumango-tango siya at pinilit ang sariling huwag nang maiyak baka magtanong pa ito, mamaya pa sinabihan na sila ng pari na umupo.
Makaraan ang ilang oras ay ini-anunsyo na ni Father na officially husband and wife na si Nicole at Ethan sabay sabi ni Father nang, "You may now kiss the bride"
Nagsipalakpakan silang lahat. Nang araw na iyun she feel two emotions sadness and happiness. Sadness for herself and happiness for her best friend wedding.
Binibining Mary