By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
-------------------------------
“Huwag ka na lang kayang sumama sa akin sa panliligaw tol… Nakakahiya naman sa iyo. Alam ko na ang lugar, kabisado ko na ang mga tao, mababait naman siguro sila”
“Ano ka? E kung mapahamak ka? Kung may sira-ulong pagtripan ka? Sino ang masisisi?”
Natahimik ako.
“Ayoko. Basta sasama pa rin ako sa iyo.”
Kaya wala na akong nagawa kundi ang isama siya sa bawat pagdalaw ko kay Emily. Ang problema, parang nahati naman ang aking atensyon sa dalawa. Habang nakikipag-usap ako kay Emily, nakikipag-bolahan, nakikipagharutan, ang isip ko naman ay naka-focus kay Marbin. Hindi ko maintindihan ang aking naramdaman. Iyon bang hayun, may niligawan ako pero hanggang sa kahuli-hulihang oras bago ako matulog, ang best friend ko ang nasa aking tabi, hindi ako iniiwan. Hindi ko maintindihan ang aking naramdaman. Naawa para sa kanya, humanga, touched… Tuloy nasabi ko sa sariling kung babae lang sana ang best friend ko, siya na lang ang liligawan ko eh.
At sa totoo lang, matindi ang pagkatuliro ng aking isip. Para bang mas napamahal ako sa best firend ko kaysa nililigawan ko.
Isang gabi galing kami kina Emily, dumaan muna kami sa isang tindahan at bumili ng isang bote ng gin. “Tol… dahil malapit na akong sagutin ni Emily. Mag-inuman tayo” ang sambit ko.
At nag-inuman kami sa aking dorm. Sabado naman kasi iyon kung kaya ay pinayagan kami ng aking landlady. Ngunit nalasing kaming pareho sa isang bote ng gin kung kaya hindi na nakauwi sa bahay nila.
“Ok lang kungdito ka matutulog tol… lahat ng mga kasama ko sa kuwarto ay nagsi-uwian sa kanila. Ako lang ang natira kung kaya maraming bakanteng higaan sa kuwarto namin. Kahit mamili ka walang problema.” Ang sabi ko.
Nasa kuwarto na kami, pareho kaming naka-brief lang, ako ay nakahiga na sa aking kama at handa nang matulog at siya ay nakatayo pa, inikot ang mga mata sa mga bakanteng kama.
Ewan kung anong napasok sa kukote ko, biniro ko ba naman siya ng, “Kung hindi ka makapili ng higaan tol… pede ring magtabi tayo.”
Akala ko ay hindi niya kakagatin ang biro ko iyon. Ngunit nagulat na lang ako noong ibinagsak din niya ang kanyang katawan sa aking kama, sa aking tabi. “Sinabi mo eh.”
Natawa na lang ako. Parang wala lang iyon sa akin at maya-maya lang, nakatulog na ako.
HInid ko alam kung gaano katagal akong nahimbing. Ngunit nagising na lang ako noong naramdaman kong niyakap ako ni Marbin at pilit na hinawakan niya ang aking ulong nakaharap sa kanya at ang aming mga labi ay nagdikit. At hinahalikan niya ako!
Sa pagkagulat ko, pumalag ako at tumihaya ng puwesto. Akala ko ay panaginip lang ang lahat. Ngunit noong ibinuka ko ang aking mga mata, at sa gitna ng dilim, doon ko napagtanto na totoo pala ang lahat; hinalikan ako ni Marbin sa bibig!
Parang ayaw kong mainwalang nagawa iyon ni Marbin. Sa katulad niyang lalaking-lalaki ang porma at wala kang makikitang kakaiba sa kanyang kilos na maaaring mapagdudahan. Ngunit ako na rin ang sumagot sa tanong ng aking isip: marahil ay nagawa lang niya iyon dahil sa kalasingan, o marahil ay nanaginip lamang din siya.
Pinakiramdaman ko siya sa aking tabi. Hindi siya gumalaw. Nabigla rin sugoro siya sa aking ginawang pagkalas at sa naunsyaming halikan at nagising kung tulog man siya noong ginawa iyon.
Ngunit habang nasa ganoong ayos ako at hindi gumalaw, naglalaro sa aking isip ang ginawang iyon ni Marbin. At ewan… parang may kung anong kiliti akong nadarama.
Tumagilid ako, ang mukha ay sinadyang idinikit sa mukha niyang nakaharap sa akin. Sumagi pa ang ilong ko sa kanyang ilong, dinig na dinig ko ang bawat paglabas-masok ng hangin dito.
At wala pang isang minuto, sinakmal na ng mga labi niya ang aking mga labi.
Nagparaya ako. Naghalikan kaming parang mga hayop at gutom na gutoom sa pagkain. Nagyakapan… hanggang sa ang tanging ingay na naririnig sa silid na iyon ay ang mga ungol tanda ng sarap na pareho naming nilalasap.
Sa pagkakataong iyon, nangyari sa amin ni Marbin ang hindi inaashang mangyayari sa dalawang parehong lalaki…
Kinabukasan sa paggising ko, hindi ko na naabutan pa si Marbin. Maaga itong umalis. Binalik-balikan ko sa aking isip ang nangyari sa gabing iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala. Pakiramdam ko ay nawi-weirduhan ako; parang guilty bagamat may saya at sarap din akong naramdaman. Hinaplos ng aking isang kamay ang aking dibdib, pababa sa aking tiyan at sa aking p*********i. Naroon pa rin ang mga natutuyong magkahalong dagta naming dalawa. Sariwa pa ang amoy nito na dumikit sa aking kamay…
Sa buong araw ng Linggo, hindi nagpakita si Marbin. Hindi ko alam ang kanyang dahilan. At noong kinabukasan ay nagkita kami sa eskuwelahan, parang nag-iba ang kanyang kilos. Parang malungkot siya, matamlay, ayaw makipag-usap. May pangingimi akong naramdaman. Parang nahihiya akong kausapin siya…
Ngunit hindi rin ako nakatiis. Gabi pagkatapos ng klase, inantabayanan ko siya sa building kung saan siya naka-assign na maglinis.
Nabigla siya noong nakita akong nakaupo sa isang sementong bench sa gilid mismo ng kahabaan ng lilinisan niyang floor area. “Tol… pwede tayong mag-usap?” sambit ko.
“S-sige… pagkatapos kong mag mop…” ang casual niyang sagot, ni hindi man lang ngumiti.
Kaya naghintay ako. Habang nanatili akong nakaupo sa bench, pinagmasdan ko siya.
Kinuha niya ang mop, isinandal ito sa dingding. Pagkatapos, tinanggal niya ang kanyang pag-itaas na damit at isiniksik ang dulo nito sa likurang bulsa ng kanyang pantalon atsaka kinuha ang push-cart na naglalaman ng balde at sabon. Inilagay niya dito ang mop at itinulak na ang push cart patungo sa gripo sa dulo ng building.
Bakas ang lungkot sa kanyang mukha. Wala siyang imik at sa kanyang mga mata, makikita ang larawan ng isang taong pilit na bumangon, magsikap, makipaglaban, sa kabila ng hirap ng buhay.
(Itutuloy)