HABANG lumalayo nang lumalayo si Beazt ay mas nakakaramdam na siya ng pagbigat ng kanyang katawan. Nararamdaman na rin niya ang panghihina ng kanyang mga binti at hita dahil sa walang tigil niyang pagtakbo. Sa kabila ng mabigat na pressure na dulot ng Black Auras na sumasakop sa buong Purif School ay nagawa pa rin niyang makalayo. Nasa taas na siya ng isang burol at natatanaw na niya mula rito ang dalawang mataas na mga gusaling nasa taas din ng isang nakaangat pang kalupaan. Wala siyang ideya kung ano o sino ang naroon. Pero isa lang ang sigurado sa kanya. Nagmumula roon ang malakas na enerhiyang nararamdaman niya mula sa nawasak na Normal Area. Nadaanan na niya bago makarating dito ang hindi kalakihang lawa sa loob ng paaralan. Napansin niyang may isang gusali ang nakatayo roon at na