ISANG maliit na bahay ang ginawa ni Sir Shin sa itaas ng bulkan. Sa ilusyon niya, ang lugar na ito ay tinatawag na Alphamus Volcano, isang aktibong bulkan ngunit mahina lamang ang pagsabog at tanging ang mangilan-ilang lamang na pagdaloy ng lava mula sa bunganga nito ang nangyayari. Dahil din dito kaya ang kagubatang nasa ibaba nito ay yumabong nang yumabong sapagkat sa oras na sumama sa lupa ang mga inilabas ng bulkan ay napapaganda nito ang kalidad ng lupa. “Kumusta na kaya sila? Tatlong araw? Makakarating kaya sila rito?” tanong ni Sir Shin sa kanyang sarili na biglang nagpalabas ng dalawang may kalakihang mapuputing itlog. Saglit siyang lumabas at naghanap ng isang maliit na bukal at nang makakita siya ay napangiti siya. Inilaga niya ang itlog na iyon sa kumukulong tubig na iyo