HINDI pa man sumisikat ang araw ay binuksan na ng Purif School ang kanilang entrada para papasukin ang mga manonood ng gaganaping Tagisan. Makikita agad dito ang pagpasok ng iba’t ibang klase ng tao sa siyudad. Mayroong mga magagara ang suot at mayroon ding mga nakasuot ng mga simple lamang. Mayroon ding mga matatanda, at mayroon ding mga bata at kabataan. Hindi rin mawawala ang grupuhan at mayroon ding pumapasok na walang kasama. Ang media ay pumasok na rin sa loob upang makahanap ng magandang pwesto sa loob ng koloseyo. Hindi man makapunta ang lahat sa paaralan, may pagkakataon din naman ang mga nananatili sa kanilang bahay na masaksihan ito sapagkat mapapanood naman nila ito mula sa kanilang mga telebisyon. Mayroon ding mga malalaking screen sa siyudad na nagpapalabas nito para sa m
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books