"Darius!" masiglang tawag ni Diana habang nagtatakbo palapit dito.
Kahit nahihirapan siyang i-balanse ang bigat ng katawan sa makitid na daan ay todo takbo pa rin siya.
Nagtatanim ng palay si Darius kasama ang ibang tauhan sa rancho ng pamilya Davis. Malaki ang bayad sa pagtatanim ng palay sa pamilyang Davis kaya walang pinapalampas na pagkakataon si Darius.
"Diana, baka mahulog ka sa putikan!" nag-aalalang sigaw nito saka tumigil sa pagtatanim para salubungin siya.
Hindi siya nakinig sa paalala nito at patuloy pa rin siya sa pagtakbo habang iwinawagayway sa ere ang hawak na certificate.
Konti na lang at malapit na siya kay Darius, ngunit saka naman siya natisod.
Malakas siyang napasigaw at ipinikit na lang ang mga mata, inihanda na niya ang sarili sa pagbagsak sa putikan.
Ibinuka niya ang isang mata dahil hindi niya naramdaman ang pagbagsak niya, bagkus ay nakayapos sa kaniya si Darius.
Napangiti siya saka niyakap ito ng mahigpit. Ramdam niya ang mabilis na t***k ng puso nito na para bang ito ang kinakabahan para sa kaniya.
Nasisiyahan namang nakatingin sa kanila ang lahat, hindi naman lingid sa kaalaman ng mga ito na may relasyon sila. At sa katunayan ay masaya pa nga ang mga ito.
"Ano ba't hindi ka nag-iingat?" naiinis na wika nito sa kaniya bago siya binuhat papunta sa kamalig.
"Top 1 ako sa project na ginawa namin . Ito ang certificate ko!" Masaya niyang ipinakita ang certificate. "At may allowance ako sa loob ng isang taon, part ng benefits sa napanalunan ko at hindi lang 'yon, ilalagay sa art gallery ng university ang ginawa ko."
Tahimik lang na nakikinig sa kaniya si Darius, nakikita niya sa mga mata nito ang saya habang nagku-kwento siya. Para bang masaya na ito kapag masaya siya.
"Sabi ko naman sa'yo magaling ka, eh!" Hinaplos nito ang ulo niya.
"Ang sabihin mo nadala lang sila sa abs mo." Ngumisi siya.
Tinawanan lang siya nito at hindi nagkomento sa biro niya.
"Mag-celebrate tayo mamaya," wika nito bago siya halikan sa noo.
"Sige, pupunta muna ako sa mansyon ng Davis, susunduin ko si lola."
"Mag-iingat ka, love." Masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya. Matamis naman siyang ngumiti.
"Alam mo bang nakakaakit ang ngiti mo? Kaya gusto kong makita ang ngiti mo palagi dahil napaka-charming mong tingnan."
Nagpa-cute pa siya lalo. "Iyon din ang sabi ni lola na asset ko raw ang ngiti ko, kasi kapag ngumingiti ako abot daw sa mga mata ko."
"Your eyes..." He caressed her eyes gently with his fingertips, down to her lips. "...and smile, I love it." His voice was full of love and desire.
"Naku mga batang 'to! Tumigil na nga kayo sa paglalambingan diyan at naiinggit kaming matatanda rito!" saway sa kanila ng isa sa mga tauhan sa rancho.
Nagtawanan naman ang lahat pati na silang dalawa ni Darius.
Nagtagal pa siya nang ilang minuto bago siya umalis at dumeretso na sa mansyon.
Pagdating niya ay sinalubong kaagad siya ni Sir William. Isang buwan na rin ang nakalilipas magmula nang mangyari ang panlalait ng mga kaibigan nito sa kaniya.
At sa tuwing pupunta siya sa mansyon para sunduin ang lola ay ito palagi ang kasama niya sa tuwing naghihintay siya kapag napaaga ang dating niya. Kaya kinagaanan niya rin ito ng loob.
"Diana!" sambit ni Sir William, halatang masaya ito nang makita siya.
"Hello po, Sir William. Tapos na po ba ang gawain sa kusina?" Tipid siyang ngumiti.
"I think they're busy right now. Why don't you join me in the garden for a walk?"
Napatango siya. Palagi naman siya nitong isinasama kapag naglakad-lakad ito sa garden o kaya kapag tumatambay ito sa gazebo.
"Diana, hindi ba sabi ko sa'yo na William na lang ang itawag mo sa akin? At saka huwag ka ng mag-po at opo, para tuloy akong matanda."
Bahagya siyang natawa. "Sige po."
"See? There you go again." Kunwari ay galit ito kaya muli siyang natawa.
"Sige, William."
"Siya nga pala, Diana, may ibibigay ako sa'yo. Let's go to the gazebo."
Tahimik naman siyang sumunod. Akala niya ang ibibigay lang nito ay ang mga left over na pagkain katulad ng dati. Pero ngayon ay nagulat siya dahil bouquet at chocolates ang ibinigay nito sa kaniya.
"S-Sir William..." nauutal niyang sambit sa pangalan nito habang ang mga mata ay nakatuon bouquet of flowers at malaking chocolates.
"Ayaw mo ba sa mga bulaklak at chocolates?" May himig pagdadamdam ang boses nito.
Mabilis siyang napailing at sinalubong ang mga mata nito ng tingin. "Hindi naman sa ganoon, Sir William—"
"Diana..." Hinawakan nito ang magkabilaan niyang balikat. "...just call me William."
"Hindi ko matatanggap ang mga 'yan, William."
Nakita niya ang pagkadismaya sa mga mata nito, nawala rin ang ngiti sa mga labi.
"You don't like flowers and chocolates? Hmmm... Maybe you like jewelry?" Napapaisip pa ito.
"May boyfriend na ako," usal niya saka napayuko. Pinaglalaruan niya ang sariling daliri, napakagat-labi rin siya.
Paano kapag nagalit ito sa kaniya dahil hindi niya tinanggap ang binigay nito? What if William felt insulted?
William chuckled and held her chin to look at him in the eyes.
"I don't care, Diana. Sana tanggapin mo ang bulaklak na ito at chocolates, I'll give it to you as your friend." Matamis itong ngumiti.
"I'm sorry, William. Pero hindi ko matatanggap 'yan."
"You hurt my feelings, Diana," usal nito na masama ang loob. "You're the first woman to reject my simple gift."
Bumilis ang pintig ng puso niya dahil sa kabang nararamdaman. Halata sa mukha nito na nasaktan ito sa ginawa niyang pagtanggi.
Pero kahit ano ang mangyari ay hindi niya pa rin tatanggapin ang ibinigay nito. Ano na lang ang mararamdaman ni Darius kapag nalaman nitong may nagbigay sa kaniya ng mamahaling bulaklak at chocolates?
No. She will never hurt Darius' pride and feelings.
Ni minsan ay hindi pa siya nito nabigyan ng ganoong klaseng bulaklak at chocolates. Kaya alam niya kung ano ang mararamdaman nito kapag nagkataon.
She will never give him a reason to get jealous.
"I'm sorry, William," muli niyang usal. "Kapag tinanggap ko ang ibinigay mo, para ko na ring niloko ang boyfriend ko."
Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito, para bang nasisiyahan ito sa naging reaksyon niya ngayon pero ang mga mata nito ay nakikita niya ang kakaibang emosyon.
"Very well said, Diana. Fine, I won't force you to accept it. But I want you to know that what I want is what I get."
Hindi na siya umimik at tinalikuran niya na lang ito dahil bigla siyang natakot sa tono ng pananalita nito.
Lihim niyang pinagdasal na sana hindi na magtagpo ang landas nilang dalawa.
At ganoon nga ang nangyari. Sa loob ng isang buwan ay hindi na niya ito nakikita kapag pumupunta siya sa mansyon ng pamilya Davis.
Akala niya ay hindi na siya nito guguluhin pa ngunit may nangyari na hindi niya inaasahan.
Bigla na lang siyang pinatawag ng mga magulang ni William.
***