"Lola!" sambit ni Diana nang makita ang lola Remedios sa kusina.
"Muntikan ka ng ma-late," sita nito sabay abot ng apron sa kaniya. "Bawas-bawasan n'yo nga ang pagkikita ni Darius."
"Ang lakas kasi ng ulan, lola." Napakamot siya sa ulo.
Alam naman ng lola niya na matagal na silang may relasyon ni Darius at boto naman ito sa huli. Ang kinakatakot lang nito ay baka mabuntis siya. Pero maingat naman silang dalawa ni Darius kaya malabong mabuntis siya.
"Inihatid ka ba ni Darius?"
Ngumiti siya. "Opo."
"Buti naman. Sige na, hugasan mo na 'yang mga gulay at ako na ang bahala rito sa mga karne."
Tumango siya. Kulang ng tao sa mansion ngayon kaya kinuha siya ng mayordoma para tumulong ngayong araw na 'to.
Ang narinig niyang usap-usapan ng ibang mga katulong ay umuwi raw galing Amerika ang nag-iisang anak nina Mr.&Mrs. Davis, at may kasama itong mga kaibigan na taga-Maynila at galing ibang bansa.
Kaya may party ngayon para selebrasyon sa pagdating nito at para na rin sa kaarawan ni Mrs. Davis.
Sanay na siya sa gawaing kusina dahil sa tuwing may okasyon ay siya ang tinatawag para tumulong.
"Lola, ako na po ang maghihiwa niyan. Tapos na akong maghugas ng mga plato," aniya saka kinuha ang kutsilyong hawak ng lola niya. "Magpahinga mo na kayo, ako na ang bahala rito."
Kinindatan niya ito habang abot tainga ang ngiti. Napailing na lang din ang lola niya. Sa katunayan ay mabilis siyang kumilos at kapag may instructions na sinasabi sa kaniya ay mabilis niyang naiintindihan.
Alas otso na at tapos ng magdinner ang lahat pati na ang mga bisita. Buti na lang sa kusina lang siya na-assign, hindi siya nagsi-serve ng pagkain sa dining area, kung hindi ay baka hindi niya kayanin ang mga mapanghusgang mga mata ng mga mayayamang tao na nasa party.
"Ito na ang bayad mo, Diana, salamat." Iniabot ng mayordoma sa kaniya ang isang kulay puting envelop.
Ngumiti siya at sabik na tinanggap ang envelop. "Salamat po."
"Sa uulitin uli, Diana. Sige na, umuwi na kayo ng lola mo baka umulan pa ulit at mahirapan kayo sa daan."
"Sige po, Tita Esther."
Mabait sa kanilang dalawa si Esther kahit mayordoma ito sa mansion. Madaming nagsasabi na maldita raw ito at istrikto pero hindi naman.
Sa katunayan ay ito nga ang nagsabi sa kaniya na Tita Esther na lang ang itawag niya rito dahil matanda ito sa kaniya ng sampung taon.
"Mag-iingat kayo," wika nito bago sila iniwan.
Sadyang malamig lang ito makitungo sa lahat pero may pusong mamon naman ito.
Naglalakad na sila ng lola niya patungo sa main gate ng mansion, alam niyang naghihintay si Darius sa kanila sa labas lalo na at masama ang panahon.
"Lola, okay lang po ba kayo?" Napansin niya kasi na nahihirapan itong huminga.
"Oo naman, huwag mo akong isipin, okay lang ako. Masyado lang siguro akong napagod dahil busy sa kusina."
Napatango na lang siya pero sa totoo lang ay matagal na siyang nag-aalala sa kalagayan nito. Hindi lang siya nagpapahalata dahil ayaw nitong makita na nag-aalala siya rito, makakaapekto raw sa pag-aaral niya.
"Diana!"
Napalingon siya nang may tumawag sa pangalan niya. Isa sa mga katulong sa mansion ang lumapit sa kaniya na may dalang malaking flower vase na puno ng magagandang bulaklak.
"Pasuyo naman ako Diana, pakilagay naman ito sa Gazebo sa harden, sumakit kasi bigla ang tiyan ko, kailangan ko yatang pumunta sa C.R.," saad nito at halatang namimilipit nga sa sakit ng tiyan.
"Sige, ako na ang bahala." Kinuha niya ang flower vase, halos hindi makita ang mukha niya dahil sa mga bulaklak na nakalagay.
"Salamat, Diana, alis na ako!" Nagtatakbo itong umalis.
"Lola, mauna na kayo sa labas at susunod ako. Alam kong nandoon na rin si Darius."
"Oh, sige, mauna na ako."
Pagdating niya sa garden ay naabutan niya na may mga tao roon. Nag-iinuman at halatang nag-i-enjoy ang mga ito. Palagay niya ay nagustuhan din ng mga ito ang ambiance ng Gazebo.
Isa sa nagustuhan niya sa mansion ng pamilya Davis ay ang malaking Gazebo sa garden. It is a rustic modern gazebo, has a fireplace wall that keep you warm during rainy seasons.
And the cozy couch that surrounded the center table was visually appealing. Also, there are lights that illuminate the area.
"Excuse me, ilalagay ko lang po ang flower vase," magalang niyang saad.
Natahimik naman ang mga ito na kanina lang ay nagtatawanan. Napansin niya rin ang mga bote ng mamahaling alak sa center table. Apat na lalaki at dalawang babae ang nakaupo sa couch.
"Go ahead, just put it in the corner, left side," utos sa kaniya ng lalaking nasa gitna na ang mga mata ay nakatitig lang sa kaniya.
Kaagad naman siyang sumunod. Inilagay niya ang malaking flower vase sa left side corner kung saan malapit sa fireplace.
"Oh, my God! Did she really understand you, William?" nang-uuyam na palatak ng babae, maarte ang boses nito at mukhang hindi naman foreigner.
So, si Sir William pala ang lalaking kanina pa nakatingin sa kaniya, at bawat kilos niya ay sinusundan nito ng tingin.
"Maybe, she's not an uneducated maid," sabat naman ng isang babae.
"Hey girls, don't make fun of her. She looks pretty though," wika ng isang lalaki na halatang foreigner.
Bumuntonghininga siya at naikuyom ang kamao, nagpipigil na hindi patulan ang mga ito.
"Her dress looks shabby and tattered," natatawang saad ng babaeng katabi ni William sabay inom ng wine. The woman eyeing her terribly.
Napatingin siya sa sarili, sinuri niya ang suot. Luma na ang suot niyang bestida pero hindi naman ito punit-punit o sira.
"OMG! She really understand you guys!" wika pa ng isang babae sa maarteng boses saka tumawa.
"Hmm... Interesting," usal ni William habang malalagkit ang tingin sa kaniya.
"Excuse me, I understand all of you very well. As a matter of fact, I am a college student in Biliran University, I studied Fine Arts." Puno ng pagmamalaki ang boses niya. Sinasalubong niya rin ang bawat tingin ng mga ito.
Hindi siya nagsikap makapagtapos ng kolehiyo para lang laitin ng mga ito ang pagkatao niya. That's why she hated rich people, masyadong mga mata-pobre.
"Wow! Fine Arts? Hindi ba pangmayaman ang kurso na 'yon? Masyado ka namang ambisyosa!" saad ng babaeng katabi ni William.
Nakikita niya ang pang-uuyam sa mga mata nito. Tumayo ito at bitbit ang wine glass na lumapit sa kaniya.
Hinarap siya nito saka ngumisi. "And you speak English very well." Tumaas ang isang kilay nito. "Pero hampaslupa ka pa rin sa paningin namin kahit gaano pa kataba 'yang utak mo!"
Napaawang na lang ang bibig niya habang nakatitig sa babaeng kaharap.
Nakakamangha ang galit na nakikita niya sa mga mata nito. Pero parang hindi lang galit ang nakikita niya, kung hindi ay selos...
Why?
Napaatras siya. Bigla siyang natakot sa maaari nitong gawin sa kaniya. Alam niyang kapag nagseselos ang isang tao ay mahirap itong awatin o pakalmahin.
Napasinghap siya nang mapagtanto na ibubuhos nito ang wine sa ulo niya. Pero bago pa nito nagawa ay napigilan na ito ni William.
Mahigpit na hinawakan ni William ang kamay ng babae. "You're drunk, Meliz," awat nito sa babae saka kinuha ang hawak na wine glass.
Padabog na bumalik si Meliz sa kinauupuan. Samantalang si William ay nakangiting hinarap siya.
"Hi, I'm William Davis. Pasensya ka na sa mga friends ko medyo lasing na."
Parang saglit siyang nahumaling sa kagwapuhan nito ngayong magkaharap sila ng malapitan. Bukod sa gwapo ay ang amo rin ng mukha nito. Matangkad ito at maputi.
"O-okay lang po ako, Sir William."
"Ano ang pangalan mo? Alam kong hindi ka maid dito."
"Ako po si Diana, at hindi nga po ako maid. Napag-utusan lang ako."
"Ganoon ba. Pasensya ka na Diana, hayaan mo, pagsasabihan ko sila."
Sumilay ulit ang matamis nitong ngiti na alam niyang kahuhumalingan ng mga babae.
"A-alis na po ako, Sir William. Excuse me po."
Kaagad siyang tumalikod at nagmadaling humakbang palayo sa Gazebo pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang pagtatalak ni Meliz.
"f**k you, William! Did you like that garbage girl?!"
"Shut up, Meliz!"
"I'm your girlfriend, but you're staring at her like she's the woman of your dreams! f**k!"
Napapitlag siya sa narinig at mas lalo pang binilisan ang hakbang niya para kaagad siyang makaalis sa lugar na 'yon. Ngayon alam na niya kung bakit nagseselos ito.
Buti na lang hindi katulad si Darius kay Sir William na kahit may girlfriend na ay naghahanap pa rin ng iba.
Napailing siya. No. Mukhang hindi naman ganoong lalaki si Sir William, sa katunayan ang bait ng pakikitungo nito sa kaniya kanina.
Baka lang masyadong selosa ang girlfriend ni Sir William kaya lahat binibigyan ng malisya. May pakiramdam siya na mabait talaga si Sir William.
***