Nanginginig ang dalawa niyang kamay nang muli niyang kunin ang pregnancy test na nakalagay sa vanity counter. Matagal siyang nakatitig sa bagay na iyon na may dalawang guhit sa gitna.
Positive. Buntis siya.
Muli siyang napaiyak saka lumabas sa bathroom na hawak pa rin ang bagay na nagpapatunay na nagbunga ang pagmamahalan nilang dalawa ni Darius. Pero huli na ang lahat...
Muntikan na siyang mapatalon nang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa roon si William. Maaliwalas ang mukha nito at malapad ang pagkakangiti, halatang masaya. They're getting married tomorrow, kaya nga nandito na siya ngayon sa bahay ng mga Davis.
"William..." usal niya sa mahinang boses.
Kumunot ang noo nito nang makita siyang umiiyak. Lumapit ito sa kanya at masuyong hinaplos ang pisngi niya, pinahiran pa nito ang mga luhang nag-uunahang kumawala sa mga mata niya.
"Diana, why are you crying? May masakit ba sa'yo?" tanong nito, halata sa boses nito ang pag-aalala at pagtataka.
Nanginig ang mga tuhod niya. Kilala niya ito, sa kabila ng maamo nitong mukha ay ang nagtatago nitong maitim na budhi.
"Hindi kita maaaring pakasalan, William."
Bahagya itong tumawa saka tinitigan siya. Iyong klase nang tingin na parang sinasabi nitong nagbibiro lang siya.
"How about your grandmother's debt, Diana?" he asked in his dangerous voice.
Oo nga pala, siya pala ang hininging kabayaran nito dahil isang hamak lamang silang dukha, hindi nila magawang bayaran ang pagkakautang nila sa pamilya nito. Matagal ng nagtatrabaho ang Lola niya sa pamilya nito at malaki ang utang nila. Ulila na siya sa mga magulang at tanging Lola lang niya ang nagpalaki sa kanya simula pa noong bata siya.
At ngayong malaki na siya, gusto niyang bumawi kaya pumayag siyang magpakasal kay William at hiniwalayan ang boyfriend niyang si Darius, na katulad niya ay isa ring dukha.
"Babayaran ko, magtatrabaho ako para mabayaran ang pagkakautang namin sa pamilya ninyo!" asik niya.
May sakit at may mini-maintain na gamot ang Lola niya, kaya lumaki ang pagkakautang nito sa pamilya Davis. Habang siya ay scholar sa isang public school sa kolehiyo. Silang dalawa ni Darius ay scholar, 2nd year college na sila at nangako sa isa't isa na magtatapos muna sila ng kolehiyo bago magpakasal.
"Sa tingin mo sa loob ng isang taon mababayaran mo ang utang ninyo?" Tumaas ang isang kilay nito, saka inayos ang nagtikwasan niyang buhok.
Napayuko ang ulo niya, paano niya ipapaliwanag dito na buntis siya? Hindi niya maatim na magpakasal dito lalo na at buntis siya sa anak ni Darius.
Si Darius na walang alam kung ano ang tunay na dahilan kung bakit niya ito hiniwalayan. Sumikip ang dibdib niya nang maalala ang kasintahan. Naalala niya kung gaano ito nasaktan, sabay silang nangarap para sa kinabukasan nilang dalawa, nangako sila sa isa't isa pero sinira niya.
Basta ang alam lang nito ay mas pinili niya si William dahil mayaman at ito ang mag-aahon sa kanya sa kahirapan. Sino ba naman ang hindi mangangarap na maging asawa ang nag-iisang anak ng pinaka-mayamang pamilya sa bayan nila?
Hindi pa naman siguro huli ang lahat, kaya niya pang baguhin ang pagkakamaling nagawa niya kay Darius, kaya niya pang bawiin ang kasinungalingang sinabi niya rito nang hiwalayan niya ito.
Iniangat ni William ang baba niya para tumingin siya rito. Tumulo na naman ang luha sa mga mata niya. Muli na namang nanginig ang kamay niya kaya humigpit ang hawak niya sa pregnancy test.
"Magpapakasal ka sa akin bukas kung hindi ipapakulong ko ang Lola mo."
"Pakiusap, William. Huwag mong gawin ito, magtatrabaho ako para makabayad sa'yo kahit abutin pa ako ng ilang taon." Pagmamakaawa niya rito.
"Hindi ba napag-usapan na natin 'to? Bakit ngayon biglang nagbago ang isip mo, Diana?" Naningkit ang mga mata nito, senyales na galit na ito.
Nang una niyang makilala si William, ang bait nito sa kanya. Halos hindi niya ito makitaan nang masamang pag-uugali. Pero ngayon ay ibang William na ang nakikita niya.
Hinaplos nito ang pisngi niya, saka dumako sa leeg niya. Napapikit siya nang sakalin siya nito pero hindi naman mahigpit ang pagkakasakal.
"May ginawa ka bang kalokohan, Diana?" tanong nito, may pagbabanta ang tono nang pananalita nito.
Napalunok siya, paano niya ipapaliwanag dito na buntis siya kung ngayon pa lang ay gusto na siyang patayin? Mas lalong nanginig ang kamay niya dahilan para mabitiwan ang bagay na hawak niya. Lumikha iyon nang ingay sa marmol na sahig.
Kumunot ang noo ni William, saka napatingin sa sahig. Inalis nito ang kamay mula sa leeg niya saka yumuko at pinulot ang bagay na siyang magpapatunay na buntis siya. Narinig niya ang mapanuyang tawa nito nang makita ang pregnancy test.
Tumayo ito nang makuha ang bagay na 'yon, saka hinawakan nang mahigpit. Itinaas pa nito sa harapan niya para makita niya nang maayos. Gusto niyang himatayin sa takot dahil sa nakikita niyang galit sa mga mata nito.
"You're pregnant?" Nagdilim ang mukha nito.
"William–"
Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi niya, sa sobrang lakas ay bumagsak siya sa sahig. Hindi niya na rin kaya ang panginginig ng mga tuhod niya dahilan para bumigay siya. Niyuko siya nito saka sinabunutan, napadaing siya dahil sa higpit nang pagkakahawak nito sa buhok niya.
"Kailan pa?" bulong nito sa kanya.
"Hindi ko alam, William. Pakiusap, hayaan mo na lang ako," pakiusap niya bago bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata. "Babayaran ko rin kayo."
"Ikaw nga ang kabayaran, Diana! Tapos nagpa-buntis ka na hindi ko anak?" Mas lalo nitong hinigpitan ang pagsabunot sa buhok niya.
Halata sa mukha at boses nito ang matinding galit. Napapadaing siya sa bawat higpit nang pagkakasabunot nito sa buhok niya.
"Kaya hindi ako p'weding magpakasal sa'yo William," usal niya. Nangilid na naman ang luha sa mga mata niya. "Dahil ipinagbubuntis ko ang anak ng lalaking minamahal ko, ang anak naming dalawa ni Darius!"
"You, slut!" singhal nito bago siya muling sinampal. "Akala mo ba hahayaan ko na lumaki sa tiyan mo ang binhi ng lalaki mo?"
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Ngumisi naman ito, saka marahas siyang hinila patayo at pabalang siyang inihiga sa kama. Hinubad nito ang lahat nang saplot sa katawan.
"Hindi ko na mahintay ang kasal natin, Diana. Ipupunla ko na ang binhi ko sa'yo! At sinisigurado ko sa'yo na ang anak ko lang ang dadalhin mo sa sinapupunan mo!"
"William, huwag mong gawin ito, pakiusap..."
Pero wala rin siyang nagawa nang marahas siyang angkinin nito nang paulit-ulit.
***