“Anong palagay mo sa ‘ting tatlong scholar?” Halatang kabado pa rin si Coach Simoun na katabi niya ang President. Hindi talaga palangiti ang presidente at madalas ay hindi ito nasisiyahan kaagad. Iyong sabihin nitong okay ay nagdidiwang na sila dahil atleast ay pabor ito. “Okay naman sila, Mr. President, ang mga bagong talent natin ay dedicated. Si Paulo, Kevin at Aryan ay masasabi kong piling-pili kaya nai-set namin ang iba na sila ang i-compete dahil iyong level nila ay angat na. Sabi nga namin dito ay puwede na sila talaga maging artist dahil marunong silang kumanta, sumayaw, umarte at madali rin silang turuan.” Tumango-tango si Alejandro habang umiikot ang paningin. “Twenty-five na lamang sila, sir, nagkaroon na kami ng first elimination. Sa ‘ting ibang kasama sa camp training, ma