CHAPTER 3

1864 Words
Chapter 3   Inuman sa balkon ang naabutan ni Nicolette nang umuwi siya kinahapunan sa bahay nila. Balak niyang doon matulog dahil nami-miss na rin naman niya ang kanyang pamilya. Sinabi ng Mama niya na pang-umaga ang kuya niya at on leave naman ang kanyang Papa kaya maanong makitulog muna siya. “Aba, may bisita akong maganda!” nakangising sabi ng kuya Hunter niya pero sumimangot lang naman ang dalaga at may kasamang irap pa. Katabi no’n ang girlfriend na si Jessica na hindi niya kasundo dahil kung siya ay hindi pinalaki na maarte kahit na may kaya sila, iyon naman ay sobrang arte kahit na wala naman halos maipagmalaki sa buhay maliban sa pagiging Japayuki ng buong angkan. “Kuya gusto ko ng tahimik na gabi kaya please lang huwag kang magpapatulog ng ibang tao sa bahay.” Malaman na sambit niya sabay martsa papanhik ng hagdan. Nasuri niya isa-isa ang mga kainuman ng kuya niya nang makaakyat siya sa balkon at mga pulis din naman ang mga iyon. Nakangiti si Xavier sa kanya, ang best friend ng kuya niya na kinakapatid nila. Nanliligaw sa kanya si Xavier at wala naman siyang problema dahil ang totoo ay para rin iyong si Ziggy, mabait, marespeto sa babae at bini-baby siya, kaya lang hindi niya maatim na magkagusto sa lalaki. Hindi pa lang talaga siguro handa ang puso niya na magmahal ulit o baka nga hindi na. “Don’t worry, bunso. Hindi naman matutulog dito si Jes.” Akbay ni Hunter sa girlfriend na parang tutol pa at hindi napaghandaan ang sagot ng kapatid niya. “Better.” She shrugs and turned her back. “Ang taray-taray.” Biro pa ng kuya niya kaya nangiti siyang lumingon dito. Hunter pointed his cheek and Nicolette rolled her eyes as she stomped her foot, walking towards her brother. Hinalikan niya ito sa pisngi dahil alam niyang hindi ito titigil hangga’t walang kiss lalo pa at nakainom na. Pormal ito sa opisina pero kapag nagkikita sila kahit saang lupalop pa man ay talagang hindi nito nakakalimutan na magpahalik sa kanya. Kaligayahan na yata nito at ng Papa niya ang nguso niya. They call her ‘Dolly’ anyway. Para sa mga ito ay isa siyang laruang manika na pwedeng uto-utuin. “Si Papa?” tanong niya sa kapatid na yumakap sa baywang niya at halik nang halik sa braso niya. “He left. He’ll be back. He knows that his doll will spend a night here.” “Okay. Doon na lang muna ako kay Mama.” Aniya saka sinulyapan si Jessica na hindi maipinta ang mukha. Hindi niya alam kung bakit selos na selos sa kanya ang babae at talagang hindi nahihiya na ipakita sa kanya ang ganoong ugali. Sa mga magulang lang niya ito mabait o baka naman naiinggit pa sa kanya ang bruha dahil noon ay papansin din ito kay Ziggy kapag pumupunta sa bahay nila. Hindi nga rin niya alam kung anong nagustuhan ng kuya niya sa babaeng malandi. Baka naman ginagawa na rin lang na palipasan ng oras ni Hunter si Jessica. Poor lady. Palibhasa ay nagpapakita naman ng motibo kaya hindi iginagalang ng mga lalaki. If her husband was disrespectful, baka naman shoot na rin sa basket ang bruha noong mga araw na nagpapapansin ito roon. She sighed as she turned her back. Nalaglag ang balikat niya at naalala niya tuloy ang asawa niya. Na-miss niya iyon bigla kahit na kadadalaw lang niya sa puntod no’n na kahit beyanan niyang babae ay hindi na magawang dumalaw dahil nasa Japan. Siya lang ang kaisa-isang tao na hindi nakakalimot na pumunta roon. Kung pinag-cremate malamang si Ziggy ay baka nasa bag niya parati ang urn at kasama kahit saan. Malungkot siyang pumasok sa kabahayan at natanaw kaagad niya ang ina na nag-aayos ng mesa. Ngumiti ng malaki si Adeline sa kanya pero gumalaw lang ang mga sulok ng kanyang labi. “Why the saddest face on Earth, bunso? Ayaw mo bang matulog dito?” napatigil ito sa paglalagay ng mga plato sa mesa. “Of course not, Mama. I just remembered something.” Tuluyan naman siyang lumapit at yumakap sa Mama niya na ilang linggo na rin niyang hindi nakikita. “Something or someone?” umarko ang mga kilay ni Adeline sa anak na lalong tumamlay ang ngiti. “Cheer up. Ziggy won’t love to see you like that. You know that he wants what’s best for you and you have to remind yourself about that.” Sinungkit nito ang dulo ng ilong ni Nicolette kaya tumango siya. Anong sakit na parang buhay na buhay pa rin sa isip niya ang mga huling salitang binitiwan ni Ziggy bago iyon mamatay sa ospital. I want you to find the right man for you and don’t be stuck in this tragedy. I love you and I will always feel glad for your happiness. Kahit na sa kahuli-hulihang pagkakataon ay siya pa rin ang inaalala no’n at ang masakit ay kung paano niya iyon nakitang lumuha habang itinutulak siya na maging masaya at maging open na tumanggap ng ibang pagmamahal mula sa ibang lalaki. It’s been years and though she seldom cries, the pain is still inside her heart. Pakiramdam nga niya ay hindi pa siya tuluyang naghihilom. Masayahin na naman siya ulit pero hindi dumating sa punto na nawaglit sa isip niya ang asawa niya kaya nga anong sisi niya nang mapunta siya sa naked show dahil iyon yata ang kauna-unahang pagkakataon na may umagaw sa pwesto ni Ziggy sa isip niya. Nakalimutan niya noon ang mister niya dahil ang lalaking iyon na nakamaskara ang paulit-ulit na umukupa sa inosente niyang isip. And now she remembers that again. “Yay! Ayoko!” sampal niya sa mga pisngi nang manginit ang mga iyon kaya naman nangunot ang noo ng Mama niya. “Napapaano ka?” “H-Ha? W-Wala, Ma. M-May naalala ako. Magbibihis lang ako.” Agad siyang tumalikod at nilayasan si Adeline. Hindi niya kailanman sasabihin na pumunta siya sa isang show ng mga hubad na lalaki. Para naman siya no’ng matronang tigang na naghahanap ng aliw. Kahit na ba benefit show iyon ay parang ang sagwang tingnan lalo pa nga at inexperienced naman siya at walang alam sa mga bagay na ganoon. She won’t ever forget that ‘pierced’ moreno manhood of that LRDA when under the dim lights but she’s shure, maputi ang lintik na ‘yon. That man was such a very naughty guy. Halatang sadyang itinapat sa mukha niya ang p*********i no’n at parang ipinagyayabang pa. Tumuloy siya sa dati niyang kwarto at gumaan ang kanyang pakiramdam nang makita niya ang mga dati niyang stuffed toys. Iba pa rin ang feeling na nasa bahay nila siya. Siguro kung may kasama siya s mansyon ay baka hindi siya nakakaramdam ng pag-iisa pero ang tahimik na paligid ang lalong nagpapaalala sa kanya sa asawa niya at ayaw niya iyong iwan. Ayaw niyang talikuran kailanman ang mga bagay na may kinalaman kay Ziggy, kaya kahit na mag-isa siyang namumuhay sa napakalaking bahay ay kuntento rin siya. Her father is professional. He has a decent job and she had lived in wellness. Malaki rin ang bahay nila pero hindi iyon tulad sa regalo nilang natanggap mula kay Lorenzo de Ayala, ama ng asawa niya. She lives in luxury but it still doesn’t change the fact that she’s a widow. She’s lonely. At the age of twenty, she’s already lonely and she doesn’t know where to find her true happiness while she knew it all along that it’s dead. Masaya siya sa tuwing nasa trabaho, nasa tabi ng mga kaibigan niya o ng pamilya niya pero hindi niya gustong sanayin ang sarili niya sa ganoon. Mas gusto pa rin niyang may inilalaan na oras mag-isa kahit na malungkot kasi pakiramdam niya ay nariyan lang ang asawa niya. Nicolette sat on her bed but her phone rings. Nakita niyang si Lucy ang tumatawag sa kanya kaya halos rumolyo ang mga mata niya. Parang pusa naman na hindi na mapaihi ang kaibigan niya dahil sa upcoming opening ng main building ng Riemann Luxury Cars. Aminado siyang excited din siya na makilala ang bago nilang boss pero hindi naman sa punto na parang nalibot na yata lahat ni Lucy ang mga malls para lang makahanap ng napakagandang damit. “Ano na naman?” irap niya sa kaibigan nang lumabas sa screen ng cellphone niya ang mukha ng best friend. “May nahanap na akong damit!” iwinagayway ng babae ang itim na cocktail dress sa harap niya pero no reaction siya. “At long last.” Walang kabuhay-buhay na sagot lang niya kaya napanguso naman ang isa saka parang naupo na lang sa sofa. “Kainis naman ito. Excited lang ako.” “Alam ko na ‘yon kaya lang ilang malls na ang nalibot mo bago mo nabili ‘yan?” Humagikhik si Lucy at hindi na sinagot ang tanong niya. “Eh ikaw, may isusuot ka na?” “Meron na. Si kuya ang pumili kasi alam mo naman na siya ang critic ko pagdating sa ganyan. I trust his taste more than I trust mine.” Aniya na lang. “Patingin.” “Ah wala. Nando’n sa mansyon. Doon niya ipinadeliver. Nandito ako ngayon kina Papa. Dito ako matutulog. Uuwi ako ro’n bukas tapos matutulog ulit para ready na ako sa grand opening.” “Ah okay. Buti naman na nand’yan ka. At least hindi ka nagmumuryong mag-isa at nakatulala sa litrato ni Zig. May irereto nga pala ako sa’yo. Blind date.” “Ano?!” pinanlisikan niya ng mga mata si Lucy na agad naman na tumawa. “Hoy, hindi ako desperada na makapangasawa ulit.” “Gaga ka. Wala akong sinabi na desperada ka. I-try mo lang. Pinsan ito ni Zeke at umuwi raw galing sa Brazil. Payag naman ‘yong pinsan ni Zeke kahit na alam na balo ka na.” Ang bwisit. Ipinamukha pang balo siya. “Hay ewan ko sa’yo. Tantanan mo ako ng mga date na ganyan. Pagbibigyan kita kasi kaibigan kita pero huwag kang umasa na may kalalagyan ako sa kamay ng Brazilian na ‘yan. Diyan ka na nga. Abala ka sa buhay ko.” Agad niyang pinatayan ng tawag si Lucy saka siya natawa sa kapilyahan niya. With her friends, she acts naughty and with Ziggy she was acting like a baby. Isang taon lang ang tanda ng mister niyang namapayapa sa kanya pero bilib na bilib siya sa maturity no’n kung mag-isip kaya naman bini-baby talaga siya, only that she couldn’t act stubborn. Seryoso iyon sa buhay at pakiramdam niya ay hindi siya pwedeng magmaldita roon dahil lumaki iyon na walang ama at kailangan na sabayan niya ang kaseryosohan sa buhay. Masakit man isipin na namatay at nailibing ang asawa niya ay wala pa rin na dumating na ama kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD