Chapter 4 Vacation

1712 Words
Mariah Lira: NAGPATIUNA NA AKONG bumaba ng yate at hindi na inaya pa si Adrian. Bahala siya sa buhay niya. Sinalubong naman ako ng mag-asawang matanda na caretaker ng isla nila Liezel. "Magandang hapon señorita, ako si Danny at itong asawa ko si Carol, kami ang tagapangalaga nitong isla ng mga Del Prado. Welcome po. Nasaan ang asawa niyo señorita?" magalang pagpapakilala sa akin ng lalakeng nasa mid40s na ang edad. Napakamot ako sa batok at nilingon si Adrian na nasa loob pa rin ng yate. Napairap ako sa kinaroroonan nito bago matamis na ngumiti sa mag-asawang nasa harapan ko. "Hayaan niyo na po siya Tay, Nay natutulog pa kasi kanina" pagkakaila ko at saka bumeso sa mga ito. Bahagya pang nagulat ang mga itong halatang nahihiya sa akin. Bago pa lang kasi ang isla nila Liezel na 'to at plano sana ng bruha kong kaibigan na dalhin ang baby Cedric niya dito na nakilala niya sa shower party ko last month sa Palawan kung saan kami nagbakasyong magkakaibigan. Nainlove tuloy ang gaga at inaangkin na nga si Cedric kahit hindi pa naman sila. Naiiling na lamang kami na hindi niya talaga ito tinatantanan lalo na't magkatabi lang pala ang unibersidad na pinapasukan namin dito sa syudad. What a small world ika nga. "Dito po tayo señorita" paanyaya ni nay Carol at iginiya na ako papasok ng beach house nila Liezel. Napapatango-tango naman akong iginagala ang paningin sa kabuoan ng bahay dahil nasa dalawang floor lang ito pero may kalakihan naman lalo na't resthouse lang naman nila ito. Napakaaliwas ng loob dahil all white ang tema sa lahat, interior design at maging mga kagamitan ay kumikinang na puti ang lahat. Napahinga ako ng malalim at pabagsak naupo sa mahabang sofa dito sa living room. Nagtungo naman ang mag-asawa sa kusina para magdala ng meryenda na tinanguhan ko lang. Ramdam ko ang pagod sa buong maghapon, idagdag pang wala pa akong maayos na tulog dahil nagkainuman pa kaming magkakaibigan kagabi at naglaro kaya inabot kami ng hatinggabi sa pampang. Mapait akong napangiti habang tinititigan ang kamay kong kinasusuotan ng diamond ring ko. Kasal na nga ako. Pero walang saya, kilig at excitement na nararamdaman ko. Nanghihina akong napasandal sa sofa at idinantay ang kamay sa noo ko para takpan ang nakakasilaw na liwanag mula sa chandelier sa kisame. NAPABALING AKO ng ulo ng makaramdam ng lamig na nagmumula sa buga ng aircon. Napasilip ang isang mata ko ng mapansing nakahiga na ako sa malambot na kama. Napabalikwas akong naupo at saka ko lang nakitang nasa isang silid na ako. Naka-gown pa rin naman ako at tanging stiletto ko lang ang nahubad sa akin. Nagpalinga-linga ako sa buong silid at nahagip ng mga mata ko si Adrian na nakatalikod sa gawi ko kaharap ang asul na dagat. Maingat akong bumaba ng kama at nilapitan ito. Nahabag naman ako ng malapitan ito at kitang napakalalim ng iniisip. Ni hindi naramdaman ang prehensya ko sa lalim ng pagkakatulala nito sa kaharap na dagat. Ano naman kaya iniisip niya? Tsk! Ano pa nga ba, malamang mga babae niya! Akmang papasok na akong muli ng silid ng magsalita itong halos ikatalon ko. "Ilang araw tayo dito Lira?" napalunok ako sa tono nitong kay lalim at may bahid ng kalungkutan. Napapihit ako paharap dito at humalukipkip dito. Humarap din naman ito sa akin at halos mapatalon nito ang nananahimik kong puso na makitang napakalungkot ng mga mata nito. Para tuloy kinurot ang puso ko sa nakikita dito. Mas gusto ko pang alaskador ito at panay ang pambobola at pangungit sa akin. Kaysa gan'to na tahimik siyang napakakulimlim ang mga mata na tila kay laki ng problema. O baka saka lang niya na-realize ngayon kung gaano ka-complicated ang sitwasyon namin dahil limitado na ang galaw nito sa kaliwa't kanan niyang pambababae. Napataas tuloy ako ng mga kilay dito at pinataray ang itsurang ikinalunok at pula ng mukha. "P'wede ka ng umalis, itatawag kita ng sundo mo. But make sure hindi 'to malalaman ni Grandpa. Tumambay ka sa lungga niyo, do'n sa bar ng kaibigan mo. Kung saan kung sino-sinong mga p*ta ang pinapaligaya mo. Kung sabagay......parang gano'n ka na rin naman sa dami ng dumaang babae sayo. Nakakadiri ka. Mabuti pa ang mga bayarang lalake at nagpapaligaya sila dahil may bayad. Pero ikaw.....hindi. Binibigay mo ng libre sa kung sino na lang na titihaya sa harap mo." mahabang litanya ko na may halong pang-uuyam at napairap dito. Humarap na ako sa dagat at itinukod ang mga kamay sa balcony. Kita ko naman sa peripheral vision ko na napayuko ito at pasimpleng nagpahid ng luhang ikinakurot ng puso ko pero 'di na ako nagpahalatang apektado sa drama nito. Marahil nalulungkot ito dahil walang ibang babaeng papatusin dito sa isla. Hindi na makaya ang libido ng katawan kaya kahit kararating pa lang namin ay nagtatanong na kung kailan kami aalis dito. Tsk. Sumama-sama pa kasi kung maiinip lang naman dito. Pabigat lang ito sa bakasyon ko. Nakakainis! Nagkandaleche-leche na ang masaya, tahimik at malayang buhay ko magmula ng makilala ko na ito. "Ahm, sige sa baba na muna ako." hindi ko na ito sinagot o nilingon manlang. Napahalukipkip akong nanatiling nakamasid sa dagat ng nakanguso. Nakayuko naman itong pumasok muli ng silid. Napapaisip tuloy ako kung siya kaya ang bumuhat sa akin mula sa baba kung saan nakatulog ako sa sofa doon. Malamang siya ang kumarga sa akin. Imposible namang si tay Danny. Ilang oras din akong nagkulong ng silid. Naligo at nagbihis na rin ako bago bumaba ng bahay. Kung hindi lang kumakalam ang sikmura ko'y hindi na ako lalabas ng silid at iidlip na lamang. Naabutan ko naman ang mag-asawa sa kusina na kasalukuyang naghahain sa mesa. Lalo tuloy akong natakam at tumunog pa ang tyan ko ng masamyo ang bago ng mga niluto nilang ulam. "Magandang gabi señorita, kain na po kayo" nakangiting saad ni nay Carol. "Salamat po Nay, Tay. Si Adrian ho ba kumain na?" nagkatinginan naman ang mga ito kaya natigilan ako. "Hindi pa po señorita, nasa yate po si señorito tinatawag ko kanina pero sabi mauna na raw kayo" napakuyom ako ng kamao sa sinagot ni tay Danny. Nagpapakaimportante ba siya? Bahala nga siyang magutom! Matamis akong ngumiti sa mag-asawa kahit nagngingitngit ang loob ko sa attitude na pinapakita ni Adrian. Siya pa ang may ganang mag-inarte. Tsk! Sino ba siya sa akala niya? Tumango na lamang ako sa mag-asawa ng magpaalam na sila dahil sa likod bahay sila tumutuloy. May kwarto daw sila doon na nakalaan sa kanila kapag may bisita dito sa beach house nila Liezel. "Haist! Hindi ko tuloy malasaan ang pagkain! P*nyeta kang Mondragon ka!" pagdadabog ko at naibato pa ang kutsara ko! Akmang tatayo na ako ng may baritonong boses na nagsalita mula sa likuran ko kung saan ang pinto papasok dito sa kusina. "Bakit? Pinauna na nga kita para hindi ka mawalan ng ganang makaharap ako sa hapunan. Ano pang kinakagalit mo?" nanigas ako at nangangatog ang mga tuhod na napaupong muli sa silya. Pumasok na ito at nagtungo sa fridge at kumuha ng bottled water. Hindi ako makaangat ng mukha. Bigla akong nakaramdam ng kaba at hiya na narinig niya ang sinaad ko habang nakatalikod ito. "Sa-Sabay na tayo, hindi ako sanay kumaing mag-isa" nakayuko at mahinang alok ko. Mariin akong napapikit habang hinihintay ang sagot nito. Napahinga ito ng malalim kaya napapalabi na akong nakayuko. "Hindi ako nagugutom, kumain ka na lang. Sa yate mo nga pala ako matutulog. P'wede ba?" hindi ko maintindihan pero tumulo ang luha ko sa narinig sa kanya. Hindi ako makakilos. Ni hindi makasagot at nabablangko ang isip. Namalayan ko na lang na mag-isa na ako sa kusina na nakayukong tahimik na umiiyak. Tuluyan na rin akong nawalan ng ganang kumain dahil 'di ko na malasaan ang hapunan. Tahimik akong nagligpit ng pinagkainan ko at tinakpan na lamang ang mga pagkaing natira na halos hindi ko nagalaw. Dumampot ako ng red wine dito na naka-display sa wine cellar at wala sa sariling lumabas ng bahay. Nagtungo ako sa pampang kung saan may kalayuan sa yateng kinaroroonan ni Adrian. Mabuti na lamang at bilog na bilog ang buwan kaya napakaliwanag ng paligid. Nangingislap din ang milyon-milyong tala sa kalangitan at napakakalmado ng bawat hampas ng alon. Naupo ako sa buhanginan kung saan naaabot ako ng alon. Napapailing na lamang akong tumutungga sa bote ng wine at gulong-gulo ang isip! Hindi ko rin maintindihan pero parang gusto kong magtampo kay Adrian sa inasta nito kanina. Gano'n ba siya kabagot na walang makat*lik dito kaya napakatamlay niyang nandidito kami sa isla. Nakakalahati ko na ang laman ng bote ng may umagaw doon at nakiupo ito sa tabi ko. Kahit hindi ko ito lingunin ay alam na alam ko ang pamilyar niyang prehens'ya at pabango. Natigilan ako at sunod-sunod napapalunok habang nakamata lang sa dagat. Kita ko naman sa peripheral vision ko na tumungga ito sa bote kaya lihim akong napapangiti. Kahit paano ay naibsan ang bigat na nararamdaman ko sa kusang paglapit nito sa akin. Para tuloy napaka-romantic ng lugar sa aming dalawa ngayon. Habang nasa ilalim ng maaliwalas at bilog na buwan, kaharap ang kalmadong karagatan. Idagdag pang napakapresko ng hangin at.....kaming dalawa lang ang nandidito sa lugar dahil tulog naman na sina nanay at tatay. Mahaba-habang katahimikan ang naghari sa amin habang magkatabi dito sa pampang at salitang tumutungga sa bote ng wine. "Lira.." tumayo ang mga balahibo ko sa katawan sa pagbigkas nito sa pangalan kong napaka-sexy at manly ang dating sa pandinig ko. "B-Bakit?" pinatatag ko ang boses ko kahit nagkakarambulan na ang pagtibok ng puso ko. Lalo akong kinabahan na parang hindi na makahinga ng kita sa peripheral vision kong lumingon ito sa akin. Para niya akong hinihipnotismong liningon din ito kaya nagtama ang mga mata namin. Sa liwanag na nagmumula sa bilog na buwan ay malinaw naming natititigan ngayon ang isa't-isa. Matamang kaming nakatitig sa mga mata naming tila nag-uusap. "A-Adrian..." gusto kong kastiguhan ang sarili dahil tunog ungol pa ang pagbigkas ko sa pangalan nito imbes na bantahan habang nakahaplos ito sa pisngi ko at unti-unting inilalapit ang mukha sa mukha ko. "L-Lira....mahal kita." napalabi akong kusang napangiti at napapikit ng mga mata sa bulong nito sa mukha ko bago masuyong humalik sa mga labi kong.....kaagaad kong, tinugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD