Chapter 33 LOREBEL 'LORRIE' "Kung hindi mo anak 'yong bata, bakit mahirap para sa inyo na sabihin ang katotohanang iyon sa kanya? Nine years old na 'yong bata, Hector. Makakaintindi na 'yan kahit papaano." "Exactly. The child is only a nine-year-old, Lorrie." Balik sa akin ni Hector. "She's too young to understand and accept how she had been brought into this world. Lorrie. Mahirap bang intindihin na kaya hindi maaaring malaman ng bata sa ngayon na si Daddy ang ama niya ay dahil bunga siya ng pananamantala ni Daddy kay Luna?" Kahit nakatalikod si Hector sa akin ay alam kong nakatiim ang kanyang mukha. Nahahalata ko ring na kinokontrol lamang niya ang paghulagpos ng galit sa kanyang tinig. Naririto kami ngayon sa kanyang silid dito sa mansion. Dinala niya ako rito para pag-usapan at