Chapter 34 LOREBEL 'LORRIE' Pumunta ako rito sa hardin para libangin kahit papaano ang sarili ko ngunit na-stress lang ako nang madatnan kong parang dinaanan ng bagyo ang mga halaman. Ilan sa mga halaman ang nakatumba ang paso. Maraming dahon ang nakakalat at ang mas ikinapanlumo ko ay iyong mga napitas na mga bulaklak at tinapon lang sa kung saan-saan. Nalungkot ako sa sinapit na ito ng hardin. Ang ayus-ayos pa naman nito kaninang umaga nang magdilig ako rito tapos ngayong hapon ay bigla lang itong hinagupit at pinagmalupitan. Napakawalang-puso naman ng gumawa nito. Pabalik na sana ako sa loob para tawagin si Ate Cristy para tanungin kung sino ang may kagagawan ng pagkasira ng mga halaman ngunit napatigil ako nang mamataan ko ang gumagalaw na halaman hindi kalayuan. Nagbuga ako ng ha