WARNING! Séxual content. Read at your own risks. Chapter 29 LOREBEL 'LORRIE' Parang napugto ang aking hininga nang makita ko ang mga numero sa passbook na ibinigay sa akin ni Hector. Matapos noong unang araw ng photoshoot project ay nabanggit na ito ng asawa ko—na magpapabukas siya ng bank account para raw sa akin na sa una'y tumanggi ako dahil wala naman akong alam sa ganoong bagay pero iginiit ni Hector na kailangan ay mayroon akong account sa banko. Dapat daw may paglalagakan ako ng sarili kong pera na ang ibig niyang sabihin ay iyong sahod ko mula sa proyektong ginawa ko para sa kompanya niya. At hindi ko naman lubos akalain na ganito kalaking halaga ang ipapasok ng asawa ko sa bank account ko. "Fi—fifteen... Labinlimang milyon, Hector?" Halos wala nang lumabas na boses mula sa