Chapter 22 LOREBEL 'LORRIE' Sa kalagitnaan ng tulog ko ay bigla na lamang akong nagising nang makapa kong wala na sa aking tabi si Hector. Umaga na ba? Ang unang pumasok sa isip ko ay umalis na ito patungo sa opisina niya ngunit nang sulyapan ko ang digital na relo sa night stand ay pasado alas tres palang naman ng madaling araw. Ipinagpalagay ko na baka nauhaw lang ang asawa ko at kumuha lang ng maiinom sa kusina pero naalala ko rin na nakaugalian ko nang magdala ng isang pitsel ng tubig dito sa kuwarto niya tuwing gabi. Bumangon na lamang ako dahil may bumubulong sa akin na hanapin si Hector. Late na naman kasi itong umuwi kagabi at tumanggi na itong maghapunan. Siguro ay nagutom ang asawa ko at naghanap ng pagkain. Maasikaso ko nga. Paglabas ko ng kuwarto ni Hector ay dilim ang bu