CHAPTER 23

1635 Words

Chapter 23 LOREBEL 'LORRIE' Kinurot kaagad ng lungkot ang dibdib ko nang magising ako kinaumagahan na wala na pala si Hector sa aking tabi. 'Di ko man lang namalayan na umalis na siya. 'Di man lang siya nag-abalang magpaalam kahit tapik man lang sana para namalayan ko kahit papaano. Kakabangon ko lang pero ang bigat kaagad ng katawan ko. Nakaramdam ako ng pagod at nananamlay ako. Sinalat ko ang sariling noo. Lalagnatin ba ako? Pero parang normal naman ang init ko. Sinulyapan ko ang oras sa ibabaw ng night stand. Wala pa palang alas siete ng umaga. Ang aga naman yatang pumunta ng opisina n'ya si Hector. Bukod sa oras ay may nakatawag pa ng aking pansin na nasa ibabaw ng night stand. Isang maliit na papel. Umisod ako sa kama para abutin iyon ngunit natigil sa ere ang kamay ko nang may

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD