Chapter 31 LOREBEL 'LORRIE' "I don't fúcking care if I pay a fúcking hundred men, Alvizo. Wala akong pakialam kung ilang milyones ang itapon ko basta't madala lang sa harapan ko ang púnyetang babaeng 'yon sa lalong madaling panahon!" Narinig ko ang malakas na pagkalampag sa mesa at sumunod naman ay ingay mula sa nabasag na kung ano. Mahigpit kong ipinagsalikop ang mga palad ko habang napapakinggan ko ang galit na boses ni Hector mula sa loob ng library dito sa mansion ng mga Griego. Nakasandal ako sa pader sa tabi ng nakaawang pinto ng library kung saan ko sinadyang puntahan ang asawa ko para sana yayain siyang kumain. "Masusunod ho, Boss H." Si Gavius Alvizo ang kausap ni Hector sa loob at kinakabahan ako sa iniuutos ni Hector sa kanyang executive assistant. Wala rin akong ideya kung